Part 14

1.9K 81 12
                                    

"JULIUS, DUMATING KA NA PALA. KANINA KA PA?"

"Kararating ko lang, Ma." He gave his mother a slight kiss on her cheek.

"Basa ka yata. Naulanan ka ba?"

"Medyo. Biglang bumuhos ang ulan, eh."

"Better take a shower now. Baka magkasakit ka pa niyan."

"I will."

"Gusto mo bang magmiryenda? Magpapahanda ako sa mga katulong."

"Hindi na, Ma. Busog pa ako. At medyo pagod din ako kaya magpapahinga na lang siguro ako sa kuwarto ko."

"Okay. Kapag nagutom ka, tawagin mo lang ako, ha? Para maipaghanda kita."

"You don't have to, Ma. Ang mga katulong na lang ang bahala sa akin."

"No, no. Ako ang personal na mag-aasikaso sa iyo. I'm your mother, afterall."

He just gave his mother a warm smile. "Kayo na nga ang bahala."

"Good. I'll just be in the garden."

He nodded and walked towards his room. Pagsarang-pagsara niya ng pinto ay sumandal lang siya roon saka pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang silid. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya.

Hinubad niya ang sapatos at sinipa iyon pailalim ng kama, ngunit tumalsik lang iyon sa gilid ng silid. Hindi niya pinansin ang sapin sa paa na maayos na naghihintay sa kanya sa gilid ng kanyang kama at hinayaang kumapit sa talampakan niya ang lamig ng marmol na sahig. He was stripping off his shirt when his attention went towards the laptop on the study table. Inilayo niya roon ang kanyang tingin at hinanap ang tuwalya na gagamitin sa paliligo. Ngunit sa bawat pagkilos niya ay lagi na lang napapadako ang tingin niya sa laptop. Hanggang sa hindi na rin siya nakatiis at nilapitan iyon.

He could see the reflection of his naked torso on the laptop's black monitor. Then his hand reached out towards the keyboard and after clicking on some keys, a page was displayed on the screen.

An email page.

A particular email page.

He gave out another slow sigh, as he once again read the letter that was written there. A letter he always read, over and over, until he memorized every word and felt every emotion in it.

"Kailan ba ako titigil sa kabaliwan kong ito?" Iniwan niya ang computer at nagtungo na sa banyo.

Hinayaan niyang balutin siya ng lamig na dulot ng tubig ng shower habang ang kanyang isip ay naglalakbay sa alaala ng mga nakasulat sa email na iyon, at sa taong nagsulat niyon. That last email he read, was just too much for his own heart to bear. Ilang gabi rin siyang hindi pinatulog ng nakasulat doon, habang pinakakatitigan lang ang naturang mensahe sa laptop.

"Dear God, please let me see him again. Please give me one more chance to see him again. I promise I'll be good for the rest of my life. I'll do anything for that one last chance...Just one more..."

Tumingala siya at sinalubong ang malakas na pagbuhos ng tubig ng shower sa kanyang mukha.

"I've been waiting for you. And I will never stop waiting..."

Mariin siyang pumikit, habang pilit na binubura sa kanyang alaala ang lahat ng may kinalaman sa sulat na iyon.

"Save me...please..."

He turned off the shower, leaned his hands on the tiled bathroom wall, his wet hair dripping with the last drops of water.

"I can save you. But who will save me?" 

Summer Rain (On Going)Where stories live. Discover now