Chapter 3

13.3K 265 4
                                    


"Bakla, ang tigas talaga!" reklamo ni Sabel kay Dayet nang tawagan niya ito isang gabi na wala siyang magawa at humihingi ng kakampi. Isang linggo na ang nakalipas simula nang bumalik siya ng Camiguin. At isang linggo niya na ring binubulabog si Marcus at sinusubukang palabasin sa lungga nito pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagtatagumpay. Lahat na yata ng paraan ay ginawa niya na mapalabas lang ito sa kwarto gaya ng ginagawa niya noon pero wa epek iyon sa lalaki ngayon. Nauubusan na siya ng ideya!

Kaya ba talaga ng isang tao ang magmukmok ng isang linggo sa kwarto nito nang hindi lumalabas o kumakain man lang? Owver naman!

"Talaga? Anong itsura?" amaze na sagot nito. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang may malisyang ngiting naglalaro sa mukha nito.

"Gaga, ang ulo niya ang matigas!"

Isang malutong na halakhak hindi lang mula kay Dayet kundi maging kay Frida. Paniguradong nakikinig din ito sa usapan nila ni Dayet.

"Kasi naman acheng, linawin mo kung ano yung matigas."

"Balahura ka talaga. Sa isip, sa salita at sa gawa."

"Ano ba kasing nginangawa mo diyan?" sigaw ni Frida sa kabilang linya. Umeepal.

"Kasi nga teh, ayaw pa ding lumabas ni Marcus sa kwarto niya. Kinulit ko na siya ng kinulit, lahat na lang ng gimik inisip ko pero deadma pa din ang hinayupak! Anong gagawin ko?"

"Ano ba kasing pangungulit ang ginagawa mo?"

"Yung katulad nung mga bata pa kami. Nakakainis na kulit hanggang sa mainis na siya at sundin na lang ang gusto ko para matahimik na ko."

"Babaita, anong tingin mo kay Marcus sixteen years old pa din?!" sigurado siyang nandidilat ang mga mata nito sa kanya. "Hindi talaga uubra yang ginagawa mo."

"Kaya nga tinatanong ko kayo diba?"

"Ano ba ang bilin ni Don Segundo sayo?"

"Samahan ko siya." dagling sagot niya. "Siguraduhing hindi siya magpapakamatay at ibalik ang dating Marcus sa lolo niya."

"Ano ba ang dating Marcus?" sigaw ni Frida.

Naitirik niya ang mga mata. Malamang nakaspeaker ang mga ito kaya alam na alam ni Frida ang pinag-uusapan nila ni Dayet. "Ma."

"Malay?" ulit nito

"Ma!" ulit niya na naman. "Heller? Disisais lang siya nang huli ko siyang makita. Malay ko ba kung naging ano na siya pagkatapos nun?"

"Heller din?! Hindi ko sinabi ang buong Marcus. Yung mga simpleng chenes lang teh. Anong silbi ng pagbili-bili mo ng newspaper na may laman tungkol sa kanya at pakikipagtsika minute mo sa mga tsismosang tanders sa labas kung wala kang alam tungkol sa kanya."

"Echosera ka bakla. In denial stalker ka eh." dagdag ni Dayet.

"Gagi!" singhal niya dito. "Nakikibalita lang ako tungkol sa mga amo ko."

"Eh di sana pati tsismis tungkol kay Don Segundo, pinatos mo na rin." Si Dayet.

"Tigilan niyo nga ako. Tutulungan niyo ba ko o hindi?"

"Tangek, ikaw 'tong ayaw sagutin ang tanong namin eh. Sino nga ang dating Marcus?"

Pumikit muna siya saglit para kalmahin ang sarili bago sinagot ang mga ito. Para namang tukso na lumitaw sa balintataw niya ang mukha ng lalaki. Ang matangos at cute nitong ilong, manipis na labi na mas manipis pa yata kaysa sa kanya, medyo makapal na kilay at nakakainggit na kinis ng kutis. Deadmahin lang ang nagmamagandang eyebags nito sa mata na lagi na lang galit kung tumingin, parating nakakunot nitong noo at bawas-bawasan ang pagiging suplado ay baka magkacrush ulit siya dito.

My Love, My Sunrise (COMPLETED)Where stories live. Discover now