Chapter 7

8.9K 202 5
                                    

Chapter 7

Pumasok na si Lulu sa bahay ni Joselito. May susi na siya doon. Kaninang umaga ay ibinigay na nito sa kanya ang isang kopya at labis iyong nakapagdulot ng saya sa kanya. Tumulong din ito sa kanyang maglinis subalit imbes na mapadali ay lalo lang siyang nagtagal. Paano'y may naganap na naman sa kanila.

Gaya ng dati, pagkahain niya ay umuwi na siya. Nag-text lang ito sa kanya at sinabing magtungo raw siya doon kaya naroon siya. Naabutan niya ito sa kusina. Ngiting-ngiti ito sa kanya.

"Sit down. Kumain ka na ba? May binili ako rito." Inilabas nito ang laman ng plastic ng McDonald's.

"May sasabihin ka sa akin?"

"Uh-huh. Saglit lang." Nang magbalik ito ay may dala nang shopping bags. Nang tingnan niya ang laman ay mga damit iyon. "Try them on. I'll watch."

Inirapan niya ito. "Bakit naman nag-abala ka pa? Salamat, ha?"

Ngumiti lang ito at inabutan siya ng isang maliit na plastic. Gamot ang laman niyon. "Pills. There's instruction inside."

Tumango na lang siya. Bagaman alam niyang tama lang naman iyon ay hindi niya maiwasang mailang, kasabay ng pagkapahiya at kaunting sama ng loob.

"Eat up."

Kumain na nga siya. Nagkuwento naman ito sa kanya.

"I received an invitation earlier from Alexandra."

"Ah, oo. Lahat ng taga-rito may invitation. Noong isang linggo, nabanggit na niya sa akin na naghahanap nga raw sila ni Shelley ng mga lumang gamit na puwedeng ibenta pa. 'Yong mga nakuha nila na galing rin sa mga taga-rito, ibebenta rin nila sa mga taga-rito rin. Parang ukay-ukay. 'Yong pera daw na makukuha, para sa mga biktima noong landslide."

"It's going to be tomorrow. Sabay tayo, ha?"

Tumango siya. Hindi niya alam kung maaari na niyang sabihin sa kanila na may unawaan na sila nito. Parang masyado naman siyang magtutunog-mapaghanap kung uungkatin niya iyon. Nagpasya siyang hayaan na lang na ito ang magbukas ng usapan, kapag handa na ito.

Hindi niya alam kung may unawaan na nga silang talaga. siguro naman, dahil may nangyari na sa kanila nito.

"By the way, I don't want you working for anyone else. Gusto ko sa akin ka lang."

Bigla siyang napatawa. "Magtataka ang Inay."

"Sabihin mong whole day ka rito."

Hindi niya inaasahang iyon ang itutugon nito. Napatingin siya rito. Nakangiti ito sa kanya, tila hindi man lang nito naisip na parang sinabi na rin nitong imbes na sabihin niya sa nanay niya ang tungkol sa kanila, ang gusto nito ay isipin ng nanay niyang buong araw na dito siya nagtatrabaho.

Inisip na lang niyang siguro ay ganoon lang talaga dahil kagabi lang naman may naganap sa kanila. Mukha namang matino itong binata. Hindi naman siguro nito babasta-bastahin lang ang kung ano mayroon sila.

Napangiti na siya. "Sige."

"Are you still sore?"

Nahampas niya ang pisngi nito. "Salbahe ka talaga, ano?"

"Bakit? Nagtatanong lang naman, ah!"

Napatawa na lang siya habang humahagikgik. Gayunman, mayamaya ay burado na ang ngiti niya. Mistula siya isang estudyanteng tinuruan nito ng mga bagay na batid niyang walang gurong magtuturo sa kanya.

"You learn fast, honey," wika nitong siniil ang labi niya. Buong-puso siyang tumugon.

PALIBHASA'Y maykaya ang mga taga-Sweet Homes kaya naman ang ukay-ukay na proyekto ni Alexandra ay namumukadkad ng mga damit na may pangalan. Isa si Lulu sa tuwang-tuwa.

DARK CHOCOLATE SERIES BOOK 2: Sugary Lies, Hearts on FireWhere stories live. Discover now