✿Chapter Two: Part Two✿

28 11 0
                                    

Dark Castle



⊰⊹Jennella's Point of View



"Nasaan ako?", nilibot ko ng tingin ang bawat sulok ng silid na ito. Mataas ang kisame at makakapal ang bakal ng ----Aray! Ang sakit ng buong katawan ko."Anong nangyari? Anong ginagawa ko di-- Sh*t"



"Gising na ba siya?", napabalikwas ako ng tayo nang marinig ako na hindi kalayuan. Sumilip ako upang malaman kung sino sila. Natigilan ako nang maalala ko na ang nangyari bago ako nawalan ng malay.



~Flashback~



"Anak, kain na muna tayo.", napakunot ang noo ko nang hawakan ni tatay ang kamay ko. Hindi siya ang tatay ko. Kahit kailan hindi niya ako niyaya kumain ng ganito. Malapit lang kasi ang kwarto ko sa kusina kaya kapag narinig ko na ang kalatog ng mga pinggan ay ibig sabihin kakain na kami. Nakakapagtaka dahil hinawakan niya pa ang kamay ko."Sige po, tay.", pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hinigpitan niya."Tay, bakit ayaw niyo po bitiwan ang kamay ko?", umiling siya at ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag nang bitiwan na niya ang kamay ko. Mabilis kong kinuha ang rosaryo sa cabinet ko at hinarap ko sa kanya."Sino ka? Anong kailangan mo sakin?", kinilabutan ako nang tumawa siya.  Nanginginig na ako sa takot. Unti-unti kong hinakbang ang paa ko papalayo sa kanya habang unti-unting nagbabago ang anyo niya."I-ikaw?", sabi ko na nga ba.. Kaya siya nawala kanina dahil nagpanggap siya bilang si tatay."Ano bang nagawa ko sayo ah? Please tigilan mo nako. Huwag ka nang magmulto sakin."



"Multo?", nagtaka ako nang bigla siyang tumawa nang malakas."Kalokohan! Jennella, o tawagin kitang Prinsesa Keira..", natigilan ako sa sinabi niya."Nagkakamali ka. Wala ka bang alam sa mahika? Sabagay, dito ka kasi lumaki sa mundo ng mga tao."



"Anong mahika? Hindi totoo yun. Wag mo akong lokohin. Hindi ako maniniwala sayo.", nagtaka ako nang may binulong siya at biglang may lumitaw na portal sa tabi niya. Sh*t! Totoo ba 'tong nakikita ko?



Humakbang siya papalapit sakin habang nakangisi."Wag kang lalapit!", napatili ako nang bigla akong lumutang. Ginalaw niya ang kamay niya at naramdaman ko na lamang na parang may tumulak sa akin ng malakas papasok sa portal. 



~End of Flashback~


Hanggang doon lamang ang naaalala ko, mukhang nawalan ako ng malay sa pagkabagsak ko. Kailangan kong makaisip ng paraan para makaalis dito. Sigurado hinahanap na ako ng mga magulang ko at ni Marco. Hindi na ako mapakali pero pinipilit ko parin lakasan ang loob ko. Hindi ko sila hahayaan na ikulong ako dito nang matagal. Naghanap ako ng magagamit ko palabas dito. Ngunit masyadong madalim dito at ang liwanag ng buwan lamang na nagmumula sa maliit na siwang ng bintana sa taas ang nagsilbing ilaw. Mukhang mahihirapan akong makatakas dito. Napatitig ako sa kamay ko, may taglay na kapangyarihan din kaya ako? Bakit nila ako kinuha at ano ang kailangan nila sa akin? Wala namang espesyal sakin. Kung meron man, ano naman ito? Tinitigan ko ang rehas ng kulungan. Huminga ako nang malalim at pumikit. Kung ano man ang kapangyarihan ko, tulungan mo ako. Napadilat nang may marinig akong ingay. Bumuka ang mga ito, makakalabas na ako sa wakas. Natigilan ako nang may lalaki na lumalapit sa akin.

Scalvereinia I: The EyeWhere stories live. Discover now