46 - Kapag May Tiyaga

4.5K 502 119
                                    

A/N: Eh yung hindi ako umiyak nung sinusulat ko yung last chapter pero naiyak ako reading the comments. Salamat sa inyong mga insights at comments. Salamat din daw sa suporta sabi ni Baste.

Ang dami kong natutuhan habang nagreresearch sa topic and even wondered if I bit more than I could chew when I chose this theme. Pero sabi nga ng nasirang si Ernie Baron, knowledge is power. And we're sharing that knowledge.

Again, salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa ating paliko-likong kuwento. This is another unchartered territory.

Sinandal ni Meng ang unan sa headboard para panoorin si Baste na mahimbing pa rin ang tulog.

Sila na lang mag-ina ang nasa kama. Maaga pang umalis si Richard para iwasan ang traffic sa SLEX at EDSa papasok ng Metro Manila. Nagising na lang siya ng halikan siya at magpaalam ito. Kahit inaantok pa at hindi pa nagmumumog, yumakap siya sa leeg ng asawa at hinila ito para bigyan ng proper good morning at goodbye kiss.

Parang nananaginip pa siya nang maghiwalay ang mga labi nila at tapikin niya ang pisngi ni Tisoy. "No toothbrush yet. Sorry, not sorry. Ginusto mo yan Ricardo."

"Who's complaining Mrs. F. No, huwag ka nang bumangon. Maaga pa. Go back to sleep."

Pero hindi na siya nakabalik sa tulog. Eto siya at pinanood na lang si Baste. Isang beses lang siya nagising pero nang makita sila na nasa tabi niya e nakatulog na siya ulit. May konting kurot sa puso nang yumakap sa kanya nang mahigpit si Baste na parang takot siyang mawala.

Grabe! Naiisip na naman niya yung tanong ni Baste kagabi.

Bakit hindi natin siya nihanap?

Such an innocent question from a child pero ang bigat na naman sa dibdib.

Naghanap nga ba kami o enough na yung efforts na pagreport ng incident at hinayaan na sa police ang kaso? Naging selfish ba ko to the point na halos nagdeactivate ako sa mga personal social media accounts ko dahil baka may makakilala sa kanya pag nagpost ako ng pictures online?

Napatingin siya sa study table. Ano yung nasa wall, post it notes?? Bago yata. Bumangon siya para tingnan at baka may bilin si Ricardo. Makapagluto na rin ng breakfast bago niya gisingin si Baste para i-prepare sa school.

The post reads: "Mahal, have I told you lately that I love you? No? E di I love you and Good morning!"

Haaay naku! Ang arti-arti. Pero in fairness, napa-smile ako.

Pagpasok niya sa banyo, meron na namang post it note. Hindi sa salamin, kundi sa weighing scale. Nakatakip sa digital display.

The post reads: "Huwag ka na mag-attempt magweigh. Kahit dumoble pa timbang mo paglobo ng tiyan mo, I love you just the way you are."

Ano nakain ng asawa niya na hindi daw mahilig sumulat?

Nang makarating siya ng kitchen, nagulat siya dahil may nakahain na sa mesa at nakacover ng mga pinggan na may post-it-note sa ibabaw. May isang sunflower pa na nakalagay sa basong may tubig.

The post reads: "Bago mo lutuan ng breakfast ang iba, ikaw muna. Fill up, dalawa na kayo ni baby na kumakain. Miss you always my sunshine!"

Nang alisin niya ang mga takip, may fresh milk siya, hard boiled eggs, banana and fresh strawberries, at boiled sweet potato. Nagresearch ang mokong ng food good for pregnant women. I'm impressed!

Pero ang hindi niya kinaya ay ang post it notes na nakadikit sa ref. Hindi lang isa, apat na post-it-notes pa!

Post-it-note#1 reads: "Mahal, just want to tell you how very proud I am of you last night. Hearing you tell Baste that bedtime story and ...

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Where stories live. Discover now