Chapter 3

11.4K 217 6
                                    


Xyrene's POV

Nandito kami sa hapag ngayon kumakain. Mali sila lang pala hindi naman kami close, para kumain ako kasama sila. Hindi ko naman kailangan kumain dahil busog na ako sa mga mukha nila.

"Busog kana ba sa laway mo? Kanina ka pa lunok ng lunok diyan ah!" Banat ni manyak sa akin, tssk! Paki mo ba, lunukin mo 'rin 'yang laway mo. Mabuti pa ang mga kasama niya prenteng nakatingin lang  sa akin. Dyosa kasi ako. Hehehe!

Tinarayan ko lang sila with matching rolling eyes pa.

"Duh! Kumain ka nga diyan at wag mo nga akong pakialaman pwede, saka lunukin mo 'rin 'yang laway mo. Kung hindi ka pa kuntento, isama mo na 'rin 'yang dila mo." Paki niya kung ayaw kung kumain, hindi naman siya ang magugutom. Tssk!

"Hayaan mo na bro, masanay kana sa mga asal tigre. Hahaha!" Ani 'nung isa, Pero wala akong balak na patulan siya dahil hindi ko siya kilala at hindi 'rin kami close. Kaya tinaasan ko lang siya ng kilay kong mataray.

"Hi! Ms. Tiger." Bati ng isang lalaking kararating lang. Walang iba kundi ang isa sa dalawang siraulong kumidnap sa akin. Ang kakapal ng mga mukha nila, may pa bati-bati pang nalalaman.

Matapos nila akong kidnapin, ganun-ganun nalang. Tssk! Hay! Ang hirap maging maganda, maraming chansing.

Kung ipalunok ko kaya itong  tinidor sa kanila. Tinignan ko lang sila isa-isa na parang pupunitin ko ang mga mukha nila. Nakakainis silang lahat, bwisit!

"Oh! I'm scared with your stare, baby! Matutunaw kami niyan, just take it slow. Hahaha!" Natatawang sabi ng isa. Ano naman kaya ang nakakatawa 'dun? Baby 'daw? Kailan niya pa ako naging baby?

Pansin namin parang ang dilim ng tingin ni manyak, 'dun sa lalaking tinawag akong baby. Nagulat nalang kami ng tumayo ito at pinagsabihan ang kasama niya. Problema neto?

"Don't you dare call her baby and don't try flirt my girl, dumbass! She's mine and soon to be my wife. What's mine is mine. I don't like sharing 'cause I'm selfish and I mean it." Anong mga pinagsasabi niya? May pa mine pang nalalaman, e kaya lang naman ako napunta sa kaniya dahil pinakidnap niya ako. Gago!

Siya pa talaga ang galit. Ang kapal talaga ng mukha niya. Umupo na ulit siya pagkatapos niyang sabihin ang mga kagagohan niya. Parang walang nangyare ah! Ang tibay ng samahan nila, dahil nagawa pa rin nilang magngitian. Sana all! Namiss ko tuloy mga kaibigan ko.

Nagkaroon lang kami ng kunting katahimikan dahil 'dun sa scene ni manyak, kaya lang dinagsa ng tupak ang mga hayop este--- mga gunggong pala kaya umingay ang paligid.

Sige tumawa lang kayo hanggang sa mabilaukan kayo, kapag ako hindi makapagtimpi sa inyo sisirain ko mga mukha niyo.

"Pwede ba tumahimik kayo. Ang sakit niyo sa tenga. Nakakainis kayong lahat. Sana nga matunaw nalang kayo para mawala na kayo sa mundo, para na 'rin maka-uwi na ako. Kailan pa kayo mawawala? Yung forever na talaga."  Tinawanan lang nila ako. Ako lang 'yung babae dito sa hapag except yung mga katulong na nandiyan lang sa gilid namin.

"Walang forever." Sabi 'nung mukhang ka level ko.

"Wow! Ang better ni kuya."

"Iyan naman ang hindi ko hahayaang mangyare, Xy. Kaya sisikapin kong hindi ako mawala sa mundo para sayo." Singit ni manyak. Bakit ba ganiyan siya? Pinapakilig niya ba ako? Tssk! At sa tingin naman niya kikiligin ako, manigas ka diyan. Kapal!

Wow! Pinanindigan niya talaga ang pagiging feeling close niya, dahil Xy na ang tawag niya sa akin.

Alam ko naman ang pangalan niya, mas gusto ko lang tawagin siyang manyak dahil naiinis. Feeling ko lalo siyang gumagwapo pagbinanggit ko ang pangalan niya.

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Where stories live. Discover now