Chapter 7

12.3K 251 2
                                    


Ramdam ni Sabel na kanina pa siya tinitingnan ni Marcus mula sa likuran. Alam niya nawiwirduhan ito sa kinikilos niya nang umagang iyon. Isang simple at nakatalikod na "good morning" lang kasi ang binungad niya dito nang pumasok ito ng kusina. Pagkatapos niyon ay umiwas na siya at hindi na humarap dito.

"What do you think of this?"

"Saan?" Humarap siya dito para alamin ang tinutukoy nito. Nawala sa isip niyang hindi niya dapat iyon ginagawa. Huli na para umiwas. Nakita ng lalaki ang pinakatagu-tago niya.

"Is that a sty?" kunot ang noo nito.

"Sty?" kunot-noong ulit niya. "Ewan. Kuliti – oo." sagot niya. Sorry pero hindi niya talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng sty. Marahan niyang kinusot ang kinuliting mata. Pero pinigilan siya ng lalaki. "Ano ba?!"

"Mas lalo yang maiimpeksyun. You're not sure if your hands are clean."

Pinandilatan niya ito ng kaliwang mata. "Kesa naman hindi ako makakita ng tuluyan? Namamasa na oh." turo niya sa mata. Mabilis niyang pinahid ang mata para hindi na makaprotesta pa ang lalaki. Napailing na lang ito sa katigasan ng ulo niya. Pagkuwa'y tinakpan niya ng buhok ang namamagang mata.

"That's not helpful, you know." Tukoy nito sa buhok niya.

"Eh di mas papa-" nastuck sa lalamunan niya ang iba pang sasabihin nang hawiin ng lalaki ang buhok niya at ipitin iyon sa tenga niya. Kung tutuusin, wala pa iyong three seconds. Pero feeling niya tumagal iyon ng five minutes. Parang nagslow motion ang paligid at nasundan niya ng bonggang-bongga ang ginawa nitong paghawi ng buhok niya. Feeling niya ay siya na ang pinakamagandang babaeng may kuliti sa balat ng lupa.

"Hindi natin alam kung anong impeksyon ang pwedeng dalhin ng buhok kapag sumagi yan sa mata mo. Baka mas lumala pa ang sty." Anito habang sinisigurong wala ng nakawalang buhok sa kanang bahagi ng mukha niya. "What are you saying?" tumingin ito sa mata niya.

Bumukas-sara muna ng ilang beses ang bunganga niya bago siya tuluyang nakapagsalita. "A-Ang sabi ko..." she cleared her throat and focus on what was happening. "Mas nanaisin ko pang gayahin ang hairstyle ni sadako kaysa ibinalandra 'tong mata ko. Kinabog ko pa si Chakadoll sa fez ko! Yuckiness." muli niyang tinakpan ang mata.

Nang araw na iyon ay nakaschedule silang pumunta ng Kabiling Cave. Pero mukhang hindi matutuloy ang plano nila. Nagising na lang siyang nagsusumigaw ang kuliti sa kanang mata niya. Halos hindi niya na maibuka ang kanang mata sa sobrang laki ng kuliti. At sa tuwing napapapikit siya ay ramdam na ramdam niya ang sakit niyon.

"Who says you're ugly?" muli nitong hinawi ang buhok niya.

"Ako." Tinakpan niya ulit ang mata.

Para na naman silang bata na hindi magkasundo. Ultimo sa kinuliti niyang mata ay walang gustong magpatalo.

Pinandilatan siya nito ng mga mata. "You're not, okay? Trust me. You're beautiful." Masuyo uli nitong hinawi ang buhok niya.

Umingos siya. "Nang-eechos ka lang Marcus eh."

"It's not... echos okay? Whatever that means. One more complain and I swear I'll kiss you." babala nito.

"Ows? Sa-true?" umakma siyang tatanggalin na naman ang ilang hibla ng buhok niyang nakaipit sa tenga. Ngumisi siya nang makitang parang hindi ito huminga, nag-alinlangan at tila hinihintay lang ang susunod niyang gagawin. Hindi yata inaasahan ng lalaki na magbibiro pa siya. "Eh di ikaw ang natakot ngayon?" nakatawang tinampal niya ito sa braso at pagkatapos ay hindi na napigilang malakas na tumawa. "Echos lang fafa! Feel mo naman makakaisa ka sakin." tumalikod siya dito para ipagpatuloy ang pagluluto.

My Love, My Sunrise (COMPLETED)Where stories live. Discover now