BINASA PERO DI TINAPOS FEELING

680 11 6
                                    

BINASA PERO DI TINAPOS FEELING

Mga dahilan kung bakit di natin natatapos basahin ang isang story.

1. NaSpoil- Ayaw mo na ituloy ang pagbabasa kasi nga naspoil ka na. Yung tipong di mo naman sila tinanong pero kwinento na yung buong pangyayari. Edi ang ending wala ka nang trill sa pagbabasa. Kasi nga alam mo na. Kaya di mo na itutuloy. Haha

2. NagpaSpoil- ito yung kating kati nang malaman kung anong nangyari sa mga susunod na kabanata. Yung magtatanong kung sino pumatay sa bida, o kung sino makakatuluyan ng bida. Minsan pag pinakwento pa yung buong story di na talaga itutuloy kasi nga alam na nya.

3. Di sinasadyang maspoil- Ito yung mga wattpaders na di sinasadyang mapunta sa mga wattpad related pages o kaya sa comment box sa isang kwento. Magbabasa ng mga reactions ng mga kapwa readers pero biglang may nabasang comment na nagspoil. Kaya ang ending alam mo na. Mawawalan ka na ng gana ituloy. Itutuloy pa ba ang pagbabasa o hindi na? Kaya payo ko lang sayo, king ayaw mo maspoil at mawalan ng trill sa pagbabasa, wag kang magbabasa sa comment box.

4. Di makamove on- isa din ito sa dahilan. Minsan pag di pa tayo makamove on sa katatapos lang natin nabasa tapos pupunta na tayo agad sa isang story, baka di nga natin matapos yung susunod. Kasi nga yung feels mo nasa isang story pa. Yung ayaw mo pa syang bitawan. Ayaw mo pa syang matapos. Nasa ibang story ka na pero pag di mo napigilan, kahit nasa chapter 10 ka na sa panibagong story, ititigil at ititigil mo para lang bumalik sa katatapos.

Kaya payo ko lang, bago ka magbasa ng bagong story, siguraduhin mo munang nakamove on ka na sa una. Yung handa ka nang iwan sya para magbasa naman ng iba. Magbasa naman ng bago.

Parang sa pag~ibig lang. Diba may 3 month rule? Yung after 3 months muna bago dapat magkaroon ng bago. Pero para sa ating mga wattpader, parang matagal yata ang 3 month rule bago dapat magbasa ng bago. Haha! Baka di nyo kaya. 1 or 2 weeks pwede na.

5. Choosy- ito yung mga readers na choosy. Kadalasan ito yung mga bashers haha! Yung tipong di daw nila tinapos yung story kasi pangit daw ang kwento. Cliche na daw ang story or what. Wala na silang gana. Paano mo masasabing pangit o maganda ang isang story kung di mo naman pala tinapos?

May mga readers na valid ang reasons kung bakit di natatapos basahin ang isang story. May iba dahil walang internet. Yung iba dahil wala nang nakainstall na wattpad app. At last, yung iba walang cellphone dahil nasira.

Pero kahit ano pa ang dahilan kung bakit di mo natapos ang isang story, okay lang! Darating ang panahon, yung natingga sa library mo, matatapos mo din. Tiwala lang!

WATTPAD FACTS 101 (WATTY'S 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon