Kabanata 3: Just Like You

215 13 4
                                    

NANGINGINIG KONG SINAGOT ANG TAWAG.

"Hello? Sino po 'to?"

I heard silence then a chuckle of a woman. Namumutla ako pero hindi ko inalintana 'yun. I'm to scared to notice small things.

"Hello?" huli kong sambit bago niya pinatay ang tawag.

Umabot ang call time nang isang minuto. Yeah, umabot sa isang minuto ang paghe-hello ko. Like, I was tanga na ha!

Kaloka!

In my defeat, pumasok na ako sa loob ng mumunti kong bahay.

Maliit lang 'to, pero I'm very proud dahil pinaghirapan ko ang lahat ng natatamasa ko.

I'm living alone.

In my four years here, natuto na akong maging independent.

And I'm proud of that.

Naghanda ako ng aking pagkain. Just plain ramen and rice for dinner. I took a shower at sinuot ko ang aking padyama. I closed all the windows 'tsaka sinirado ko narin ang gate. After that, pumasok na ako sa kwarto.
Hindi ako makatulog kaya ang pagkulikot lamang sa cellphone ang ginawa ko.

The clock ticks and I still don't know what to do now. Nuon kasi, ang panunuod lang ng korean novela ginagawa ko o kaya magbasa ng mga libro o manga. Now?

I've never been this... Never been so lonely. I always throw people away, but in fact I'm afraid of being alone.

The truth is... I'm afraid of rejection.

I cuddled my pillow. Nothing really changed. Mukha ko lang ang nagbago, hindi ang buhay ko.

Or so I thought...

Kasalukuyang natutulog ako sa kwarto nang makarinig ako ng pagbasag sa kusina. Nasundan pa ito ng isa pang pagbasag. Marahas ito at nakakakilabot. Maliit lang ang naipundar kong bahay kaya rinig ko ang mga ingay na galing sa kusina.

Sinundan ko ang pinanggalingan ng tunog na 'yon. Tanging unan lamang aking dala.

Sa sobrang takot ko, napalunok ako ng laway.

Hindi ko nga rin alam kung ano ang gagawin ko sa unang 'to. Sa dami ng gamit sa kwarto, unan pa talaga!?

Dahan dahan kong pinihit ang door knob at sumilip sa kusina. Wala na ang ingay ngunit may naririnig akong singhal ng isang tao.

Then I saw a person lying on the kitchen floor, bathing his own blood.

Nabitawan ko tuloy ang unang dala dala ko.

I was speechless for a second, then my hands started trembling. My ankles started losing it's weight.

Nawalan na ako ng boses at literal na nanghina. I don't know what happened next. Ang alam ko nalang ay nakaharap na ako sa bangkay na nasa pamamahay ko.

I grab my phone and called 911, pero ano ang sasabihin ko? Na may patay sa bahay ko at hindi ko alam kung bakit!?

So instead of calling the police, sinugod ko nalang ang patay, or should I say 'bangkay' sa harapan ko.

Napuno ng katahimikan ang buong paligid ng lumingon ang ulo ng bangkay sa direksyon ko.

Napaatras ako sa'king kinatatayuan. Hindi dahil sa gulat sa bangkay, kundi kung saan ang mga mata nito nakatuon.

He is looking behind me with fear.

With curiosity I turned around, and saw a pair of red eyes. Napaatras ako dahil sa takot, ngunit, agad ding napatayo dahil nakapa ko ang bangkay.

Kumuha ako ng isang bread knife, malapit sa kitchen table—na nasa kaliwa ko at tinutok sa kaniya. May dugo pa ang kutsilyo, na malamang ginamit sa pagpatay sa lalaking nakahiga ngayon sa sahig. Lumapit siya sa'kin at agad kong nakita ang mukha niya. Nanginginig ang aking mga kamay.

Anong gagawin ko sa bread knife!?

"D-Dont come to me! Don't you dare move a single finger! " pananakot ko sa kaniya.

His ash greyed hair suits him well, with his sugar plum lips and his dazzling red eyes which is covered by his dark aura. Mapagkakamalan mo siyang artista, kasya sa isang mamamatay tao. Which is kind of him...

"You have to come with me, newbie." he stated in his husky-wild voice while wiping his chin (which is covered with blood.)

"You're too sweet for that." he said while pointing on the bread knife, na hawak hawak ko.

Kinuha niya ito at ipinatong sa la mesa. Nakipagtitigan siya sa'kin. I tried looking forward to his eyes pero they were too... Captivating.

I suddenly heard a loud crash sa labas ng bahay at ilang saglit ang lumipas ay agad na pinaputokan kami sa luob, ng baril. Parang mga ligaw na balang umuulan ang mga ito. Muntikan na nga akong matamaan ng isang bala, mabuti nalang at nakilag ako.

"Putang!"

He grabs my hand tapos tumakbo kami. Then, binasag niya ang bintanang gawa sa glass.

"Hoy! Mahal bayad ko d'yan!" nakuha ko pang sermon sa kaniya.

Hinatak niya ako palabas at nadatnan ang isang puting Mercedes-Benz.

"We can't waste this precious night fucking some assholes! Tuck in!" extra terrestrial niyang sigaw.

I covered my head and rode that thing. Mabilis namang napaandar ang kotse, ngunit nabigla nalang ako ng makarinig ako ng isang pagsabog sa bandang likuran namin.

Isang kotse ang sumabog. I turned around to see his reaction pero laking gulat ko nang may hawak na siyang baril.

"Hahaha! Idiots!" tawa pa siya ng tawa.

"Who are you?" mabilisan kong tanong.

"I'm a beauty, darling. Just like you."

Itutuloy...

Pretty DeadlyWhere stories live. Discover now