✿Chapter One✿

26 13 1
                                    

The book



"A fantasizer holds a pen, gazed upon the sky, caressing her ball, and ended the book with three dots."



Ito ang unang linya ng paborito kong libro na niregalo sa akin ni tatay noong ika-pitong kaarawan ko. Mahahalata sa libro na luma na ito. Walang kahit anong nakalagay sa cover nito. Mukhang uso kay tatay ang linyang "Don't judge the book by its cover".



*tok tok*



Tinabi ko ang libro at tumayo nang marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang isang dilaw na tulip at music box. Kinuha ko ito at niyakap ang boyfriend kong si Teejay Rodriguez. Hinalikan niya ako sa noo ko na nagpangiti sa akin. Ang lambing talaga nito. 



Niyaya ko siya sa loob at pinaupo sa kama ko. Pinatong ko ang tulip sa mesa malapit sa kama ko. Binuksan ko nang dahan-dahan ang music box at sumandal sa braso niya. Kumanta siya at sinabayan ko kahit hindi ganon kaganda ang boses ko.



"I can't help falling in love with you

Shall I stay

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you"



Pagkatapos ng kanta ay lumingon ako sa kanya, nakapikit siya habang nakasandal ang ulo sa pader. Lihim akong nakangiti habang pinagmamasdan ang magandang lalaking ito. Maputi ang kulay ng balat, hindi ganon kakapal ang kilay, singkit na mga mata, mahaba ang pilik-mata, matangos na ilong, medyo manipis at mapulang mga labi. Natigilan ako nang mapansin niyang nakatingin ako sa labi niya. Ngumisi siya kaya tinawanan ko siya."Huwag kang assuming. Hindi kita pinagnanasaan ha. Pinagmamasdan lang kita.", hinampas ko siya nang kindatan niya ako.



"Baby..", napapikit ako nang lumalapit ang mukha niya sa akin."Ano 'to?", minulat ko agad ang mata ko at lumingon kung saan siya nakatingin. Hawak niya pala ang librong binabasa ko kanina."Ngayon ko lang nakita 'to ha."



"Sulat yan ni tatay. Nawawala sa isip ko na ipakita sa'yo yan. Ibalik mo na yan, kekwento ko nalang sa'yo.", binitawan niya ito at bumalik sa pwesto niya kanina."Paulit-ulit ko mang binabasa, hindi naman ako nagsasawa. Sabi ni tatay, isinulat niya raw ito nung mga panahong magkasintahan pa lamang sila ni nanay. Manunulat si tatay noon ngunit nainggit ang kasamahan niya sa trabaho at napatanggal siya nito. Hindi na raw niya ipinagpatuloy ang pagsusulat. Malaki ang paghanga ko kay tatay sa kwentong ito. Maikli man at bitin, iba naman ito sa mga nabasa kong libro. Hindi niya naman naikwento kung ano ang naging inspirasyon niya dito.", nginitian ko siya at sinuklian niya rin ako ng ngiti. Pinahiga ko siya sa hita ko, hinawakan ang aking kamay pagkahiga niya."Scalvereinia, Kingdom of Scalthrenines. Iyon ang pamagat ng kwento. Mayroong isang babae na nagngangalang Euphemia na naglikha ng kaharian nila pati na rin ang mga Scalthrenines. Hindi pa rin nila alam na kung paano ito nalikha, kung isa ba siyang diyosa. Ikinwento na doon na pagdaan ng ilang daang taon, may isang prinsipe na nagngangalang Sirio. Doon sa kaharian, ang mga prinsipe at prinsesa lamang ang hindi lumalaki sa mundo ng mga tao. Ang ibang Scalthrenines na simula pagkabata hanggang makatapos ng kolehiyo ay sa mundo ng mga tao  nanirahan. Pagkatapos nito, pupunta na sila sa Scalvereinia upang pagaralan ang kanilang kapangyarihan. Kapag nakontrol na nila ito, magdedesisyon sila kung babalik pa sa mundo ng mga tao o hindi na. Puwede pa naman silang bumisita sa kaharian. Gayon din ang prinsipe, isang beses nang bumisita siya sa mundo ng mga tao noong labindalawang taong gulang pa lamang siya ay may nakilala siyang batang babaeng nagngangalang Tiarah Jenn Sandoval. Dumalas ang pagbisita niya dahil kay Ameia. Naramdaman niyang kauri niya ito pero hindi niya ito sinabi. Hindi dapat agad nila malaman na hindi sila ordinaryong tao hanggat hindi pa sila bumalik sa kaharian. Nung dumating ang panahon na babalik na si Ameia, sinalubong agad siya ni Sirio at nagpakilala bilang prinsipe. Lalong naging malapit sa isa't isa ang dalawa at sila nga ang nagkatuluyan."



"Paano naging bitin? Naging happy ending naman ang kwento nila.", tanong niya na ikinalungkot ko. Ewan ko ba, tuwing naaalala ko iyon ay ramdam na ramdam ko ang lungkot.



"Araw na ng panganganak ng Prinsesa Ameia subalit dumating ang mga masasamang salamangkero mula sa malayong kaharian. Nagtangka silang kunin ang anak nito, muntik pang malagay sa alanganin ang buhay ng prinsesa. Buti na lamang ay nailigtas sila ng prinsipe. Simula noon, ipinaalaga nila ang kanilang anak sa magasawang tao na pinagkatiwalaan nila. Lumaki ang prinsesa sa mundo ng mga tao na hindi kilala ang tunay niyang mga magulang, malayo sa katotohonan.", naaawa ako sa prinsesa kahit kuwento lang naman ito.



"O, bakit malungkot?", iling lamang ang sagot ko sa kanya."Ang ganda mo naman kahit malungkot ka.", natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga 'tong lalaking ito."Ayan, good. Ayoko ng malungkot ka diba? Kuwento lang naman 'yan, 'wag mo masyadong seryosohin.", tumango lang ako bilang sagot. Sa simpleng ganito niya ay kinikilig na ako. Magdadalawang taon na kami, hindi na kami ganon kasweet sa isa't isa. Totoo nga na kapag matagal na hindi na ganon kasweet. Mas nakilala namin ang isa't isa at iyon ang naging dahilan kung bakit kami umabot dito.



"Tingnan mo 'tong dalawa, kita pa rin sa mga mata niyo gano niyo kamahal isa't isa.", napalingon kami sa pintuan, nakatayo sila tatay habang magkahawak ang kamay.



Bumangon si Teejay at bumalik sa puwesto niya kanina."Mas kita pa rin naman sa inyo 'tay. Ang tagal niyo na pero ganiyan pa rin kayo sa isa't isa. Sana ganiyan din kami ni Jemay pagtanda namin."



"Basta panghawakan mo ang sinabi mong hindi mo lolokohin at iiwan ang anak ko. Pagdating ng tamang panahon, papayag ako na ikaw ang pakakasalan ng anak ko.", sambit ni nanay at nagkatinginan kami ni Teejay, mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko.



"Maaasahan niyo po, 'nay.", sagot niya.



"Hindi porket hinahayaan kita sa kwarto ng anak ko, puwede niyo na gawin ang gusto niyo ha.", natawa si Teejay samantalang nahiya naman ako sa sinabi ni tatay.



"Lino naman. Halika na nga. Sige iho, pasensya na."



"Okay lang po, 'nay.", sagot ni Teejay kay nanay at umalis na sila.



Humarap naman sa akin si Teejay na may ngiti sa labi."Mahal na mahal kita."

Scalvereinia I: The EyeWhere stories live. Discover now