21a - Bahay Kubo, Kahit Munti

4K 430 50
                                    

A/N: Pasensiya po sa maikling update ngayong umaga. Pero tama si sis heartastoria sa comment niya, may "a" sa title kaya may update po ulit mamaya.

"Meng, wala yung sasakyan ni Tisoy. Wala bang iniwang message o text sa 'yo?"

"Wala madam, kanina ko pa nag-check sa phone ko. Baka naman dinala yung sasakyan para mag-jogging. Nag-jogging din siya kahapon."

"Check mo kaya sa room kung andoon pa ang gamit, para sure? Sayang kasi 'tong breakfast na hinanda mo. Gusto pa naman ulit sumabay ni Nanang. Natuwa yata sa kanya."

"Madam naman! Check talaga sa room? Umagang-umaga? Pa'no kung biglang dumating? Invasion of privacy yon."

"Anong masama? Diba bestfriend mo naman? O baka more than na? Akala mo hindi ko napansin kagabi yung mga sulyap saka tingin niya sa'yo ha? Ikaw naman, super patay-malisya! Kunyari si Baste ang inaasikaso pero wag ka, kinikilig ka siguro no?"

"Okay na madam, sabi ko nga iche-check ko na ang room."

----------------------

Mahina pa ang katok ni Meng sa pinto nung una, pero pagkaraan ng ilang minuto, medyo nilakas na niya. Wala pa rin.

Kaya ginamit na niya ang spare key niya. Ito rin ang kuwarto na ginamit nila ni Baste nang una silang lumipat dito.

Dahan-dahan siya sa pagbukas. Mahirap na at baka biglang may lumabas sa bathroom. (Ay iba yatang palabas yon.)

Walang tao. Malinis at maayos ang kama. Parang hindi nahigaan. Wala din ang mga gamit niya. Saka lang niya napansin ang nasa bedside table.

Isang card envelope at sa ibabaw nito ay isang napakagandang bronze figurine. Wala siyang natatandaan meron silang ganitong display. Figurine ng isang Roman o Greek goddess kung hindi siya nagkakamali. Ang mahal siguro nito.

Kinuha niya ang envelope at nakita niya na bukod sa card, may nakaipit na cash. Binuksan niya ang card ang bumungad sa kanya ang pamilyar na penmanship. Hindi pa rin nagbabago ang sulat-kamay niya.

"My dearest Menggay,

Pasensiya na at hindi na ko nakapag-paalam. I had to leave very early, medyo may konting emergency sa Bahay Kubo. Enclosed is our payment for the two rooms for two nights.

Hinihintay sana kita na lumabas sa kagabi sa garden, ang dami kasing stars saka para makapag-usap na rin. Medyo off yata yung mga una kong sagot sa tanong mo kahapon. Kaso baka pagod ka na tapos nagluto ka pa. Or baka umiiwas kang mapag-isa tayo, I hope not.

Ibibigay ko din sana yung isa sa pasalubong ko sa'yo galing Italy. Guess who is she? None other Diana in Roman mythology and Artemis in Greek. She's the goddess of hunting.

She reminds me of you when I saw this

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She reminds me of you when I saw this. I just know I had to get this for you. Hindi ko alam kung bakit nung una. Now I know. Kasi pati pala puso ko napana mo na. Corny? Oo, pero totoo.

Nakapag-isip ako kagabi, at isa lang ang nasiguro ko. I'm more than 100% sure na yung nararamdaman ko para sa'yo ay higit pa sa kaibigan. The past two days cemented it. Yung ibang sagot sa mga tanong mo, gusto ko na personal kong sabihin sabihin sa'yo.

In the meantime, I'll give you space to let you get used to the idea. Hindi tayo nagmamadali. Alam ko nabigla ka.  But I hope you'll give the quote below some thought.

Please consider this as my official application as your suitor

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Please consider this as my official application as your suitor. Oo Menggay, hindi mali ang nabasa mo. Bilang manililigaw mo.  Kung kailangan kong magpaalam kay Tatay Bossing at Nanay Karen at sa mga kamag-anak mo, gagawin ko para walang duda na hindi ako nagbibiro.

Give my hugs and kisses to Baste. Hugs and kisses din sana sa'yo pero mas maganda na personal ko ring ibigay pag payag ka na.


All Yours if you'll take me,

Richard, Ricardo o Tisoy 

(First time kong nagsulat ng love letter. Akala ko hindi na uso. Iba pala pag talagang tinamaan ka na, kusa na lang lalabas yung gusto mong isulat.)


P.S.

I told you about a business proposition. I want to get you as supplier of organic vegetables and herbs for Bahay Kubo. I'll cover the shipping costs. This one is purely business so I hope I can have your answer soon."

A/N: Tisoy, ano ba? Okay na e, bakit may P.S. pa na business proposition? Pero sige, wait ko baka may reason. Saka ano ba magagawa ko, e naisulat mo na.

Napaupo si Meng sa kama at hinawakan ang figurine. Alam niya kung sino si Diana at bakit ito ang pinili ni Richard na ibigay sa kanya. (A/N: Ah eh, si wonder woman? Okay, siret na! Baket?)

Never in her wildest dream na magagamit ang blankong complimentary card na iniiwan nila sa mga rooms sa ganitong paraan. Usually, ginagawa 'tong thank you card ng mga guests na iniiwan sa kanila o kaya para magbigay ng feedback. Dini-display nila yung iba sa may reception.

Pero eto? First time na nagamit as love letter at para sa kanya pa.

Seryoso si Tisoy. Hindi na 'to biro.

Ito kaya yung new terms na sinasabi niya?

A/N: Hala Menggay, ano na! Baka naman, buksan na natin ang baul 'te at ipagpag na angnakatagong damdamin sa ilalim. O confused ka pa rin? Tulungan ka naming mag-isip. Magalingkaming mag-analyze at mag-overthink.


Trivia: Sino si Diana at ano ang alam ni Ricardo tungkol sa kanya? Eto hindi fake news, sa wikipedia ko nakuha. Baka ito ibig niyang sabihin. "Diana was known to be the virgin goddess of childbirth and women. She was one of the three maiden goddesses, along with Minerva and Vesta , who swore never to marry."

Aminin mo Tisoy, eto yon no? Ang tanong, mabago mo kaya ang isip niya?


Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Where stories live. Discover now