Part 12

2.1K 84 4
                                    

NANATILI SA KINAUUPUAN NIYA si Third habang sinusundan ng tingin si Hanna na nagmamadaling naglalakad sa gitna ng ulan. Gusto niyang habulin ang babae at hilahin ito pabalik ng coffeeshop na iyon para paliguan ng sermon sa ginawa nitong pagsuray sa ulan.

He had never met anyone who was as stubborn as her.

Or as sad as her.

He could never forget those eyes as she looked back at her a while ago. The same eyes he saw under the rain laying on the side of the road a few weeks ago. Those eyes...that sees someone else in him.

Hindi niya inalis ang tingin sa babae.

It was nice meeting you...But I hope I won't see you again.

"Ako dapat ang nagsasabi nun," sambit niya, habang pabilis ng pabilis ang pagtapik ng mga daliri niya sa ibabaw ng mesa. "Pagkatapos ko siyang iligtas ng dalawang beses, ganon pa ang magiging reaksyon niya sa akin? Ang tingnan ako na ibang tao ang nakikita niya?" Huminto na sa pagtapik ang mga daliri niya. "...'the hell."

Mabilis siyang tumayo at nagmamadali ng lumabas ng coffeeshop. Taking off his jacket, he ran after the woman who just told him she doesn't want to see him again.

Summer Rain (On Going)Where stories live. Discover now