25 - Ang Kasabihan, Bow

4.2K 419 66
                                    

Biyernes ng hapon. Fully booked ang Balai ni Conchita kaya busy ang lahat. Busy rin si Menggay sa pag-aayos kay Baste.

"Diba baby, sabi mo big boy ka na? Good boy ka do'n ha?"

"Promise mommy, pinky swear pa. Are you going too mommy? Ilang tulog ako doon kila Lola Nanay?"

"Kailangan si mommy dito e. Dalawang sleep lang, 1, 2. Tapos mommy will come and fetch you, then we'll go to your favorite place to eat. Okay ba yon?"

"Sa Bahay Kubo ni Tito Bestfriend Tisoy? Favorite ko na yun, mommy. Sabi niya may surprise daw siya pag good boy ako."

"Naku malayo yata yon anak, di ba puwede McDo tayo pagsundo ko sa 'yo? Sige nga, review natin. Ano ginagawa ng good boy?"

"Aahm, magpo at opo, magkiss ng hand ni Lolo Tatay at Lolo Nanay, hindi makulit, ififix ang toys after magplay, iinom ng milk at magpray before magsleep. Can I bring my toy dinosaurs mommy? I promised Lolo Tatay that I will teach him all about dinosaurs e"

"Sure pero huwag lahat ha."

"Just two, mommy, no three. Saka yung gift ni Tito Bestfriend Tisoy na bagong lego ko. Mommy, hindi na fireman gusto ko when I grow up. Gusto ko na maging arc... archeologist, para hahanapin ko lahat ng dinosaurs."

"Baby,  hindi yata archeologist ang naghuhukay ng dinosour. Saka iisa lang ang alam na dinosaur ni mommy. Paleontologist. Sabihin mo. Pal-eon-to-lo-gist."

"Pal...pal... mommy, fireman na lang ulit."

"Hahaha,  basta susupport ni mommy kung ano gusto mo paglaki. O ready ka na? Padating na sila Lolo Tatay. Go get your backpack na. Ikaw na magfix ng things mo."

"I will miss you, mommy. Pero promise, hindi ako magka-cry."

"Will miss you too, baby. Basta tatawag parati si mommy, ha? Ha?. Lagi-lagi. O hug and madaming kiss muna. Muaaah!"

------------

Tumalikod agad si Meng paglabas ng gate ng kotse bago pa siya umiyak. Para namang kung saan pupunta eh ang lapit lang naman ng Laguna. Pero unang beses kasi na malalayo si Baste sa kanya sa loob ng mahigit na isang taon. Unang beses na hindi niya makakatabi pagtulog.

"Meng, sigurado ka ba diyan sa ginagawa mo? Baka mamayang gabi, ikaw ang iiyak-iyak diyan."

"Okay na 'to madam. Ito pinag-usapan namin nila Nanay. Trial lang. At least kahit pa'no nagcocomply tayo sa requirement ng DSWD habang pina-process yung application ko as foster parent ni Baste."

"Eh sinasabi ko lang. Sigurado hahanapin ka niyan. Ang shunga naman kasi nung Ms. Minchin na yon, ang daming nalalaman na rules and regulations. Na-check mo na ba kung nasa rules nga yung sinasabi niyang violation? Baka mamaya, imbento pa more lang yon."

"May copy na ko ma'am Allan, pero sinisimulan ko pa lang basahin, nosebleed na ko. Mamayang gabi siguro pag di ako makatulog."

"Sus, maniwala ako! Eh I'm sure may tatawag mamaya para i-comfort ka. Siguro kung pinayagan mo yun, baka lipad na yun dito sa Taal para kayo ang maghatid kay Bash. Kesehoda pang sabihin na Biyernes ngayon at busy sa restaurant niya. Haaay, kinikilig talaga ko pag nakikita ko kayo!!! Para kong nanonood ng sine na pakipot ang bidang babae."

"Madam, umayos ka! Ayoko namang abusuhin yung tao."

"Ay day, hindi mo ba narinig ang balita? Gusto niyang pa-abuso, lalo sa 'yo. Ang haba ng hair mo! Bakit di mo pa kasi sagutin? Itapon mo na yang mga hangup eme mo! Okay na kami na lang ni Nanang ang hindi mag-asawa. Alam mo tingin ko mas mapapadali yung pag-ampon mo kung mag-asawa na kayo. May kasabihan nga tayo, two is better than one."

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Where stories live. Discover now