Part 6

1.9K 60 1
                                    


NAKAKASILAW NA LIWANAG ang bumungad kay Hanna sa kanyang pagmulat. Ilang sandali rin niyang pinagmasdan ang kinaroroonan niya dahil hindi pamilyar sa kanya ang mga nakikita ngayon.

"Oh, thank goodness you're awake!" Masuyo siyang hinalikan sa pisngi ng kanyang ina. "We were so worried about you."

"Ma, nasaan ako...?"

"Nasa ospital ka. Ikaw talagang bata ka. Sinabi ko na kasi sa iyong tigilan mo na iyang pagmo-motorsiklo mo at kumuha na lang kayo ng delivery boy ninyo. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa iyo. Sa katigasan ng ulo mo, hayan na nga ba at nangyari na ang kinatatakutan ko."

Napablikwas siya ng upo, dahilan upang maramdaman niya ang tila pagsakit ng buo niyang katawan.

"Hanna, huwag ka munang tumayo—"

"Ma, I need to go." Tinanggal niya ang nakakabit na suwero sa kanyang braso at binalewala ang matinding kirot na nararamdaman niya sa bawat pagkilos niya.

"Ano ba ang pinagsasasabi mo? Hindi ka pa puwedeng gumalaw—"

"Ma, I have to go. I need to find him."

"Find who?"

"Julius." Natigilan ang kanyang ina at halos alam na ni Hanna ang iniisip nito. "Ma, nakita ko si Julius. Alam kong siya iyon. Narinig ko pa ang boses niya nang kausapin niya ako habang nawawalan ako ng malay. Naramdaman ko nang hawakan niya ako—"

"Hanna, imposible iyang sinasabi mo."

"Hindi, Ma. Totoong nakita ko si Julius. Siya talaga iyon. At kailangan ko siyang makita uli. Gusto ko siyang makita. Alam kong naroon pa rin siya kaya kailangan ng umalis bago pa—"

"Hanna, patay na si Julius."

Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ng ina at sinalubong ang mga mata nito. "Hindi pa siya patay, Ma. Dahil nakita ko siya. Siya ang nagligtas sa akin—"

"Hanna, wala na si Julius. Nakita mo siya nang ilibing siya sampung buwan na ang nakakalipas kaya paano siyang mabubuhay?"

The image of that gloomy day at the cemetary when she watched Julius' casket being slowly sent down that pit, washed over her with renewed sadness. Her eyes became blurry with unshed tears as she fought those images in her mind.

"Pero, Ma...totoong nakita ko si Julius, Ma. Siya ang nagdala sa akin dito."

"Isang concerned citizen ang tumawag ng ambulansiya para sa iyo. Siya rin ang nagpaalam sa amin ng nangyari sa iyo. And his name is Third. Not Julius."

"No! Si Julius iyon, Ma! Si Julius iyon!"

"Hanna!"

Pinagtulungan na siyang maibalik sa kama ng dalawa niyang kapatid na kapapasok lang ng silid na iyon kasama ng dalawang nurse at isang doktor. "Bitiwan ninyo ako! Kailangan kong makita si Julius! Kailangan ko siyang balikan doon sa Antipolo!"

"Hold her still. I'll give her some tranquilizer to calm her down," utos ng doktor.

"No! Pakawalan ninyo ako! Kailangan kong makita si Julius!" Naramdaman niya ang munting kirot na iyon nang iturok ng doktor sa kanyang braso ang isang seringhilya. Mabilis na umipekto ang gamot na ibinigay sa kanya at unti-unti niyang naramdaman ang pagbalot ng antok sa kanyang kamalayan. "Ma...si Julius...maniwala kayo sa akin..."

Sa nanlalabo niyang mga mata, patuloy niyang nilabanan ang antok na unti-unting lumulukob sa kanya kasabay ng walang patid din niyang pagbanggit sa pangalan ng dating kasintahan. Nakita niyang naiyak na ang mga kapatid niya, gayundin ang kanilang ina na naririnig niyang nagmamakaawa sa kanya.

"Ma..."

"Tama na, anak. Magpahinga ka na at magiging maayos din ang lahat paggising mo. Hmm? Tama na iyan..."

Seeing her family cry because of her, because she failed to suppress her feelings, making them worry about her again like this...

Inabot ni Hanna ang kamay ng ina at pinisil iyon sa abot ng lakas niyang nawawala na dahil sa antok dala ng gamot. "I'm sorry, Ma..."

At sa tuluyang pagkawala ng kanyang kamalayan, pilit din niyang muling tinalikuran ang lahat ng nararamdaman niya. Ang lahat ng sakit, pait at pangungulila sa lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang puso alang-alang sa kapanatagan ng pamilya niya.

It was just probably his ghost that you saw. Julius was gone. He could never come back for you, Hanna. Never. Not ever.

She was thankful for the drug in her veins that she was able to shed tears...for the last time in front of her family.

Summer Rain (On Going)Where stories live. Discover now