Kabanata 5: Who's Victoria?

149 9 0
                                    

I WAS GREETED BY PAIRS OF MESMERISING EYES. On the hallway, kung saan kasama ko ang lalaking kulay abo ang buhok, panay ang tapon ng tingin samin or should I say sakin, ng mga taong nakauniporme. I don't know, maybe maganda lang talaga ako. Don't blame me, Dr. Rosette did well on my face. Hahaha.

"You must be very confused right now, aren't you?"

I was taken back. Masyadong per occupied ang diwa ko ng tanungin niya ako bigla.

"Yes... I am." I said, looking straight to his greyish eyes.

Gwapo siya. Super.

Well, the mansion seems a lot bigger from inside. Aabutin siguro ako ng anim na oras, malibot lang ang buong lugar.

It didn't take long nang ihatid ako ng lalaking ito sa isang silid. Pagkabukas nito'y binati ako ng isang mahabang parisukat na hapag kainan. Nakaupo rito'y mga babae. Hindi lang basta mga babae. Mga magagandang babae!

Jusmeyo! Nasa langit naba ako? Dahil binabati na ako ng mga anghel. Char!

Ang harot mo,Mitch!

Balik tayo sa situation ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng pinto, nakatameme, at pinagtitinginan ng mahigit tatlong dosenang babae na mas maganda pa sa'kin. Hindi ko napigilang mapanganga, hindi lamang sa mga magagandang dilag kundi narin sa disenyo ng silid.

Isang malaking chandelier ang nakasabit sa ibabaw ng hapag, na siyang nabibigay ng ilaw sa kwarto. Pati narin ang greek themed na disenyo ng pader at mga bintana. Dagdagan pa ng red carpet na nasa sahig.

Mansion nga 'to! Hahaha. Akala ko kasi boarding house, e.

"Good evening, girls." biglang saad ng lalaking kulay abo ang buhok.

Kinilig naman ang iba sa kanila. Some, even giggled at his simple gesture. I even saw some of them rolled their eyes at me. Hindi ko alam kung para ba sa'kin 'yun. The heck is wrong with me!?

"Good evening" sabay nilang sambit sa lalaking katabi ko.

Bigla nalang dumating ang dalawang babaeng nasa mid 50s and offered us a chair.

"Salamat po, Miss Mira and Miss Mina." he said.

Wala akong nasabi sa kanila, sa halip ay ngumiti lamang ako.

"Dig in, darling."

I threw him a shut-up look. Damn, his getting into my nerves.

"Victoria!" a girl exclaimed.

Lumapit siya sa'kin at humayakap. "I missed you! Mabuti nalang at ligtas ka." dagdag niya pa.

Kumunot naman ang noo ko. "Huh?"

"Vicky, darling, you frighten me. I almost died na! Girl, you should have at least notified us about what happened!" sabi ng isa pang babae. Nakapusod ito at kulay pula ang buhok.

"Yeah! Pinag alala mo kami! We never received any messages man lang pagkatapos ng last mission mo."

"Ano bang nangyari, Vicky, huh?"

I was lost for words.

Biglaan nalang nagsi-alisan sila't pumunta sa kanilang mga silya. I did not know for that moment, so tumayo rin ako kahit wala akong alam sa nangyayari. What I've known is I tripped over a pit of trouble. Dahil ng nilingon ko ang direksyon kung saan sila nakatingin, nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Papunta sa'kin ang isang babaeng nakapulang coat na gawa sa balahibo ng hayop. Pinalilibutan siya ng mga babaeng naka uniporme—gaya ng mga sumalubong sa'kin kanina.

Ang familiar niyang aura, ang yumakap dito sa loob, na para bang mauubusan ka ng hangin. Kumunot ang aking noo sa babaeng paparating. Suot nito ang ngiting nakakamatay, at sa'kin ito nakatutok.

"Good evening, Beauties."

I was taken back by her voice. Sa sobrang kilatis ko'y hindi ko na naramdamang naupo na siya pala sa pinaka-dulo ng hapag.

"Good evening, Rose." sabay nilang saad.

She painted a smile on her face like a nineteen year old girl.

"As you can see, bumalik na si Victoria. So you have nothing to worry about. "

They all turned their heads at me. 'yung iba'y nagtataka at ang iba nama'y nakangiti.

"Welcome home, Victoria." she said.

Itutuloy....

Pretty DeadlyWhere stories live. Discover now