Chapter 2

9.4K 222 1
                                    

Chapter 2

Joselito knew the talent the Lord bestowed upon him was a big blessing. Yet sometimes he couldn't help but wonder if he was truly talented or he had just been lucky.

Hindi siya mula sa isang mayamang pamilya. Maaga siyang naulila. Lumaki siya sa lola niyang si Lola Adeng na ang trabaho noon ay ang paggawa ng balisong. Batangueña ito, subalit lumaki siya sa Cavite dahil taga-doon ang ikalawa nitong asawa.

At mula sa buhay na iyon ay nagawa niyang umunlad dahil sa pagsusulat. He was a playwright. But it had been more than two years since he last finished a script. He wondered where his talent went.

Napagtapos siya ni Lola Adeng ng kolehiyo kahit sabihing hindi maalwan ang buhay nila. Mapamaraan ang lola niya, matapang, hindi tipikal na lola. Paano ito magiging tipikal gayong sa bulsa nito ay may nakatago itong balisong na gabi-gabi kung hasain nito?

Laman ito ng barangay hall dahil sa ugali nitong ayaw padaig, dahilan upang parati na itong masangkot sa gulo. Malaking babae ito, mataba, matapang, makutata, napakabilis magsalita, at bagaman marami na itong puting buhok ay maliksi pa kumilos.

Ito ang tumatayong magulang ng lahat silang magpipinsan. Sabihin pang makutata ito at lahat-lahat na'y mahal na mahal nila itong magpipinsan, gayundin ng mga tiyahin niya at tiyuhin. Isa lang ang paninindigan nito: walang maaaring umapi rito at sa lahat ng mahal nito sa buhay. Ang hindi makaunawa doon ay hindi nito sinasanto.

Bukod sa pagluluto ng masasarap na pagkain, isa sa palipasan nito ng oras ay ang pagpapadaan ng dulo ng kutsilyo sa pagitan ng mga nakabuka nitong daliri. Wala itong pakialam kahit umaalog-alog lahat ng kaalog-alog sa katawan nito kapag ginagawa nito iyon---baba, malalaking dibdib, braso, tiyan.

Indeed, his Lola Adeng was one heck of a character.

And so was her brother, Lolo Paeng. Who had lived with Lola Adeng since his wife died. Wala nang ginawa ang dalawa kundi magbulyawan tuwing may pagkakataon.

At bagaman nangungila na siya sa dalawa ay hindi niya masabi sa mga itong nakabalik na siya ng bansa. He still needed some time for himself. He needed some peace. And it was hard to have peace with Lola Adeng and Lolo Paeng around. Maingay ang dalawang matanda.

Nang makapagtapos siya ng kolehiyo ay nag-apply siya ng internship sa isang kompanyang nagpapadala ng tauhan sa Amerika. Isang taon lang ang kontrata niya sa Amerika. At nang matapos ang internship niya, imbes na bumalik sa Pilipinas ay nag-TNT siya.

For years he did odd jobs in Atlanta. But he had a dream. Bata pa lang siya ay gusto na niyang maging manunulat. May nakilala siyang isang African-American sa trabaho niya bilang dishwasher sa isang Chinese restaurant doon. Delivery boy ito. Nagkakuwentuhan sila at naging magkaibigan dahil pareho pala sila ng pangarap.

Iyon ang naging tulay ng pag-unlad nila kapwa. That man was Keenan Ross. His now-best friend. They wrote a script together. Sobrang bait nito na para lang hindi na siya patago-tago sa immigration ay ipakiusap siya sa kapatid nitong pakasalan siya. Na-grant ang citizenship niya, kasabay ng pagsososyo nila ng lahat ng pera nila para mag-produce ng isang play.

Hindi naging madali ang lahat. Lugi sila sa unang tampok nila. Subalit kapwa sila hindi sumuko.

Buong pamilya ni Keenan ay nakasuporta sa kanila at nakisosyo. Subalit lahat sila ay muling nalugi. Susuko na sana sila hanggang sa magpasya silang magpalabas sa huling pagkakataon. And they got lucky.

One reporter from a local newspaper happened to see the play and wrote a great review. They did another show. It sold out. Kinailangan nilang humanap ng mas malaking venue dahil ang inupahan nilang theatre ay masyadong maliit sa dami ng nagde-demand na nakitang muli ang palabas.

DARK CHOCOLATE SERIES BOOK 2: Sugary Lies, Hearts on FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon