EBOOK DAYS

833 25 9
                                    

Naalala ko noon, 4th year student ako nung sumikat ang wattpad. May isang story na pinag uusapan sa classroom namin.

Pag uwe ko ng bahay, nagkwento ang kapatid tungkol kay Athena at Kenji.

Sino si Athena at Kenji? Tanong ko.

Ayun, nagkwento na. Kitang kita sa mukha nya na apektado sya sa kwenikwento nya. Doon ko nakilala si Athena at Kenji.

~~♡~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~~♡~~

Ebook days. Ito yung mga panahong, kontento pa tayo sa kung ano lang ang nabasa natin. Mga panahong hindi wifi ang kailangan para makapagbasa. Hahanap ka lang ng taong tutulong sayo magpasa ng storya. Ibu-bluetooth sayo, at ilang minuto lang, pwede ka na magbasa.

Ito yung mya panahong, kahit di keypad lang cellphone mo, basta makapagbluetooth ng ebook masaya ka na. Ito yung panahong hindi chapter ang binilang kundi pages.

Ito yung panahong hindi mo pa kilala kung sino at anong itsura ng may likha sa kwentong binabasa mo.

Ito yung panahon na kung saan hindi mo pa nakikita kung sinong portrayer ang ginamit sa fictional character na yun.

Ito yung panahon kung saan hindi mo pa alam ang salitang "book cover"

Ito yung panahong okay pa ang lahat.

Ito yung panahong nakakamiss.

~~♡~~

WATTPAD FACTS 101 (WATTY'S 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon