Chapter 1

35.4K 388 7
                                    


Nakapamulsang pinagmamasdan ni Marcus ang mga nasusunog na pagkarami-raming piano score sa isang hindi kalakihang drum na sadya niyang pinalabas sa mga katulong mula sa bodega para lang magamit niya. Lagpas-lagpasan ang tingin niya sa mga iyon at wala siyang pakialam maging abo man ang mga iyon maya-maya lang.

Eight months ago, he wouldn't have thought of burning those sheets he considered as one of his most valued treasures. Pero ngayon, wala na naman saysay para itago iyon. Wala na siyang paggagamitan. Matagal niya ng gustong sunugin iyon, pero lagi na lang ay pinipigilan siya ng lolo niya. He doesn't want to keep it anymore. There's no use.

"Marcus!"

He didn't bother looking behind. Alam niya na kung sino iyon at may ideya na siyang nagsumbong na naman ang mga katulong nila sa lolo niya sa kasalukuyang ginagawa niya. Sa loob ng tatlong buwan simula nang bumalik siya mula Camiguin, pakiramdam niya ay daig niya pa ang presidente ng Pilipinas sa dami ng matang nakatingin sa kanya. Konting galaw niya lang ay sinusumbong na kaagad sa kinauukulan.

"Zarah called me up and- what are you doing?!" ito na mismo ang pumutol sa iba pa nitong sasabihin nang makita ang ginagawa niya. Galit itong lumapit sa kanya. Kung pwede lang saklolokan ng lolo niya ang mga nasusunog, marahil ay ginawa na nito.

"Burning my stuffs." he shrugged.

"Ano 'tong sinumbong ng sekretarya mo na hindi ka na pumapasok sa school?! And what did you do with the grand piano?" tukoy nito sa musical instrument na matatagpuan sa mini theater.

"Hide it." Tipid niyang sagot.

"You haven't answered my first question!"

"Why are you so concern? Andyan naman si Mr. R. He can perfectly fill my position. And I still have talented musicians in school." tukoy niya sa isang kaibigan na pinakiusapan niyang pamahalaan muna ang school habang hindi pa siya sigurado kung patatapusin na muna ang school year bago tuluyang isara iyon o ibenta. Tulad niya ay kilala rin si Mr. R sa mundo nilang mga musikero.

"And what are you gonna do with your life?"

"I'll decide on that, Gramp." Ang alam niya lang ngayon, hindi niya na gustong humawak ng piano kahit kailan.

"What about your career?"

Walang emosyong binalingan niya ang abuelo. Matagal bago siya nagsalita. "We both know my career ended eight months ago."

Tinalikuran niya ito.

Narinig niya ang malalim na pagbuntung hininga nito bago ang mga yabag nitong sumusunod sa kanya. Lumapit siya sa garden furniture set kung saan nakapatong sa table ang isang mamahaling bote ng alak na kinuha niya sa wine bar. Nagsalin siya ng kaunti sa baso na may yelo at pagkatapos ay tinungga iyon.

Sa lahat ng ginawa niya ay nakatitig lang sa kanya ang lolo niya. Mukhang narealize nito na wala ng mangyayari sa ginagawa nito sa kanya. Matapos tumungga ay wala sa loob na tinitigan niya ang baso at nilaro-laro iyon para gumalaw ang yelo sa loob.

"It's been eight months, son. I know how hard this is for you. Pero andito ka pa. And whether you like it or not, kailangan mong ipagpatuloy ang buhay ng wala siya. Ano sa tingin mo ang iisipin ni Kristina kapag nakita kang ganito? Hindi-"

"Just leave this up to me, Gramp." humigpit ang pagkakahawak niya sa baso sa binanggit na pangalan ng abuelo. Samu't saring emosyon ang nabuhay sa dibdib niya.

"Hindi porke't namatay si Kristina ay-"

Dinampot niya ang bote at iniwan na sa garden ang matanda. Sa kwarto na lang niya ipagpapatuloy ang pag-inom.

My Love, My Sunrise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon