Kabanata 1: Ang Desisyon

382 17 7
                                    


SINUYO KO ANG MALIIT NA ESKINITA NA SIYANG PUNO NG KATAHIMIKAN. Habang hinihipan ng hangin ang mga hibla ng aking buhok, ay aking tinanaw ang mga ulap na nagsisilanguyan sa himpapawid. Feeling ko tuloy ang ganda ko na.

Masakit ang sikat ngayon ng araw sa mata, kaya ko sinuot ang itim kong shades na binili ko sa isang mall. Hindi ko rin nakalimutang maglagay ng sunblock at lotion. Magpapaderma slash surgeon, na naman kasi ako.

Why? Isa kasi akong sikat na model. Yeah, you heard it right. I am a M-O-D-E-L. Yung tipong katawan mo lang ang kinukunan ng picture at sikat sa pagiging hipon. Minsan nga ay napagkakamalan pa akong bakla, dahil sa mukha ko of course. Hindi na nila binigyan ng hustisya ang pagiging panget ko. Kaloka.

Pero sawa na ako sa mga panlalait nila, as in sawang sawa na ako sa mga masasamang salita na itinatapon nila sakin. Pilit ko mang maging masaya'y nasasaktan parin ako. Oo, panget ako. Malaki ang ilong, manipis ang kilay, at tadtad ng pores ang mukha. Kaya hanggang ngayon, virgin parin ako. At proud ako du'n. Proud sa pagiging virgin hindi sa pagiging panget. Gaga.

Ipinapakita kung proud na proud ako, pero hindi ko talaga maiwasang malungkot. Hindi ko rin maiwasang mainggit sa mga biniyayaan ng magagandang mukha. Kaya nga ako virgin, kasi panget ako. No boyfriend since birth.

At least my forever ako, sa pagiging panget.

Palagi ako'ng laman ng balita sa campus nu'n dahil sa pambubully sakin. Tangga ko rin kasi.

Since gumadruate ako ng high school, ay naging independent na ako. Pinutol ko lahat ng connection ko sa mga magulang kung saksakan ng yaman. Akala ko nga'y ampon lamang ako, ako lang naman kasi ang panget samin, e. Natuto ako'ng maglayas dahil din sa panglalait ng sarili kung pamilya. Pati financial support ng mga magulang ko'y pinutol ko rin. At mula nuon nasanay na akong mag-isa. Hanggang napadpad ako dito sa kung saan. Basta't malaya ako, go lang ng go! Ngunit, pati dito ay nilalait din ako.

I started changing myself. First, ay ang katawan kung puno nu'n ng taba. Tiniis ko ang hirap sa gym ng isang taon. Tiniiis kung kumain ng mga gulay at prutas. At ngayon, nasa akin na ang katawan ng isang supermodel. Then, I started taking glutathione. Naging mas maganda ang balat ko. Naging mas confident ako sa sarili ko. Hindi na ako nahihiya sa katawan ko. Pero ang mukha ko?

Tangehena!

Lahat siguro ng maganda ay nasa akin na, minus lang yung mukha ko. Sa lahat ng puwedeng gawing panget, sa mukha ko pa!? Kaya palaging ako'ng tinatawag na hipon, e. Ako na yata ang ubod ng puti dito sa pilipinas. Suma-sideline rin nga ako bilang white lady sa mga horror train, e. Ganda ko pa naman, tapos ang puti pa. Sino ba namang hindi puputi sa isang katerbang glutathione? Kahit mahal, OK lang, mayaman naman ako e (Mayaman sa utang).

Pero hindi na. Hindi na ako lalaitin. Magiging maganda na ako. Tatanawin na ako ng mga nanlait sakin. Sakin padin ang huling halakhak.

JOKE! Ahahaha. Naniwala naman kayo? Well, hindi talaga ganyan ang buhay ko. Basta! It's more complicated than you thought. Next time ko nalang sasabihin sa inyo.

Nang makalabas na ang porselana kung mukha sa maliit na eskinetang yun, ay tumawag ako ng isang taxi. Ayaw ko kasing mag commute, ang init kaya. Baka dumami pa yung mga tigyawat ko sa mukha.

"Manong saan po ba ang office ng bagong dermatologist? Yung galing States daw?" tanung ko nang maka upo na ako sa loob ng sasakyan.

"Huh? Parang wala naman po Miss."

"Yung sa balita kaninang umaga, sino nga yun..." napa-isip naman ako. Actually pag karinig kung may bagong derma ay lumarga na ako. Ang mahal kasi sa isang derma du'n sa kabilang bayan.

Pretty DeadlyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant