Prologue

18.5K 513 131
                                    

"Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, alin sa dalawa, hindi makakarating sa paroroonan o naka-neck brace"

Sa di kalayuan sa nakaraan (literal translation ng 'in a not so distant past')

".....The war is actually begun! The next gale that sweeps from the north will bring to our ears the clash of resounding arms! Our brethren are already in the field! Why stand we here idle? What is it that gentlemen wish? What would they have? Is life so dear, or peace so sweet, as to be purchased at the price of chains and slavery? Forbid it, Almighty God! I know not what course others may take; but as for me, GIVE ME LIBERTY, or GIVE ME DEATH!"

Pumailanglang ang lakas ng boses ni Meng sa halos bakanteng function hall.... nang biglang may pumalakpak sa may pintuan.

"Bravo! bravo! Isa pa! Isa pa!"

Nang makita niya kung sino, mabilis siyang tumakbo pababa galing sa platform bago pa matawag ang pansin ng mga estudiyanteng nagsisimula nang magpasukan.

"Ano ka ba Ricardo? Tumahimik ka!" may halong gigil ang pagkurot niya sa braso ng binata.

"Bakit ba? Ang galing mo naman talaga a!" Kumaway siya sa isang grupo sa dulo ng hall "Hey guys, best friend ko to! Tandaan n'yo yung pangalan, Nicomaine Mendoza. Now a name, soon a legend."

Kahit mas matangkad ang kaibigan, nagawa niyang hatakin ito sa leeg para takpan ang bibig. "Okay na! okay na! Tumahimik ka!"

"Kailan ba kasi contest mo? Para makapagpagawa ako ng banner, maisabit sa likod. At siyempre, present ako para mag-cheer! Go Menggay, go Menggay, GO!"

Nagdududa na siya. "Alam mo, kabisado ko yung mga ganyang hirit. Anong kailangan mo?"

"Alam mo rin, pareho talaga wavelength ng utak natin. Yan ang gusto ko sa 'yo Menggay, nababasa mo ang isip ko. Relax ka lang, darating tayo diyan. Isang tanong muna. HIndi ka ba nagsasawa kay brader Patrick?"

"Sinong brother Patrick?"

"Ano ka ba? Ikaw nagpakilala sa 'ming dalawa! Diba speech yan ni brader Patrick Henry the Great of the US of A? Meng naman! High school ka pa lang, contest piece mo na yan. 2nd year college ka na!"

"Sino ba me sabing contest piece 'to, hello? May declamation contest pa ba sa college? Impromptu speaking sasalihan ko, pang-practice ko lang ng boses yan."

"Fine! Ang akin lang, maawa ka kay Patrick Henry, nananahimik na yung tao sa libingan, i-retire mo na yang declamation piece na yan. Wala bang pang-millenial piece?"

Sa kanilang dalawa, mas mabilis siya talagang mapikon. "That's it! Bahala ka sa buhay mo!"

Sabay talikod.

Mabilis naman ang paghabol ni Ricardo. "Teka Meng, hindi ka na mabiro! Sige gusto mo i-search natin baka may apo yan sa talampakan na puwede mong pakasalan! Basta gawin mo lang 'tong project ko."

("Sorry pero hindi ako mag-aasawa.") .oops, napalakas yata ang bulong niya.."Akala ko pa naman nagbago ka na. Graduating ka na uy! Bakit magpapagawa ka na naman ng project? Don't tell me. Istorbo sa social life mo?"

"Teka, teka... tama ba yung narinig ng super sonic ear ko Meng? Hindi ka mag-aasawa? Bago yata yan."

Narinig niya yon? Nagtaas ng isang kilay si Meng. "May sinabi ba ko Ricardo? Change topic, ano'ng project ba yan?"

"Sa elective ko para para makapasa ko sa subject. Literature. Three book reviews of a single author."

"O marami namang scifi novels diyan. Di ba yun naman hilig mo?"

"Nalimutan ko bang sabihin sa 'yo? Classic Literature Meng, Classic Literature."

"Sino ba naman kasi nagsabing kumuha ka ng Classic Literature na elective subject?"

"Aba, malay ko! Basta yan yung una kong nakita na hindi conflict sa schedule ko. Saka hindi pumapasok ang prof. Basta magawa lang ang project, garantisado ang grade na tres. Please Meng, for our friendship sake?"

"Yes, for our friendship sake. Our friendship na take ka nang take at give naman ako nang give?"

"Excuse me! Anong take nang take? Sino nagtanggol sa 'yo nung may nambastos sa 'yo sa food court?"

"Na barkada mo rin!"

"Sino ang sumbungan mo nung high school pag may nambubully sa yo? Sino ang taga-bitbit ng bag mo na puno ng libro?"

"Stop Faulkerson! Tama na at baka bumalik pa yan ng elementary." Tiningnan ni Meng ang papel na inabot ng binata. "Ano ba mangyayari sa 'yo pag di mo ma-submit 'to?"

"Eh di ano pa? Incomplete ang 2 units. Hindi ako magmamartsa. Hindi ako gagraduate. Walang diploma. Iiyak si mama. Dagdag isang sem na naman."

"At hindi mo gustong mangyari 'yon?"

Hinablot ni Richard ang papel. "Alam mo sabihin mo na lang kung ayaw mong gawin. Hahanap ako ng mas nagmamalasakit na kaibigan na may pusong busilak at gustong tumulong."

Alin, yung mga chika-babes mo? May maisulat naman kaya yung mga yon? Inagaw ulit ni Meng. "Fine! But this will cost you big time. AND ako ang pipili ng AUTHOR. Gets mo?"

Siyempre ngiting tagumpay ang Ricardo with matching akbay. "Alam mo Nicomaine, you're really the best! At dahil diyan, starbucks tayo. Bagong dating ang allowance ko galing sa remittance ni papa."

"Akala mo makukuha mo ko sa pa-Starbucks mo? I'm the one standing between you and your college diploma. Dapat ang dialogue mo 'Give me 3 book reviews or give me death!'"

"Okay, anong kabayaran ang sisingilin mo?"

"Yung hindi mo malilimutan kahit lima o sampung taon pa ang dumaan o sa buong buhay mo. Pero siyempre secret pa ngayon."

"Parang kinakabahan yata ako diyan."

"Dapat lang Faulkerson. You should be. Ibang maningil ang isang Nicomaine Mendoza. So deal or no deal? Laban o bawi?"

"Kung anuman yan, Deal! Laban!"

Tinitigan ni Meng ang kaibigan. Ano kaya magiging reaksyon niya pag nalaman niya kung ano ang irerequest ko sa kanya?


Teka, parang may kulang.....

hmmmm.... what could it be?

Aaaah, A/N, Author's notes. Kuya Will, take it away!

A/N: Ang susunod na programa ay rated GP as in General Patronage. Kahit walang patnubay ng inyong mga magulang, ayos lang.

Hello, hello! Eto na naman po ang inyong lingkod, kumakatok sa inyong mga puso para sa isa na namang kuwento ng pag-ibig na hahaluan natin ng konting katatawanan, asaran at sasahugan ng konting kurot sa dibdib pero siyempre bubudburan natin ng masaganang hugot at kilig.

Handa na ba kayo? Kung oo, ako hindi pa.

Hehe, ano ang ibig kong sabihin? Pipilitin ko pa rin po hanggang sa kaya ng powers ko na mag-post ng update araw-araw. Pero sana mapatawad n'yo ko kung paminsan-minsan ay sasablay.

May napansin na ba kayong kakaiba?

'Ikaw, Ako, Tayong Dalawa?' Tagalog ang pamagat ng kuwento, may question mark pa sa dulo. At halos Tagalog/Filipino ang salaysay.

Oo, susubukan natin na Filipino ang gamitin sa kalakhang bahagi ng kuwento. Yung sakto lang na hindi naman lalabas na dialogue ng mga pelikula nung Dekada-70.

Kung may bayolenteng reaction? Speak now or forever hold your peace.

Mabalik tayo, bakit ganyan ang pamagat? Saan tayo dadalin ng kuwento? Ano naman ang karakter ni Meng at Ricardo dito? Anong deal kaya ang mangyayari? Sino pa ang mga karakter na makakasama natin?

Ang kasagutan, bukas.

Bukas ay Linggo.

Book cover design ni @heartastoria Maraming, maraming salamat sis!

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Where stories live. Discover now