Chapter 10

19.8K 466 47
                                    

Natigil ang pag-iyak ni Sabel pagkatapos ng concerto. Kahit hirap ay kailangan niyang i-compose ang sarili dahil nagsisimula nang may lumapit sa kanya para kamayan siya. Hindi niya kilala kung sinu-sino ang mga ito pero dahil ipinanganak siyang hindi bastos, panay lang ang ngiti niya at pasasalamat. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang maglalapitan at makikipag-usap sa kanya ang mga mayayamang tulad ng mga nasa harap niya ngayon.

"Okay ka pa?" bulong sa kanya ni Frida na nasa tabi niya lang at hindi umaalis.

"Pwede bang umuwi na tayo? Baka maabutan tayo ni Marcus eh." ganting bulong niya.

"Gaga! Bakit ka pa iiwas? Eh halos ipangalandakan ka na nga sa madlang pipol, mag-iinarte ka pa rin?"

Aalma pa sana siya pero may lumapit na naman sa kanya at nagpasalamat dahil muli niya daw binalik ang Marcus dela Cerna. Ngumiti siya, nagpasalamat din at nakipagkamay dito.

Hindi siya nag-iinarte. Pero iyon lang ang naiisip niyang pwedeng gawin ng mga oras na iyon. May hangganan ang kakapalan ng mukha niya. At hindi kaya ng powers niya ang atensyon na nakukuha mula sa mga matataas na tao sa altasosyedad. Idagdag pang gulo pa rin ang puso at utak niya sa ginawang paglalahad ng saloobin ng lalaki sa harap ng maraming tao. Does he really mean it this time? Nagdadalawang isip pa rin ang isip at puso niya. Dahil buong buhay niya isang bagay lang ang pinaniniwalaan niya – si Kristina ang mahal ng taong mahal niya.

"Hindi mo kasi ako naiintindi-"

"Sabel..."

Binundol siya ng kaba nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Marahan niyang pinaling ang ulo sa kanang bahagi kung saan nanggagaling ang boses. Muli na namang huminto ang puso niya sa pagtibok nang makita sa malapitan ang lalaki.

"Can we talk?" nakita niya ang pagmamakaawa ng mga mata nito.

Tiningnan niya muna ang dalawang kaibigan. Nag-usap ang kanilang mga mata bago tahimik na tumalikod at iniwan silang dalawa. Napansin niya ring unti-unti na ring nawawala ang mga tao sa bulwagan hanggang sa silang dalawa ng lalaki ang naiwan doon. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita. Pareho lang silang nakatingin sa carpeted na sahig at pinapakiramdaman ang isa't isa.

"I'm sorry kung nasaktan man kita ng sobra nung huling araw mo sa Camiguin. I didn't mean to make you feel like you we're just my second choice. The truth is, you we're never a second best since day one."

"Please Marcus..." pakiusap niya. "Hindi mo kailangang magsinungaling just to make me feel better. Hindi ako tanga o bulag para hindi makita kung gaano mo kamahal si Kristina. Sa 'yo na mismo nanggaling, mamahalin mo siya ng habambuhay. Samantalang ako ay habambuhay na magiging espesyal lang sa 'yo. Alam mo ba kung gaano kasakit iyong tanggapin?" sarkastiko siyang tumawa. "Iyong kahit anuman ang gawin ko - pasayahin man kita araw-araw, kulitin man kita lagi at dumikit man ako sayo na parang tuko, hinding-hindi ko siya mapapalitan diyan sa puso mo. Na isa lang ako sa mga tao sa buhay mo na lilipas din. Panandalian lang at gaya ng laging nangyayari sa atin noon pa man, babalik ka ulit sa mundong iniwan mo kapag okay ka na ulit." Napabuga siya ng hangin para kahit papano ay mabawasan ang paninikip ng dibdib niya.

"Pero alam mo kung anong mas nakakabwisit? Iyong katotohanang na kung bibigyan man ako ulit ng pagkakataon na baguhin ang desisyon ko noon, pipiliin ko pa ring tanggapin ang alok ng lolo mo. Dahil alam kong sa deal na iyon muli kang mabubuhay kahit ang puso ko naman ang mamamatay. Ganun kita kamahal, Marcus. At ganun din ako katanga."

Mabilis na pinahid ang mga nag-alpasang luha sa mga mata at tumalikod. Pero pinigilan siya ng binata. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya pero mas pinili niyang huwag itong harapin.

My Love, My Sunrise (COMPLETED)Where stories live. Discover now