Part 13

2.1K 73 9
                                    


NAPAHINTO PA SAGLIT si Hanna nang may sumabay sa pagmamadali niyang maglakad. Bahagya pa siyang nagulat dahil nakita niyang si Third pala ang taong iyon, na ngayon ay pinagsusumikapan pang payungan siya ng suot nitong maong jacket kanina.

"Bakit ka huminto? Diretso lang ng lakad at mababasa na talaga ako nito kapag hindi tayo agad nakarating sa flowershop mo!" Siya lang kasi ang pinapayungan nito ng jacket nito. "And what the heck's wrong with this weather, anyway? Ang taas ng araw pero umuulan..."

Lumayo si Hanna sa jacket nito, na saglit na ipinagtaka pa ni Third bago nagsalubong ang mga kilay nito at muling ipinayong sa kanya ang jacket. Tuluyan nang huminto si Hanna.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya rito.

"Ano sa palagay mo?"

Lumayo uli si Hanna sa jacket ni Third. Sumunod lang ito. Tinapik ni Hanna ang braso ni Third na nakaalalay sa jacket para sa dalaga. "Sinabi ko na sa iyong ayaw na kitang makita."

"Believe me, hindi ko rin ginusto itong ginagawa ko. Pero hindi maatim ng kunsensiya kong makita kang nagpapakatanga sa gitna ng ulan."

"Hindi ako nagpapakatanga."

"I can see that."

Lumayo lang uli si Hanna rito. Third once again followed. Nang muli siyang magtangkang lumayo rito ay pinigilan na siya ni Third sa kanyang braso. Akala niya ay bubulyawan siya nito sa nakita niyang iritasyon sa mukha nito ngunit bigla naman ang paglakas ng ulan. Kaya hinila na lang siya nito sa pinakamalapit na waiting shed kung saan sila puwedeng makasilong. Hindi na siya puwedeng makalayo rito kahit gustuhin niya dahil masyado ng malakas ang ulan.

Bukod pa sa hawak pa rin nito ang braso niya.

"You can let me go now."

Tiningnan lang siya ni Third bago dumako ang mga tingin nito sa kanyang brasong hawak pa rin nito. Ramdam ni Hanna ang pag-aalinlangan ng lalaki na pakawalan siya ngunit sa huli ay unti-unti na ring lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya hanggang sa tuluyan na siya nitong pakawalan. Tahimik lang na naupo sa bench ng waiting shed si Hanna. Inilapag naman ni Third ang jacket nito sa upuan at naupo sa kabilang panig niyon. Pagkatapos ay pinagpagan nito ang buhok na nabasa na ng ulan. He then pulled out a cigarette from the inside pocket of his jacket, lit it up and blew a smoke in the air.

"Kung balak mo pa ring magpaulan para lang makatakas sa akin, gamitin mo na iyang jacket ko. Mahirap magkasakit ngayon. Lalo ka na. Kagagaling mo lang sa isang aksidente. Pero kung ako sa iyo, mamaya ka na umalis. Mapo-protektahan ka ng jacket ko pero hindi sa ganyan kalakas na ulan. I won't bother you here. Just...just don't go running in the rain again."

Ramdam ni Hanna ang kakaibang tono sa boses ni Third. Wala ni katiting na bakas ng pagmamatigas na ipinakita nito sa kanya kanina. She turned to him and see an image of a man who was silently appealing to her.

Appealing.

Halos basa na ang likod ng suot nitong polo, tanda na siya lang ang pinrotektahan nito ng jacket nito kanina. He was looking out the rainy but still sunny scene in front of him. Cloud of smoke from his cigarette created a surreal image of him that made her heart seemed to stop for just a second, especially when he slowly turned to her.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan subalit hindi natinag ang sinag ng hapong araw. Salamat sa patak ng ulan, nagawa niyon na mapapusyaw ang sikat ng araw na ngayon ay gumagawa ng kakaibang dating sa imahe ng lalaking ito sa harapan niya. Nararamdaman ni Hanna ang muling pagpapakilala ng lungkot sa kanyang puso. Hindi dahil sa nakikita niya si Julius sa katauhan ni Third...kundi dahil sa mas lalo pang lumilinaw na katotohanang wala na nga ang pinakamamahal niya.

Summer Rain (On Going)Where stories live. Discover now