✿Chapter Three: Part Two✿

19 10 6
                                    

A/N: Hello, readers! Thank you for reading. I put this note here kasi baka hindi niyo mapansin sa Chapter Three. Sorry for editing again and for the change of Chapter One. Bago na po ang Chapter One and namove po ang previous Chapter One into part two, Chapter Two na nagstay, Chapter Three into Chapter Two: Part Two, then the new update Chapter Three. And this is the other update, Part Two of Chapter Three. Sorry pabago-bago isip ko. Feeling ko naman last na pfft- Hindi ko lang nagustuhan Chapter One ko before kasi walang quote and something. I hope nagustuhan niyo naman. Enjoy and continue reading (●♡∀♡)



Necklace



⊰⊹Jennella's Point of View



Pagkamulat ng aking mata, bumungad sa akin ang naguusap na matandang babae at ang nagligtas sa akin kanina. Napatigil sila sa pagsasalita nang mapansin nilang gising na ako. Umupo ako at sumandal, hindi pa rin sila umiimik. Lumingon ako sa malaking bintana malapit sa bintana ko. Umuulan, nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ko ang panaginip ko. Inalis ko agad ito sa isip ko at tumingin sa kanila.



"Nasa palasyo na ba ako?", tanong ko pero hindi sila sumasagot."Hindi ba palasyo 'to? Akala ko kasi.. Uhm tinawag mo akong prinsesa 'diba?"



"Sweetheart, don't worry you are the princess and you're in the castle. I'm Lady Vionette, your grandmother, the previous queen of Scalvereinia.. Anyway, you seems alright. I think you forgot something.", sagot ng matandang babae na lola ko pala. 



"I'm sorry? Huling naalala ko nandoon pa kami at hindi pa kami nakakatakas. Wait- Pano tayo nakatakas?", tanong ko sa lalaking kasama ko kanina pero lumingon lamang siya sa lola ko.



Si lola ay may inabot sa aking jar at binuksan ito. May abo ito sa loob kaya nakaramdam ako ng kaba. Sumagi sa isip ko ang napanaginipan ko. Inalis ko agad iyon sa isip ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya. May kinuha siya sa kanyang bulsa, isang kwintas na kulay puti ang pendant. Binuksan niya ang pendant, isa pala itong maliit na bote. Mukhang yari ito sa dyamante, ang ganda. Kumuha siya ng kaunting abo at nilagyan ang bote. Tinakpan niya ito at pinasuot sa akin."Ano po ba 'to? Magical dusts po ba o magical ashes?"



"Rona told Trajan that something happened. The house got burnt as well as the person living inside and that's him.", natahimik ako sa sinabi niya."I put the ashes inside the bottle, sorry for not asking your permission. Always wear that necklace, so you will feel he's with you.", nakangiti siya pero ramdam kong may kakaiba.



Natahimik ako sa sinabi niya, kinutuban ako at pinagsisihan kong naisip ko na hindi pala iyon panaginip.



Hindi.. Panaginip lang 'yon. Jennella, umayos ka. 'Wag kang nega.

Scalvereinia I: The EyeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora