Chapter 4

12.3K 257 3
                                    


Ilang beses na ikinurap-kurap ni Sabel ang mga mata at nilinis ang mga iyon para masigurong tama ang nakikita niya. "Marcus, istatchu?" tawag niya sa lalaking nakaupo sa island counter at hawak sa dalawang kamay ang isang coffee mug.

Blankong tiningnan lang siya nito. As usual, tikom ang bibig.

Napasimangot siya. "Alin ka sa dalawa, hallucination o doppelganger?"

"How's your head?" uminom ito ng kape.

Dinama niya ang bukol. "Masakit pa din eh." Ngumiwi pa siya. Pagkatapos ay pinalitan iyon ng ngisi. Nanunukso. "Lumabas ka para lang alamin kung okay na ko?"

Hindi ito nagkomento. Sa halip ay uminom ulit ng kape.

Matagumpay siyang ngumiti. "Uuuyyy! Concern ang mama." Tukso niya na ikinasalubong lang ng kilay nito.

Same Marcus. Hindi ito napapakali kapag hindi nasisigurong maayos ang kalagayan niya. "Ano nga palang gusto mong ulam?" pag-iiba niya sa usapan. Tumalikod siya para umpisahan ang pagluluto.

"Don't bother."

"Ha?" nang lingunin niya ito ay wala na ito sa island counter at mukhang papalabas na ng kusina. "Uy, uy, uy, san ka pupunta?!"

"Sa kwarto-"

"Kwarto na naman!?" putol niya agad. "Aba uy Marcus, sumusobra ka na ah! Nagkakalapit na kayo ng kulay ni Edward Cullen. Lumabas ka naman sa lungga mo paminsan-minsan!"

Huminto ito at humarap sa kanya. Mataman siyang pinagmasdan. "I was about to go to my room para maghanda ng dadalhin natin para sa White Island. Gusto mong pumunta dun ngayon diba?"

Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa pisngi sa pagkapahiya. Bumukas-sara ang bibig niya. Bira ka kasi ng bira eh! Tumango siya. "M-Mabuti na yung malinaw."

Napailing ito.

"Anong gusto mong almusal?" ulit niya.

"I said don't bother, right?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Alangan namang ako na naman ang kakain ng lahat ng lulutuin ko? Maawa ka naman sakin. Ako na lang lagi umuubos ng mga niluluto ko. Hindi ko naman makayang itapon na lang at hayaang mapanis, grasya yun no! Bad yun."

"Mas masasayang kung luto ka ng luto and yet ikaw lang ang kumakain. It's gluttony."

Sumimangot siya. "Gluttony ka dyan. OA mo ha?"

Hindi ito nagkomento. Bagkus, sinuri siya nito mula ulo hanggang paa. "No wonder tumataba ka."

Nanlaki ang mga mata niya. "Owver! Wala pa ngang dalawang linggo simula nang umuwi ako dito eh!" Tumaba ba talaga siya? Kailangan niyang manalamin mamaya!

"Alam mo namang hindi ako kakain diba?"

"Pero hindi magtatagal, kakain ka din. Nakikita ko sa aking mahiwagang bolang kristal." Sumayaw-sayaw ang dalawang kamay na parang may bolang Kristal sa harapan. "Ilang araw na puro pagmumukmok? Nasa-sight ko, ngayon nakaschedule ang pagrarally ng mga bulate mo sa tiyan." Tumaas-baba ang dalawang kilay niya. Nakangisi.

"You're crazy." Napailing ito pagkatapos ay tumalikod na.

"Dadalhin ko sa veranda ang almusal ah! Sabay tayong kumain!" pahabol niya.

"Winner!" tili ni Sabel hindi pa man dumadaong ang bangka sa white island. "Naku manong, matagal kong di na-sight  ang puting buhangin na itech!" kausap nito sa bangkero.

Napailing na lang siya. Ayaw man ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa energy na meron ang dalawa. Bata pa man sila ay ganoon na ito. "Careful Sabel." Hindi niya napigilang isatinig nang atat na atat itong bumaba sa bangka pagkadaong nila. Tila hindi man lang siya narinig ng dalaga.

My Love, My Sunrise (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt