Kabanata 2: Transformation

209 10 4
                                    

SINUNDAN KO LAMANG ANG MGA YAPAK NIYA. Kalmado lang siya sa paglalakad, habang ako'y kinakabahan. Ang lawak ng distansiya namin sa isa't isa, pero parang hindi ako makahinga sa lapit niya. Takte! Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa'kin. Para ako'ng natatae na kinakabahan. Siguro sa calderata 'to ni Aling Lordes, nananghalian kasi ako kanina sa karinderya nila. Sarap kasi nu'n.

Ay tangina! Diet pala ako.

Huminto kami sa harapan ng isang pintuan. Parang nawalan ako ng dugo.Isang saglit at naging pamilyar ang lahat. Ang istraktura ng gusali. Ang pintuang nagsasalita. Ang babae. At ang pintuang ito.

It was a silver door with an emblem of a butterfly.

"Come in."

Napahinto ako saking paghinga ng magsalita siya. Pinihit niya ang pintuan at humarap sa'kin, na para bang pinapapasok ako sa loob.

At pumasok nga ako.

Nadatnan ko ang isang operating bed, wala ng iba. Wala ni isang furniture o ano mang palamuti o decorations. Puro puti lamang. Ang lawak lawak ng silid.

Ngunit, nakakatakot.

"I'm Dr. Rossete Sandoval. Do you wish to start the operation, now?" bungad niya sa'king mukha.

Sandaling tumalon ang aking puso at nangitim ang bibig ko.

"Pa'no niyo po nalamang magpapa-opera ako?"

Nginisihan niya lang ako. Hindi ko alam pero may iba sa ngising 'yun. Nakakapanghina ng tuhod at nakakapanindig balahibo.

"Trust me, I already know you."

"Ano po?" maang-maangan kong tanung. Narinig ko naman ng klaro ang sinabi niya, pero bakit?

"Nothing." sabi niya sabay sirado ng pinto. "So? Let's start?"

"Hindi ko naman siya lubos na kilala, may tiwala parin ako sa kaniya." bulong ko sa'king sarili.

Tumango ako at nadatnan na lamang na nakahiga na ang aking katawan sa puting operating bed. Nasa tabi ko si Dr. Sandoval, chinecheck ang mga apparatus niyang hindi ko naman inalintana. Isinuot niya ang kaniyang mask na para bang handang handa na. Tila naduwag kaagad ako ng makita ang tatlong injection na nakahelera sa isang maliit na table.

"Doc, pwede 'yung hindi lang masakit?" suggestion ko naman.

Tumango siya at nagsabing "You won't feel a thing."

I feel relieved. Mabuti naman.

"Wait po, Doc. Magkanu po pala ang babayaran ko pagkatapos ng operation?" tanung ko kahit handa naman ako magbayad kahit magkano.
"It's free."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Talaga po?" paninigurado kung tanung.

"Yeah, because you'll pay it with your life and dignity, Ms. McKinzey."

"Po?"

Hindi ko na narinig ang sagot niya ng mapatingin ako sa kaliwang braso ko, may nakaturok na injection.

Nagsimulang manakit ang ulo ko.

Para akong ine-ele sa isang duyan.

Nan'labo ang aking paningin hanggang sa wala na akong nakita. Nilamon ako ng kadiliman.

Para akong nahuhulog sa isang bangin.

Hanggang sa nahulog ako at tumilapon sa malalim na tubig. Binuksan ko ang aking mga mata, wala akong naririnig pero parang nabibingi ako. I closed my eyes and saw faces, nakapalibot sila sakin. Pinagtitinginan nila ako. Hindi nagtagal ay naging maingay ang paligid. Napuno ito ng halakhak at tawa.

They were laughing at me.

Nakita ko ang isang pamilyar na mukha sa dami ng taong nakapalibot sa'kin.

Mistiso, gwapo, maputi, matangkad at matipuno.

Ngunit pinagtatawanan niya rin ako.

I tried running away from them, pero hinabol nila ako. Then, somebody pulled my left foot. Hindi na ako makahinga. Hanggang sinipa ko sila. Kumawala sila, yet nakita ko ang ngising 'yun sa kanilang mga mukha.

Kasabay ng pag ahon ko ay ang paggising ko.

Nakita ko ulit ang puting silid.Gumaan ang aking pakiramdam, yet my bandaged hands are still trembling.

"Doc? Dr. Sandoval?!" hinanap ko parin siya, kahit alam kung ako nalang ang naririto.

Parang nangangapal ang mukha ko. Hinawakan ko ito at naramdaman ang makapal na telang nakabalot. Medyo masakit pa pero ayos lang, worth it naman e.

*

"Sariwa pa ang sugat mo, Michelle. It would take 48 hours to heal. Kaya masiyadong magpapawis at magpainit." saad ni Dr. Rossete, matapos niya akong ihatid palabas ng building.

"Sige po, doc. Maraming salamat po, alis na po ako."

I called a cab a few minutes ago, at nakaparada na ito sa harapan ko. Bubuksan ko na sana, pero may naalala ako.

"Dr. Rossete, paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" humarap ako sa kaniya para makita ang reaksyon niya. Ngunit, ang ngising iyun ang agad na bumungad sa'kin.

"I already know you."

Nakakapangilabot man, nginitian ko parin siya. Agad akong sumakay ng taxi. Hindi ako mapakali. Gusto kong umalis kaagad.

"Manong, sa Oasis Subdivision po."

Nagulat siguro siya sa mukha kong puno ng bandages, kaya siya napa-urong sa driver's seat. 'Kala niya siguro magte-treat or trick ako dahil malapit na ang halloween. Deep inside ay pinandidilatan ko siya. Pasalamat siya masakit ang mukha ko.

It takes 20 minutes bago ako nakarating sa'king destination. Argh! Hindi na ako makapaghintay.

Nang nakalabas ako, ay agad akong rumampa sa subdivision. Hindi pa magaling ang mukha ko, pero feel na feel ko na ang kagandahang 'to. Hindi ko pinansin ang mga tingin nila o ng guard man.

Makalipas ang 48 hours ay agad kung kinuha ang mga bandages sa mukha't katawan ko. Hinay hinay lang para feel ko ang suspense. Baka mapunit pa, tapos makuha 'yung balat ko.

Nakatingin ako ngayon sa salamin. Nang nakuha ko na ang telang nakabalot sa'king mukha ay agad kung tinitigan ang aking mukha. Hinaplos ko ito. Hindi ko makapaniwalang totoo ang lahat ng 'to!

Napatalon ako sa saya, at nagsabing "Ang ganda ko na! Ahahaha! Ang ganda ko! Ang ganda ganda ko!"

Alam ko OA, pero who cares!?

Hindi parin ako makapaniwala. Ang ganda ko na! Ang tangos ng maliit kung ilong, hindi katulad ng dati na malaki at pango. Tapos, ang kinis na ng mukha't katawan ko-hindi lang makinis maputi pa. Ang pula ng labi ko! Parang pang artista na!

Tumalon talon ako sa bahay tapos lumabas at nagsisigaw sa buong subdivision na maganda na ako!

Kahit sa buong mundo pa. Handang handa akong ipagsigawan ang kagandahan ko.

Masaya na sana ako ng may tumaway sa'king unknown number. Nakakalangilabot pero sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

Itutuloy...

Pretty DeadlyWhere stories live. Discover now