41 - Ang Lagay eh...

5.4K 468 79
                                    

A/N: Dahil Biyernes ngayon at naging successfull ang events ng dalawang bida sa totoong buhay kahapon, may pahabol po na konting harot si otor, brought to you by OppoF5.

Hindi niya alam kung ga'no siya katagal nakatulog. Binuksan niya ang isang mata. Namamalik-mata yata siya o nananaginip. Inangat ni Meng ang ulo niya mula sa pagkakadantay sa dibdib ni Ricardo.

Patay naman ang ilaw sa kuwarto pero bakit maliwanag? Mabango na maliwanag. Nang idilat niya ang pangalawang mata ang inilibot ang tingin, saka niya nakita ang mga scented candles na iba-iba ang hugis at taas, kasama ang mga petals ng bulaklak na nakakalat sa wood flooring ng kuwarto.

"Love?"

"Hhmmm..." Nadistract si Ricardo sa pagd-drawing ng kung ano-anong figure sa likod ni Meng gamit ang hintuturo habang nakasandal siya sa magkapatong na unan.

"Nakaburol na ba tayo? Bakit may mga kandila?"

"Ano ka ba mahal, asa'n ang pagka-romantic mo? Nag-effort ako habang tulog ka. Akala ko nga hindi ko na magagamit yan, ang tagal na naka-stock dito sa room. Tingnan mo yung mga petals. Dati sariwa yan, dried petals na ngayon."

"May hugot? Di ka na mabiro. Thank you love, ang sweet mo." Tumaas siya at yumakap sa beywang ni Ricardo at hinila ang kumot hanggang sa dibdib niya.

"Happy?" Inangat niya ang ulo ni Meng para sa isang smack sa labi.

Ngiting tagumpay ang sinagot niya. "Very happy."

"May isa pa 'kong surprise. Naghanda ako ng midnight snack natin sa dining area. Tara ulit."

"Teka, magbibihis lang ako."

"Huwag na, masasayang lang, gawin mo na lang gown yang kumot. Baka nakakalimutan mo, 2 rounds pa lang."

Napalunok nang di oras si Menggay. "Love? .... ehhh, nahihiya ako!"

"Ano nga yon?"

"Makakalakad pa ba ko ng derecho after niyang sinasabi mo?"

"Hahahaha! Haaay, Menggay! Wala ka talagang kupas! Sunod ka na ha! Pero pakiss muna ulit."

A/N: Ehem, mister mukhang nakakarami ka. Bawi-bawi lang pag may time ba ang peg?

----------------

Inisip niya bakit hindi na lang dinala ni Ricardo ang midnight snack nila sa kuwarto.

Kaya pala. Pagbukas niya ng pinto ng room, nakapatay din ang lahat ng ilaw. Ang nagbibigay ng liwanag sa dadaanan niya ay mas marami pang scented candles and petals sa hallway hanggang sa gilid ng steps ng hagdan.

Teka naman, fire hazard ang attire ko. Kaya mas inangat niya ang suot na togang kumot at baka magkasunog naman.

Gano'n din ang eksena sa baba. Of course, naghihintay ang kanyang prince charming para sa kanilang midnight snack by the candlelight.

Tuluyan na siyang napatawa-iyak nang makita niya ang nakahain sa mesa - chicharon, siomai, siopao, penoy (hindi balot), at home-made sago at gulaman.

"Promise, hindi ako ready. Upo na po kayo mahal na prinsesa."

"Malaking paano? Eh katabi kita sa kama the whole time diba?"

"Akala mo lang yon. Hinintay lang talaga kitang makatulog. And this is the miracle of food delivery."

"Pati 'tong chicharon at penoy?" Lumapit siya sa mesa.

"Ah binili ko yan sa naglalako yan sa labas." Nailusot pa rin niya ang isang lingering kiss sa lips at sa balikat bago niya pinaupo si misis.

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon