Chapter 6

8.2K 245 7
                                    


Chapter 6

"'Nay, iisa na lang po pala ang gamot ninyo sa rayuma. Bukas sarado ang botika sa malapit. Sasaglit po muna ako at baka bukas hindi tayo makabili."

"Mag-iingat ka at mag-aalas-nuebe na. Dumaan ka na rin kaya diyan sa bahay ni Alexandra at nakakahiya namang hindi man lang tayo dumaan kahit saglit. Hindi pa naman siguro tapos ang handaan at gabi naman daw iyon." Kaarawan ng babae at sinabihan silang magtungo raw doon. Nahihiya naman siya dahil hindi siya nakabili maski sana maliit na regalo rito.

"Bahala na po, 'Nay."

"Tumawag nga pala ang Ate mo. Hindi na naman daw makakauwi."

"Nag-text nga rin po sa akin. Baka po busy lang. Mauna na po ako."

"Kaawaan ka."

Nagbisikleta na lang siya palabas ng Sweet Homes. May kalayuan ang botika doon subalit mas pinili niyang magbisikleta. Para siyang nagka-phobia na mag-jeep kung wala siyang kasama. Dapat ay magsisimba silang mag-ina at Sabado ng gabi subalit nirayuma na naman ito. Siguro sa Miyerkules ng gabi na lang sila magsisimba at bukas ay may service siya.

Napapailing-iling siya habang pumepedal. Naaalala niya ang hitsura ngayon ng hardin ni Mrs. Lopez. Hindi na maaari pang itanim muli ang mga rosas nitong mahal na mahal nito. Sa buong Sweet Homes, ang hardin nito ang pinakamaganda. Sinira kanina ni Lola Adeng.

Bigla siyang napatawa. Hindi niya alam kung nakabalik na si Joselito subalit alam niyang ihinatid na nito ang mga matatanda. Ngayong wala na ulit ang mga matatanda, alam niyang mas mahihirapan siyang iwasan ang binata.

Nang pabalik na siyang nagbibisikleta ay napansin niyang hindi nag-o-overtake sa kanya ang kotse sa kanyang likuran. Sinenyasan na niya iyong mauna subalit nanatili iyon sa likuran niya. Namatay ang headlights niyon at kinabahan siya.

Binilisan niya ang pagpedal at nanatiling nasa likod niya ang kotse. Hindi pa naglipat-sandali ay nakita niya sa side mirror ng bisikleta niyang tila babanggain siya niyon. Agad niyang naiiwas ang bisikleta.

Sinakmal ng takot ang kanyang dibdib. Siya ang puntirya ng kotse. Noon siya nakarinig ng malalakas na busina. Hindi na niya malaman kung saan nanggaling iyon sa labis na takot. Muli siyang ginirian ng kotse, nakaiwas siyang muli, at sa labis na pagkabig niya sa manibela ay sumadsad siya sa mababaw na bangin sa tabing-kalsada.

Muli siyang nakarinig ng malakas na busina. Matapos ay narinig niya ang tinig ni Joselito. Agad siya nitong tinulungang makabangon.

"Are you all right?" Hindi siya nakakibo. Hindi niya magawang magsalita sa labis na takot. "My God, you're shaking. Are you hurt?"

Umiling siya. Wala siyang nadaramang masakit na bahagi ng katawan niya, maliban na lang sa hapding dulot ng pagkagalos niya siguro sa matatalim na damong binagsakan niya.

"Are you sure?"

Muli siyang tumango. Inalalayan siya nito hanggang sa sasakyan nito. Nang makasakay ay nakita niyang binuhat nito ang bisikleta niya at isinakay sa likod ng pickup nito.

"Drug addicts siguro ang sakay noong kotse. Good thing I saw you. I-report natin sa pulis. Iyon nga lang, hindi rin natin malalaman kung ano ang plate number dahil wala."

Hindi pa rin siya nakapagsalita. Niyakap siya nito at hinagod-hagod ang kanyang likod, panay ang sabi ng, "Don't worry, I'm here. I'm going to take care of you. Everything's going to be all right. Calm down."

"S-salamat, S-sir."

"I think it's time you drop the sir." Pinisil nito ang palad niya.

Nagtungo na nga sila sa pulis at ito na ang nag-file ng report doon. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin niya. Coincidence ba iyon? Addict nga lang ba ang sakay ng kotse, gaya ng hinala rin ng mga pulis?

DARK CHOCOLATE SERIES BOOK 2: Sugary Lies, Hearts on FireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora