WATTPAD IN THE PHILIPPINES

410 14 3
                                    

Wattpad in the Philippines

In March 2014, Wattpad signed a contract with Pop Fiction, an imprint of Summit Media, to print Filipino Wattpad stories in the Philippines. Other publishers from the Philippines also publish stories from Wattpad.

Dito nagsimula maisalibro ang mga kwentong noon binabasa lang natin sa ebooks.

Naalala mo pa ba kung anong unang mga libro ang naislibro ng dalawang sikat na publisher?

Pop fiction: SHE'S DATING THE GANGSTER.

Psicom: DIARY NG PANGET

Dito nagsimulang magkaltas ng pera ang mga estudyante makabili lang ng mga libro. Maliban sa She's Dating The Gangster at Diary ng Panget, nagsunod sunod na ang mga librong naisasalibro hanggang sa taong kasalukuyan.

Ikaw, ilang libro na ang nabili mo?

Magkano na ang nagastos mo?

Paano mo ba naalagaan ang mga librong binibili mo?

Pinapahiram mo ba ito?

---

Okay! Let me share my story.

Ako hindi ako nagpapahiram ng libro. Hiramin mo na lahat huwag lang libro ko. Natuto na kasi ako e. Bumili ako ng libro that time. That was my first book na nabili ko. Pero hindi ko binasa. HAHA! Kinda crazy! But I have a friend of mine na naghiram. So dahil bestfriend ko nga sya, pinahiram ko. Pero after 1 year! Yes, 1 year nagtagal yung book sa kanya. Pagbalik sakin nung book, grabi gusto ko umiyak. Gusto ko sya murahin but how? She's my bestfriend for God'sake.

Pag uwe ko sa bahay dun ko nilabas galit ko. Maayos ko pinahiram pero sira na binalik? Wattdapak!

Hindi ako madamot. Hindi masamang magpahiram pero sana sa mga humihiram ng mga libro, sana ayusin nyo. Hiniram nyo, responsibilidad nyong alagaan habang nasa puder nyo yung libro. Kasi hindi sayo. Paano kung sayo nangyari yun. Anong gagawin mo?

Wag kang maghihiram ng libro kung di mo kayang alagaan. Wag ka hihiram ng libro kung sisirain mo lang.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WATTPAD FACTS 101 (WATTY'S 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon