Chapter 5

12.2K 282 3
                                    


Nang sumunod na araw ay kinulit na naman ni Sabel si Marcus na pumunta sila ng Walkway. Dala ang maliit na backpack, kaunting chichirya, flashlights at tubig ay sinimulan na nga nina Sabel at Marcus ang pag-akyat. Walkway to the Old Volcano is where life-size statues that represents the passion, death and resurrection of Jesus Christ are found. The forteen station of the cross dotted a trail to Old Volcano's peak. Sa tuktok naman ng bundok na iyon matatagpuan ang huling istayon. It's a tomb carefully carved and chiseled out of volcanic rocks.

"Do we really need to do that?"

"Sssshhh..." saway niya dito habang nakapikit pa din ang mga mata. Nasa pangatlong krus na sila at sa bawat krus na nadadaan nila ay saglit muna silang humihinto. Umuusal siya ng maigsing dasal. Pagkatapos niyon ay nananahimik siya saglit. Paraan niya iyon para makapagbigay galang sa Itaas. Kahit naman madalas ay gaga siya, alam niya rin naman kung kelan papatayin iyon at sindihan ang seryosong side ng sarili niya.

"Are you praying?"

Marahas siyang huminga. Binuksan ang mga mata at pinandilatan ang lalaki. Ang kulit! Nahawaan niya yata!

"Don't tell me, lahat na lang ng krus dadasalan mo?" insensitive na tanong nito.

"Hindi na ako nagdadasal." Nanggigigil at halos pabulong niyang sabi.

"Then what are you doing?"

"Masama bang tumahimik man lang kahit sandali? Bakit di mo na lang ako gayahin? Feel the air, the energy, the sound..." itinaas niya ang dalawang kamay at tumingala. "His presence, his loving-"

"You really are crazy." Napailing ito. "Aw!" napapitlag ito nang bigla niya itong tampalin sa braso. "What was that for?"

"Crazy ka diyan. Hindi mo lang alam ang essence ng silence."

Tumaas ang isang kilay nito. Maging ang isang sulok ng labi. "You're lecturing me about that essence thing?"

Lumabi siya. Alam niya kung anong tinutukoy nito. Ang pambubulahaw niya sa lalaki sa kalagitnaan ng pagmumukmok nito. "Bakit, masama ba? At pwede ba, pakihanaan ang boses? Baka wit mo pa knows, sagrado ang lugar na 'to. Kung naiinip ka, hala mauna ka dun sa taas."

Napailing ito. "Like I can leave you here that easy."

Umismid siya kahit ang totoo ay gusto niyang mangiti. Concern na naman ang mokong. Walang paalam na kinuha niya ang isang kamay nito at hinila papalapit sa kanya. Nagpahila naman ang lalaki. "Halika nga dito." Gamit ang isang palad ay tinakpan niya ang mga mata nito para mapilit niya itong pumikit. "Kung ayaw mong magdasal, magwish ka na lang. Kung wala ka ring wish, makipag-usap ka na lang sa Kanya. Lalaki sa lalaki. Hindi ka Niya uurungan pramis."

Nang tanggalin niya ang palad na nakatakip sa mukha nito ay napangiti siya. Hindi na nito iyon binuksan pa at ipinagpatuloy na lang ang pagpikit. Nang dumako ang tingin niya sa magkahawak nilang kamay ay mas lalo siyang napangiti. Gusto niyang mangaligkig sa kilig pero nagpigil siya. Seeing their hands entertwined makes her heart skip a little bit faster. Feelingera na kung feelingera, pero pakiramdam niya ay hinulma talaga ang mga daliri niya para swak na swak sa pagitan ng mga daliri ng lalaki. Saktong-sakto!

Muli siyang pumikit. Bro, tara. Usap tayo... ulet.

Kanina pa nakapikit si Marcus pero hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ba talaga ang dapat niyang gagawin. Simula ng mawala si Kristina, parang nakalimutan niya na rin kung papano magdasal. Matagal-tagal na rin siyang hindi lumalapit Dito. Standing here infront of Him makes him feel uncomfortable. Hindi na yata siya sanay. Parang sinisilaban ang buong pagkatao niya.

My Love, My Sunrise (COMPLETED)Where stories live. Discover now