✿Chapter Two✿

63 12 0
                                    

Taken



⊰⊹Third Person's Point of View



Natigilan ang magasawa dahil sa paglagapak ng pintuan. Mga taong nakapula ang iniluwa nito. Nabalutan ng takot ang dibdib nila sa nakita. Hindi man kilala ang mga estrangherong ito pero alam nila na galing ito sa mundo kung saan dapat nabibilang ang tulad ni Jennella.



"Mga salamangkero....", bulong ni Mang Lino sa asawa.



"Nasaan ang anak nina Sirio at Ameia?!", walang galang pagtatanong ng isang lalaki. Nanginginig ang kamay nilang magkahawak. Hinigpitan ni Mang Lino ang pagkakahawak. Alam nilang magasawa na kapag hindi nila sinabi ang katotohanan, mapapahamak sila pero buo ang desisyon nila at kampante sila na huwag umamin para sa kapakanan ng anak-anakan.



"Anong sinasabi mo?! Hindi namin kilala yang sinasabi mo!", matapang na saad ni Mang Lino."Tsaka sino ka ba ha?!"



Napasigaw si Aling Rona nang lumutang ang asawa at tila sinasakal ng isang lalaki. Nanlambot ang tuhod ni Aling Rona kaya napaupo siya sa sahig. Napahagulgol siya sa sobrang takot.



"Malaman man namin na may kaugnayan kayo sa kanila, alam niyo na ang kahihinatnan niyo.", tila mga bula na biglang naglaho ang mga salamangkero at napahiga si Mang Lino dala ng pagkakahulog niya. Kaagad siyang nilapitan ng asawa. Hinimas-himas pa nito ang leeg dahil sa sakit ng pagkakasakal.



"Ano pwede kong gawin? Dadalhin ba kita sa ospital? Masakit pa ba? A----"



"Ayos lang ako. Ang importante hindi niya ako tinuluyan. Huwag ka nang magalala. Kailangan na nating umalis dito at baka bumalik pa ang mga iyon.", magsasalita pa sana si Aling Rona ngunit hinarang niya ang daliri sa labi nito."Bukas na bukas, lisanin na natin ang bahay na ito. Kailangan na nating magimpake. Huwag mo nakong alalahanin. Ayos lang ako.", nakangiting saad ni Mang Lino. Niyakap nang mahigpit ni Aling Rona ang asawa. Kumalas sila sa pagkakayakap nang biglang may kumatok sa pinto.



"Nay! Tay!", nakahinga sila nang maluwag ng mapagtantong si Jennella ito. Inayos na nila ang sarili at binuksan ni Mang Lino ang pinto.

Scalvereinia I: The EyeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu