NEW GENERATION

615 15 6
                                    


Lumipas ang maraming taon, mas nakilala ang wattpad lalo na sa mga kabataan. Ang mga kabataang unang nakadiskubre nito, malamang marami ng nabasa. Marami ng nakilalang authors at fictional characters.

Habang tumatagal nagkakaroon ng iba't ibang henerasyon. Kung anong uso, yun ang tinatangkilik.

Kung old ka na sa mundo ng wattpad, ngayong 2017 alam kong sawa ka na sa mga arrange marriage ang drama, yung bidang lalaki anak ng may- ari ng school. Yung nerd, biglang gaganda. Yung twing umpisa ng kwento, first day of school ang setting. Yung badboy biglang magiging goodboy. Alam mo na takbo ng kwento, kaya nagsasawa ka na. Nagttry ka ng bago.

Pero ano nga ba ang mga bago sa bagong henerasyon? Isa isahin natin yan..

*ANG EBOOK NOON, WATTPAD APP NA NGAYON.
*WATTPAD STORIES TO BOOKS
*BOOKS TO MOVIES
*THE NEW WATTPAD READERS
*THE NEW AUTHORS
*NEW STORIES

At kung anu ano pa. Ikaw  kabilang ka ba sa new generation? Yung tipong di na naabutan ang ebooks days. Yung tipong new authors na ang kilala. New stories na ang nabasa.

Isa ka ba sa kanila?

WATTPAD FACTS 101 (WATTY'S 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon