Part 8

1.8K 54 2
                                    

SABI NILA GUNI-GUNI KO LANG ANG LAHAT. Sabi nila, masyado lang daw kitang nami-miss kaya inakala kong ikaw ang nakita ko bago ako maaksidente. Siguro nga. Kung ganon...kung dadagdagan ko pa ang pagka-miss ko sa iyo, magpapakita ka uli sa akin? Kahit sa guni-guni lang? I wouldnt mind, you know. I would even accept another accident if it means I could see you again.

Napanaginipan din kita noong nasa ospital ako. Nang tawagin ko ang pangalan mo, ang sabi mo hindi ikaw iyon. Pilit kong binura sa isip ko ang sinabi mong iyon. Pero paglingon ko sa iyo, naglalakad ka na palayo. Ni hindi mo man lang ako pinagbigyan sa hiling kong manatili ka kahit sandali lang sa tabi ko. You just walked away, as if you didn't know me at all.

Iyon ba ang paraan mo para sabihin sa akin na wala ka na talaga? Masyado ka yatang malupit ngayon, Julius. Bakit kailangang pati sa mga pagkakataong puwede sana kitang makasama kahit sandali lang...bakit kailangan mo akong saktan ng ganon? Sobra na ba ang panalangin ko na makita kang muli kaya kahit sa panaginip, ipinapakita mo na rin sa akin na wala ka na?

Julius, bigla mo akong iniwan, eh. Ni hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na makapaghanda. Kaya sana huwag mo ako masyadong pagalitan kung bakit parang nababaliw na ako sa paghahangad kong makita at makasama kang muli. Ah, mabuti na nga siguro na mabaliw na lang ako nang tuluyan. Baka sakali, maawa na sa akin ang langit at hayaan na ako ng Diyos na makita at makasama ka sa bawat sandali ng buhay ko. Kahit sa ilusyon ko lang.

My body still aches from the accident. But I wouldn't mind having that kind of accident again...

I know, you wouldn't want that. You would never wanted anything bad happen to me. Malulungkot ka kapag nadidisgrasya ako.

But I miss you...

So much...

Summer Rain (On Going)Where stories live. Discover now