Chapter 8

12.4K 261 7
                                    

Nagising si Marcus sa tiktilaok ng manok. Bumangon siya at inunat ang katawan. Pagkatapos ay napangiti nang makitang maaga pa pala sa alarm clock niya. He's pretty sure it's gonna be a beautiful morning. Tumayo siya at nagpasyang pumunta ng veranda. Hinawi niya ang kurtina at tumambad ang glass door na siyang nagsisilbing harang sa veranda na nandoon. Madilim pa ang paligid. Pero ilang sandali na lang at lalabas na ang haring araw sa bahaging iyon.

Binuksan niya ang glass door at umupo sa garden set. Gusto niyang makita ang kakaibang magic na dala ng sunrise gaya ng kinuwento ng dalaga sa kanya noon. Iyon ang isang bagay na hindi pa naipapakita sa kanya ng dalaga mula pa man noon.

Tahimik at walang pagkainip na hinintay niya ang paglitaw ng araw. Hanggang sa sumilip na ng iyon. Sa umpisa ay maliit lang na parte ng langit ang nakikitaan niya ng magkahalong yellow at orange. Unti-unti iyong lumalaki at lumalawak habang dahan-dahang lumilitaw na nga ang araw. Hindi lang langit ang hinahawaan nito ng mga nabanggit na kulay kundi maging ang dagat at ang paligid. Parang magic na hindi niya maintindihan kung kelan unti-unting lumamang ang kulay yellow kaysa sa orange.

He caught himself staring at the beautiful sun. Parang biglang-bigla ay may ibang eksena siyang nakikita doon...

"Nakakainis ka naman eh!" pumadyak pa si Sabel.

"What?" Kung hindi pa ito pumadyak ay baka hanggang ngayon ay tulala pa rin siya sa dalagita habang kumakanta ito sa harap niya.

Umirap ito. "Oo na. Sintonado ako. Alam ko naman yun eh."

"What?" kumunot ang noo niya. "Sinong may sabi?"

"Ikaw!" tinuro siya nito.

"Ako?" ganting turo niya sa sarili.

"Oo, ikaw! Tumatawa ka eh! Huwag kang magdeny! Ayan nga oh at nakangiti ka pa din."

Ngayon niya lang napansin na nakangiti na pala siya habang tinititigan ang dalagita. Hindi niya alam. At nagkakamali ito kung iniisip nitong nakangiti siya dahil pinagtatawanan niya ito. Natawa siya sa sarili. Para pala siyang tanga na nakangiti?

"O kita mo na?!" nagdabog ulit ang babae at tinalikuran siya.

Kaagad niyang hinabol ang babae sa pamamagitan ng paghapit sa bewang nito gamit ang isang kamay lang. Hindi pa ito nakakalayo kaya hindi na siya gaanong umalis mula sa pagkakaupo sa sofa. "Teka lang, teka lang." pinigilan niya ito. "Hear me out first." Hinila niya ito palapit sa kanya.

Nagpatianod naman ang babae. Nakasimangot pa rin ito nang tumabi sa kanya..

Naaaliw na tinitigan niya muna ang mukha ng babae bago ito inakbayan at idinikit ng tuluyan sa kanya. She never fails to amuse him in whatever she does. "Una, hindi ako tumatawa habang kumakanta. I didn't even know na nakangiti pala ako while watching you. At pangalawa, sarili ko ang pinagtatawanan ko kani-kanina lang."

Tumaas ang isang kilay nito. "Lokohin mong lelang mo."

He chuckled. "Maniwala ka. At hindi ako nakangiti dahil sinasabi mong sintonado ka."

"Bakit, hindi ba ko sintonado?" panghahamon nito.

"Well..." he shrugged.

"Oh, 'ta mo!" umakma itong umalis sa pagkakayakap niya. Pero pinigilan niya ito.

"You're not a bad singer."

"Oo. Dahil hindi naman talaga ako singer."

Natawa na naman siya. "You know what made me smile? Iyon ay dahil nakikita kong masaya ka habang ginagawa iyon. Wala kang pakialam kung sintunado ka man o hindi as long as your having fun. Hindi lang sarili mo ang pinapasaya mo kundi ang mga nanonood din sayo. I didn't even know I was smiling kanina. I was so engrossed with your singing na hindi ko na pinansin kung anong itsura ko."

My Love, My Sunrise (COMPLETED)Where stories live. Discover now