4 - #Alaala

4.8K 420 96
                                    


A/N: Bilang pagpupugay sa makatotohanang pagganap ni Gov, para sa kanya ang title ng makabagbag damdamin na kabanata natin ngayon.

Library

"Marsi Maine, I'll go ahead. Kita na lang sa Monday?"

"Sige Marsi Mitch, text text na lang. Enjoy your Sunday tomorrow."

"Diba wala kang ride ngayon? Puwede tayong sabay pauwi. Sunduin ako ni Kuya."

"Ah e... meron. Isasabay ako ni Richard. Ni Kuya Richard. Hinihintay ko lang siya."

"Ok. I get it. Ni Kuya Richard. Ingat!"

Hindi naman sa pabibo effect siya. Pero library ang tambayan niya pag gusto niya ng konting katahimikan. At basa basa ulit pag may time. Oo gumagamit na sila ng mga e-books pero iba pa rin talaga ang amoy at dating ng hardbound books. Nakaka-genius. Chos!

Konti na lang ang tao sa library dahil halos 5:30pm na at Sabado pa. Dito ang usapan nila nang makatuntong naman si Richard ng library kahit minsan. Este, Kuya Richard pala.

Kuya Richard. Walang kamalay-malay si Ricardo na Kuya Richard ang tawag niya minsan dito sa harap ng barkada niya sa school. Para malinaw dahil lahat sila ay crush siya. Puwera ako.

Defense mechanism? Naah! Of course not! Eh sa mas matanda naman talaga siya ng 2 taon at 8 buwan.

Naalala na naman niya ang tanong ni Tisoy kanina. "Menggay." "Boyfriend, gusto mo?"

Connected ba yan sa iniisip niya na na-broken-hearted DAW ako dahil sa kanya nung Grade 6? Ang kapal din e. Nabuhay na naman. Bakit ba ayaw matahimik ng issue na yan? Sus, patatawarin. Ang tagal-tagal na, ilibing na please!

Sabagay ako rin ang umiiwas na pag-usapan. Pride? Kahihiyan? Ano nga ba dahilan ko?

Nothing can be farther from the truth. It's not heartbreak. Mas maaga lang nagising sa katotohanan ng buhay at buhay teenager.

A/N: Sige nga Menggay, bakit hindi natin balikan ang nakaraan. Gusto mo ba ng sound effect? Dun dun dun dun.... ay mali, pang-suspense pala yun. Ang ala-alang ito ay hatid sa inyo ng Bear Brand Adult Plus at Cebuana

(Simula ng alaala na may voice over ni Menggay.... tingini-ngining....)

Sabi nila sa pangkalahatan (in general), mas maaga raw mag-mature ang mga babae emotionally kahit late bloomer physically.

Siguro totoo sa 'kin yon. Likas akong matanong kahit nung bata pa. Mahilig din akong makinig habang nagkukuwento ang iba, bata man o matanda.

At maaga din akong nagka-crush. Sabi ni Nanay, dati daw pag nakakita ko ng pogi, tatawagin ko ng boyfriend. Minsan mga artista sa TV kasi bihira naman ang may hitsura sa lugar namin.

Hanggang nagsimulang may itayong bahay sa bakanteng lote sa tabi namin.

Grade 3 pa lang yata ako no'n. At dahil ehem... may konting talino, medyo sikat ako sa klase. Naakyat ang Nanay ko o tatay ko sa stage tuwing recognition. Mahilig din akong sumali sa mga contest. Puwera math. Spelling Bee, name it.

Hindi n'yo rin naitatanong, maaga akong nahilig magbasa. Magsabi ka ng fairytale, malamang kabisado ko yan. Mga kuwento ng prinsipe at prinsesa ng Disney, walang nakakalusot sa 'kin. Kahit si Barbie at si Ken. Oo, mahilig akong mag-imagine at magdaydream.

Kaya hindi nakapagtataka na bata pa lang, naniniwala na 'ko na may isang mala-prinsipe na nakalaan sa bawat isa. Basta good girl ka lang.

Teka naligaw na tayo sa kuwento ng bagong bahay na tinatayo sa bakanteng lote sa tabi namin.

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon