✿Chapter Three✿

21 10 2
                                    

Transtone



⊰⊹Third Person's Point of View



Tinulungan ng binata ang prinsesa tumakas. Ang binata ay nagngangalang Trajan, Raven George Lopez sa mundo ng mga tao. Moreno, matangkad, itim ang kulay ng mata, matangos ang ilong, makapal ang kilay, pilik-mata at labi. Lumabas ang hologram sa harap niya."Keep safe, Trajan. She needs to go to the human world. Something happened to his man. Use the transtone and it will lead you to the area near the place. Go to the street and she will see what it is. We will also go there after the meeting. By the way, Trajan, thank you for saving my daughter.", sambit ni Queen Ameia at nawala na ang hologram. Hindi na niya naintindihan ang sinasabi ng prinsesa. Tinawag na lamang niya ito at pinatulog. Sa tingin niya ay mahihirapan siya dahil sa ingay ng prinsesa. Binuhat niya ito at lumisan na agad sa lugar na iyon.



Ginising niya na ang prinsesa pagkarating sa lugar san sila dinala ng transtone."Saan mo ako dinala?! Kalaban ka! 'Wag kang lalapit!", wika ng prinsesa subalit tiningnan lamang siya nito. Unti-unti siyang umaatras at ang binata ay pinagmamasdan lamang siya."Bakit hindi ka sumasagot ha?! Sabi ko na e! Dapat hindi ako sumama sayo! Manloloko k-"



"Petron na ho! May bababa ba?", natigilan ang prinsesa nang marinig ang konduktor ng bus.



"Halika na nga. Ang ingay mo.", hindi na siya sumagot at sinundan na lamang.



Pagdating nila sa tabing-kalsada, bumungad sa kanila ang tarpaulin na nakapaskil sa gate.



In loving memory of Teejay Rodriguez

Born: January 02, 2000

Died: July 03, 2020



Napaupo ang prinsesa sa nakita, pakiramdam niya ay may tumusok sa dibdib niya. Inalalayan siya ng binata, niyapos ang prinsesa nang humagulgol ito sa iyak. Sinisigaw nito ang pangalan ng mahal niya habang pumipiglas sa bisig ng binata. Ang lakas ng sigaw at iyak niya ay narinig ng mga tao sa loob. Napansin nilang si Jennella ito kaya tinawag nila sila Mang Lino.



Lumapit agad ito sa kanila,"Anak..", hinayaan ng binata na yumakap ang prinsesa sa tatay nito. Tumingin siya sa malayo dahil nahihirapan siyang makita sa ganitong kalagayan ang prinsesa. Ramdam niya ang paghihinagpis nito.



"T-taaaay! Anong nangyariiii?!", mahigpit na niyakap ng ama-amahan ang prinsesa. Pumapadyak-padyak ito at lumalakas lalo ang hagulgol na nagpaluha na rin sa tatlo. Hinimas-himas ni Aling Rona ang likod ng prinsesa. Awang-awa siya sa anak-anakan. Matapos nito mawala, iyon din ang gabi na nabalitaan nilang nasunog ang bahay ng binata. Sunog din ang bangkay nito at pinacremate ito ng mag-asawa. Ayon sa record ng binata, mag-isa na lang ito sa buhay kaya sila na ang nagasikaso. Malapit na rin sa loob nila ang binata kaya sobra silang nalungkot sa pagkawala nito. Nagalala sila sa prinsesa dahil sa pagkawala niya at mararamdaman nito sa pagkamatay ng kanyang minamahal.



Nang mahimasmasan kaunti, dinala na nila ito sa loob kasama ang binata. Naluha na rin ang iba nang makita ang itsura ng dalaga. Nang makita ng dalaga ang litrato ng binata, dahan-dahan siyang lumapit at kinuha ito. Niyakap niya ito at sinambit nang paulit-ulit ang pangalan ng mahal.



Mabuti ay mabilis na umalalay ang binata nang mahimatay ito. Nahulog ang litrato nito na agad dinampot ni Mang Lino. Binuhat ng binata ang dalaga at dinala sa kwarto. Sinamahan siya ng magasawa at nilock ang pinto."Salamat at ligtas ang anak ko. Ikaw ba ang nagligtas sa kanya?", tanong ni Aling Rona na nakaupo sa gilid ng prinsesa. Ngiti lamang ang sinagot ng binata.



"Hindi namin alam na ngayon pala makakarating si Jennella. Hindi kami nasabihan ni Ameia.", sabi ni Mang Lino habang pinagmamasdan ang anak.



"Ang totoo po niyan, hindi pa po kami nakakauwi. Dito po kami pinadiretso ng mahal na reyna. Hindi ko po alam na ito ang aming dadatnan.", ilang minuto ang lumipas ay tahimik pa rin ang tatlo.



Biglang lumitaw ang portal at lumabas ang hari at reyna dito. Napatayo si Aling Rona,"Teka, kukunin niyo na ba siya? Baka naman puwede pa siyang magtagal nang kaunti."



"Delikado ang buhay ng anak natin dito. Pasensya ngunit kailangan na namin siya madala sa palasyo.", wala nang nagawa sina Mang Lino at asawa sa sinabi ng hari. Kinuha ni Aling Rona ang pinaglalagyan ng abo ni Trajan at binigay sa reyna."Salamat. Itatabi ko ito sa kanya para makita niya agad pagkagising niya."



"Baka puwede kaming bumisita sa kanya kahit minsan lang.", malungkot na wika ni Aling Rona.



Ngumiti ang magasawa sa dalawa at sumagot ang reyna,"Hindi naman namin ilalayo sa inyo ang anak natin. Magulang din kayo, pupuntahan namin kayo at sasamahan sa kaharian."



"Halika na, Trajan. Paalam muna, Lino, Rona.", nagpaalam ang binata sa magasawa at binuhat ang prinsesa. Sumama na siya papasok sa portal kasunod ng hari at reyna.

Scalvereinia I: The EyeWhere stories live. Discover now