19 - Mahaba-habang Usapan

5.3K 453 103
                                    

Nagmamadali si Menggay. Tinanghali siya ng gising. Mag-aalasais na.

Kailangan niyang ayusin ang ilulutong almusal ng guests, tapos babalik siya ng bahay para ihanda si Baste sa pagpasok sa school. Gusto sana niyang special ang ihaing almusal ngayong umaga pero pasensiyahan na, tapsilog na lang muna at kulang na ng oras.

Tutal kasalanan din naman niya kung bakit di siya agad nakatulog. Oo, si Tisoy na walang malay.Naninibago siya sa kinikilos ni Richard. Oo, alam niyang limang taon silang hindi nagkita at siguradong may pinagbago siya pero basta may iba.

Tapos nung patulog na siya, bigla namang nagising si Baste. Nagugutom daw. Sa kalituhan niya kahapon nung dumating sila Richard, hindi tuloy niya napakain nang maayos. Pinainom lang daw siya ng gatas at ginawan ng sandwich ng Tito Tisoy niya. Naku, hindi puwede kay Baste ang hindi full meal. Ayun, napa-midnight snack silang mag-ina.

And speaking of the devil, teka bakit bukas na ang ilaw sa kitchen sa main house e karaniwang siya ang unang-unang dumarating. Aba at may sumisipol pa. Tisoy?

"Good morning Menggay. Ano gusto mo, coffee, tea o tsokolate-ah?"

Hindi siya makatingin. "At ano ang ginagawa ng guest sa kitchen nang umagang-umaga?"

"Nagluluto ng breakfast para si Baste na lang ang aasikasuhin mo. Nagjogging kasi ako kanina, then pagbalik ko may naglalako ng tawilis. Tinanong ko na rin pa'no lutuin. Binangi daw. Inihaw pala yon.Buti ini-explain nung ale. Kaya ayan, with matching tapsilog. Tapa, sinangag at itlog. Breakfast should be ready in 30 minutes. Gisingin mo na si Baste."

"Anong nakain mo?"

"As a way of saying thank you for agreeing to be the tour guide for today. Saka hindi ako pinatulog nung 2 tasang kapeng barakong ininom ko kagabi. Grabe pala tama no'n, tapos tumawag pa ko sa restaurant to make sure everything's in order. And I'm blabbering. Sige na uwi ka na para makaalis tayo ng maaga."

"Pumayag na ba 'ko?"

"May magagawa ka ba? Ibig sabihin matitiis mo 'ko?"

"Eto na nga o, nakabihis na. Sige prepare ko lang si Baste for school at ibibilin ko lang kay madam. Huwag kang masyadong maingay at baka magising mo si Nanang. Sarapan mo luto ha?"

"Menggay, hindi pala sasama si Kuya Frankie, matutulog na lang daw siya."

A/N: Aminin mo Tisoy, hindi sasama o talagang hindi kasama?

-------------

Sinasabing ang Bulkang Taal ay isang complex volcano. At isang dahilan kaya napuyat si Meng ay dahil kailangan niyang magresearch ng konti para naman may mai-share kung magiging tour guide nga siya.

Para simulan ang kanilang adventure for the day, kailangan nilang magbangka muna papunta sa volcano island.

Nagulat siya nang biglang abutin ni Richard ang kamay niya paakyat ng bangka at hindi siya binitiwan hanggang makaupo sila sa gitna. Nakaalalay pa rin siya hanggang sa pagbaba nila.

Patay-malisya na kunwari hindi niya napansin. Na wala lang. "Ito ang tinatawag nilang volcano island. Aakyatin natin yung Main Crater Lake. Dalawa option natin, magrent ng kabayo kasama yung guide o maglakad. Kung lakad, mga 45 minutes to one hour. Anong gusto mo?"

"Nakapag-horseback riding ka na ba?"

"Yung totoo? Hindi pa. At ang balita ko, masakit sa tumbong. Okay confession. Unang beses ko ring aakyat ng Taal crater kaya hindi ko alam kung magiging effective akong guide. You're free to get another guide, sasama pa rin naman ako."

"Eh di lakad kung lakad. At ikaw lang ang guide na gusto ko. Ayaw mo no'n mas exciting, pareho pala nating first time. Pa'no let's go?"

Medyo maalikabok ang unang part ng daan paakyat at ilang beses na kailangan silang tumalikod at gumilid para paraanin ang mga kabayong pababa na sakay ang turistang galing na sa taas.

Ikaw, Ako, Tayong Dalawa? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon