45 - Littlefoot

4.8K 473 95
                                    

A/N: May mga bagay na kahit saan mo daanin, hindi magiging madali at no single correct solution. Different strokes for different folks.

Sorry po at medyo na-late. Ang totoo nyan, matagal kaming nag-usap ni marsi Google. Malapit na po akong mag-consult sa child psychologist. Baka may kakilala kayo, char!

Paunawa: Wala muna pong masyadong kilig ngayon, serious muna po tayo.

---------------------

Ang nakaraan.....

"Ha? Siyempre may picture ka nung baby. Wala lang dito."

"Eh bakit po?"

"Uhmm.... kasi ganito yun baby, aaahh, diba last year lang natin ginawa 'tong scrapbook mo? Diba sa ibang bahay tayo nakatira dati? I'm sure natabi lang yun. Okay kuya?"

"Okay, pero hanapin natin mommy ha? Para ilalagay ko sa scrapbook. Para pareho kami ni baby!"

Facepalm. "Ayan na pala si Daddy, paturo ka na assignment ha! Huwag makulit, then sleep na."

"Yes, mommy. Who's going to tell me my bedtime story tonight?"

"It's daddy's turn. O kiss na kay mommy. Goodnight kuya!"

--------------------

Nagulat si Richard nang unan ang nadantayan niya pagbaling niya sa kutson. Asan ang katabi niya?

Tumingin siya sa wall clock. 1am.

Sumilip siya sa kama. Wala ring katabi si Baste. Nag-CR?

Narinig niya ang kaluskos sa labas kaya tuluyan na siyang bumangon.

Nakaupo lang si Meng sa dining table. Parang ang lalim ng iniisip. "Bakit gising ka pa mahal? Saka 'yang iniinom mo? Huwag mong sabihing kape!"

Mali eh, mali talaga!

"Camomile tea lang. Hindi ako makatulog."

Nakiinom si Richard. Camomile tea nga. "May problema? May nararamdaman ka? Sumasakit ang tiyan mo? Nasusuka ka?"

"Ang OA mo ha! Okay lang kami ni baby. Wala bang tinanong sa 'yo si Bash kanina?"

"Hhhmmm, none that I can remember. Wait! Tinanong niya kung meron ba kong baby picture kasi wala daw sa scrapbook natin."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko nasa album nila lola mama at lolo papa sa bahay. Bakit mo tinanong?"

Tinakpan ni Meng ng mga kamay niya ang mukha in frustration. "He asked me earlier bakit wala siyang picture na baby na baby pa siya. How careless of me na ipakita pa sa kanya that I was preparing a space for the ultrasound picture of the baby. Nagpatulong pa ko sa kanya. Of all the stupid things to do! Of course he will ask. Tapos nasagot ko lang, baka naitabi yung picture niya nung naglipat kami. Wrong answer diba? Mali! Chance ko na sana to explain!"

Kinuha niya ang mga kamay ni Meng para imasahe. Hinayaan lang niya 'tong maglabas ng sama ng loob.

"Have you tried introducing the concept of foster parent and adoption to him before? Wala ba siyang natatandaan sa nangyari sa kanya bago n'yo siya nakuha? Sorry ang late yata ng mga questions ko."

"DSWD cautioned us. Kasi nga abandoned child siya. Sabi nung case officer, minsan selective ang memory ng bata lalo na kung hindi maganda. Hindi naman siya naku-curious pag bumibisita si Miss Minchin at ini-interview siya. Akala niya normal lang at nacute-an lang sa kanya."

"Ano na ngang sinasabi mo pag tinatanong niya dati kung sinong daddy niya?"

"Nasanay naman kasi siya na nakikita si Tatay at kuya. Nito na lang siya nagtanong. Sabi ko nasa malayong-malayo. Actually for a time, akala niya ikaw yon kasi ikaw lang naman nakikita niyang kausap ko. What do we do? Ayoko siyang ma-trauma pag nalaman niya."

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Where stories live. Discover now