✿Chapter Four✿

13 3 2
                                    

The Goddess Euphemia✧



Kakatapos ko lang kumain ng agahan, iniwan ko muna si Teejay sa kwarto ko. Suot ko naman ang kwintas na may abo niya kaya ayos lang.



Kasalukuyang naglalakad ako sa hallway, manghang-mangha ako sa mga nakikita ko. Ang lalaki ng mga chandelier sa kisame, ang gaganda ng strokes sa mga painting na nakasabit. Simple lang ang nasa painting, para bang pinaglaruan pero ang ganda ng pagkakasama-sama ng mga kulay. Puro halaman at bulaklak na nasa paso sa magkabilang gilid. Kulay asul at puti lang ang nakikita kong kulay kahit ang mga gamit, mukhang ito ang paboritong kulay nila mom. 



Ang mga pintuan ay nagmistulang malaking bintana. Makikita ang maputing buhangin at asul na dagat. Nakakagaan sa pakiramdam, sana pala dati pa ako lumabas. Napansin kong mga pintuan ito dahil ang pintuan ng kwarto ko ay ganoon din ang itsura pagkalabas ko.



Ang haba ng hallway, mukhang malaki itong palasyo. Hindi ko alam kung may iba pa bang parte. Parisukat ang hugis ng building na ito, ayon sa nakikita ko. Sa gitna nito ay may mga bubbles na naglulutangan at iba't iba ang laman ng mga ito. May isang bubble na may pabilog na fountain sa loob, may mga bubbles na iba't ibang bulaklak ang laman, may mga bubbles na mayroong puno na may duyan, may isang bubble na may lamesa at mga upuan, may mga bubbles na iba't ibang disenyo ng upuan, at may isang bubble na may portal sa loob. Pagsilip ko sa baba, patag na damuhan lamang ito. Nasa pinakamataas na parte ako ng palasyo, mahigit kumulang 20 floors.



Lumiko na ako nang marating ko ang sulok ngunit natigilan ako nang makitang may isang malaking painting ng babae at may statue niya sa tabi nito. 



Nakasulat ang pangalan niya sa baba nito, "The Goddess Euphemia, Creator of Scalvereinia and Scalthrenines." Pinagmasdan ko ang itsura niya,"Suntanned skin, narrower eyebrows, blue eyes, high cheekbones, straight-edged nose, almost perfect body shape.. Woah, what a perfect woman. She really look like a Goddess.", bulalas ko.



Napatikom ako ng bibig nang marealize ko na nakanganga na pala ako. Paglingon ko sa buong hallway, marami pa ang malalaking painting ng mga tao. Siya lamang ang magisa sa painting, kasunod niya ay ang unang royal family. Naroon din pala siya, mukhang ito ang kanyang pamilya. Wala naman sa libro na nabasa ko na may pamilya siya. Ang anak nila ay babae, napakunot ang noo ko nang mapansin kong may hawig ako sa kanya."King Sevann and Princess Euviann."



"Jennella?", napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa akin.



"Good morning po, dad.", papalapit si dad sa akin na malaki ang ngiti, hinayaan ko lang siyang yakapin ako. 



"Mabuti naman ay lumabas ka na, ang tagal na kitang gusto makausap at mayakap.", hindi ko mapigilan ang maluha, nagiguilty ako kasi ang tagal kong nagkulong sa kwarto. Ang tagal naming hindi nagkita pero pinagkaitan ko sila ng pagkakataon na makausap agad ako. Pakiramdam ko ang sama-sama kong anak."Hey, sweetie. Anong problema?", nagaalala niyang tanong sa akin. Umiling lamang ako at pinahid ang mga luha sa pisngi ko.

Scalvereinia I: The EyeWhere stories live. Discover now