Chapter 1

19.9K 333 6
                                    


Xyrene's POV

Palabas palang ako ng mansyon namin ng humarang sa daan ko ang mga bodyguard ni papa. Mahigpit 'yung parents ko sa akin ngayon, kasi ako nalang ang nag-iisang anak at apo ng pamilyang belo.

Ako nga pala si Xyrene Belo. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko except lang sa isa ang makipaghalubilo sa iba. Pangatlo sa pinakamayamang business owner ang mga parents ko, but that's not enough na maging happy ako.

They are so very protective pagdating sa lovelife ko at nasasakal na ako. Kaya NBSB ako in my 17 years of existence.

Kaya once na makalabas ako ng mansyon para akong lion na nakawala sa kulungan. Lalo na ngayon na wala ang parents ko dito, nasa ibang bansa para sa lintek na business nila.

Wala na silang panahon para sa akin, puro nalang negosyo. Tssk! Lumaki ako na mga yaya ko lang ang nagbabantay sa akin. Kaya wag kayong ano diyan kung bakit spoiled brat ako. Lalabas man ako maraming aso -este bodyguard na nakasunod sa akin.

"Tabi!" Sigaw ko sa kanila. Nakakabwisit eh, palagi nalang mukha nila ang nakikita ko pagkalabas ko ng kwarto ko.

"Ma'am, paumanhin po! Pero hindi po kayo pwedeng lumabas na kayo lang mag-isa." Aniya 'nung isang BG namin.

"Edi sumama kayo, tabi!" Pareho naman silang nagsitakbuhan at binigyan ako ng daan.

Sunod parin ng sunod sila sa akin, hanggang dito na sa mall. Nakapaligid lang sa akin ang walong BG ni papa. Sinisigurado talaga nila na hindi ako mawawala sa paningin nila.

Well, tignan lang natin!

Gusto kung maging malaya, 'yung walang mga asungot na pumapaligid sa akin.

"Wait! Dito lang kayo. Sa restroom lang ako saglit." Sabay talikod ko pero napansin ko na may dalawang BG na sumunod sa akin. Kaya huminto ako at humarap sa kanila.

"Kuya, maghintay nalang po kayo dito sa restroom lang po ako sandali. Don't worry hindi po ako tatakas." Pilit na ngiti 'yung binigay ko sa kanila kahit 'yung kalamnan ko nagwawala na. Nagsinungaling lang naman ako para makatakas sa kanila.

Alam ko namang ginagawa lang nila ang trabaho nila. Pero paano naman ako?

Gusto kong maging malaya, maging normal tulad ng iba, 'yung walang nakamasid sayo. Masama bang bigyan ko ng kasiyahan ang sarili ko?

"Sige po!" Sabay nilang sagot na ikinatuwa ng puso ko.

Ngumiti pa ako sa kanila ng sobrang lawak, para ipakita sa kanila na okay ako. Pero ang totoo natutuwa talaga ako dahil makakatakas na ako sa wakas.

"Good!" Sabay talikod ko at naglakad ng pasimple lang para hindi nila mapansin na tatakas ako.

Omyguy this is it! The day that I've been waiting for!

Makakatakas na ako!

Nang hindi ko na sila makita agad akong tumakbo sa exit ng mall, hanggang sa nakalabas na ako ng building.

Sobrang saya ko dahil nakatakas na ako, kaya lang napawi 'rin ng makita kong parang hindi safe ang lugar na tinatahak ko. Kahit hindi safe ang dinaanan ko masaya parin ako dahil malaya na ako sa wakas.

Hindi pamilyar sa akin ang lugar nato, pero lakad parin ako ng lakad na may ngiting tagumpay. I know na mali 'yung ginawa ko pero ginawa ko parin. Wala na akong magagawa dahil nag-enjoy ako at uuwi naman ako kapag satisfied na ang puso ko sa saya.

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon