BOY READER

283 12 0
                                    

Sanay na tayo na puro babae lang ang nagbabasa ng wattpad. Wattpad sa babae, dota sa lalaki. Ang mga lalaki napapamangha kapag nakakita ng babaeng nagdodota. Tapos ang mga babae nagugulat kapag nalamang lalaki ka, na nagbabasa ng wattpad.

Isa pa yan sa pantasya ng mga wattpad readers na babae ngayon, hindi lang sa author naiinlove, at hindi lang sa mga fictional characters. Kasi ngayon, pati na rin sa mga boy readers.

Sa National bookstores. Kapag ang isang wattpader na babae nagpunta ng bookstores tapos may nakitang lalaking naghahanap ng wattpad books sa wattpad section, mamamangha yan. Mabibilib ganern! Lalo na kung gwapo ka tapos malalaman nyang wattpader ka.

Sa Meet up. Sanay na tayo na puro babae ang makikita mo sa meet up ng isang author. Kung may lalaki minsan halfbreed (HAHA). Pero magugulantang ka na lang may biglang gwapong pumunta ng meet up. Akala mo wattpader pero sinamahan lang pala si girfriend.

Ang babaeng wattpader kapag nakakita ng lalaking reader din ng wattpad, magugulat muna. Sisigurading kung wattpader ka nga talaga. Hanggang sa sunod sunod na ang tanong. Sinong favorite author, sinong crush na fictional character at kung anu- anong story na ba ang nabasa. Minsan kkwentuhan ka pa tungkol sa story na nabasa nyo na talaga (kung co incedence na nabasa nyo na nga).

Ang mga lalaki sinasabing pang babae lang ang wattpad. Kaya pag may lalaking nagwawattpad ibig sabihin sa kanila bakla ka.

Let me tell you this! Ang wattpad ginawa para sa lahat. Babae, lalake, tomboy o bakla welcome gumamit nito. As long as marunong ka gumawa ng story, as long as masaya ka dito, at as long as wala kang tinatapakang tao go lang. Sa pamamagitan nito, malay mo may tinatago ka pa lang talento sa pagsulat. Kung hindi ka nagulat na may babaeng marunong magdota, huwag kang magulat kung may lalaking nagbabasa ng wattpad.

WATTPAD FACTS 101 (WATTY'S 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon