Part 3

3K 86 2
                                    

"NAMAMAGA NA NAMAN ang mga mata mo. Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Hanna. You're not..."

"I am."

Nagpamaywang si Bella, ang kaibigan ni Hanna at assistant na rin sa pag-aaring flowershop. "Alam mo ba kung ano ang tinutukoy ko?"

"Hindi."

"E, bakit sagot ka ng sagot?"

"Ang bagal mo kasing magtanong, eh." Hanna gave her friend a cup of steaming mug of coffee before sitting in front of her computer. Saglit niyang binuksan ang kanyang email address, at nang makitang wala naman siyang bagong sender ay nag-logout na rin siya agad upang magtungo naman sa website ng kanilang online flowershop. "We have seven deliveries scheduled for today. At may sampung bagong orders. Nagiging romantiko na yata masyado ang mga tao these days."

"Huwag ka nang umangal. Kailangan natin silang maging romantiko o mawawalan tayo ng negosyo."

"Siyempre, agree ako sa iyo. Naayos mo na ba ang mga orders na ito?"

"Oo. Nagpa-aga talaga ako ng pasok ngayon dahil alam kong malayo-layo ang mga deliveries natin. Pero mabalik tayo sa mala-bullfrog mong mga mata—"

"I watched Hachiko last night, Bella."

"Na naman? Alam mo, kung naging tao lang ang pelikulang iyon, baka nagmakaawa na iyon na tantanan mo na siya."

"I love that movie."

"You don't love that movie. You're obsessed with it."

"I'm obsessed with that movie." Sinipat ni Hanna ang relong pambisig. May beinte minutos pa siya para makipag-asaran kay Bella bago magsimula ang delivery hours nila. Hinarap niya ito habang humihigop ng kanyang mainit na kape. "Ang movie lang na iyon ang nagpapaiyak sa akin kaya ninanamnam ko lang ang mga pagkakataong iyon. Alam mo naman, natuyo na ang tearducts ko nang mawala si Julius." Napansin niyang tila saglit na natigilan si Bella at mataman siyang pinagmasdan. Ngumiti lang siya. "Dumoble ba ang laki ng mala-bullfrogs kong eyebags?"

"Oo. Ang pangit mo na."

"Pero bagay naman sa akin, di ba? Mas lalong na-emphasize ang puppy-dog eyes ko."

Napabuntunghininga na lang si Bella at iiling-iling na binalingan ang sarili nitong kape. "Sige na nga. As long as you're coping up with Julius' death...I guess okay na rin ako kay Hachiko kung iyon ang makapapagpasaya sa iyo."

"Thank you, friend. 'Love you."

"Pero puwedeng huwag mo namang gabi-gabihin ang pelikulang iyon? It's kinda creepy."

"Okay. May maire-recommend ka bang nakakaiyak na pelikula?"

"Bakit kailangang nakakaiyak? Mas okay ang mga comedy movie."

"Dahil mas napapatawa mo pa ako kaysa sa mga comedy movies na iyon."

"Ginawa pa akong clown nito. O, sige. Ihahanap kita mamaya sa internet. Ay, oo nga pala. Tumawag ang Mama mo ngayon-ngayon lang. Dumalaw ka raw sa kanila mamaya at dumating daw ang mga kapatid mo from all over the world."

"All over the world ka riyan. Nasa America at Paris lang naman ang dalawa kong kapatid. Anyway, thanks." Dinampot niya ang cellphone sa ibabaw ng kanyang table at lumabas ng flowershop upang tawagan ang kanyang ina.

The bright light of the morning sun washed her sleep-deprived face as she stepped out of the flowershop. Malamig pa ang simoy ng hangin dahil halos mag-a-alas otso pa lang ng umaga. At dahil wala sa main road ang shop nila, bukod pa sa karamihan sa mga nakapaligid na residential areas doon ay mga private subdivisions at villages, kaya halos walang dumadaang sasakyan sa harapan nila na nakakasira sa katahimikan ng lugar na iyon.

Summer Rain (On Going)Where stories live. Discover now