Chapter 18

6.1K 143 5
                                    


Xyrene's POV,

"Josh?" Tawag ni Zayn sa kaniya. Kanina lang kasi namin napansin na ang tamlay niya. Parang ibang Josh na 'yung pumunta dito sa bahay para asarin ako.

"Josh?" Sigaw ko sabay bato ng cushion sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin pero may bahid ng kakaibang lungkot ang mukha niya, kaya naninibago ako ngayon sa inaasta niya.

Anong problema nito?

"Josh, kakain na tayo!" Sabay hila ni Zayn kay Josh, wala kasi siyang balak tumayo kaya hinila nalang buti naman at nagpahila rin ang kumag. Kaasar siya buti nalang Wala ang kuya niya dito, kundi malilintekan talaga 'to.

Umupo na kami ni Zayn pati 'rin si Josh na walang ganang umupo sa upuang kaharap ko. Si Zayn kasi ang katabi ko kaya nasa harap ko si Josh, para hindi sadboy ang eksena niya sa hapag-kainan.

"Xy, kumain ka ng gulay!" Sabi ni Zayn sa tabi ko. Siya kaya pakainin ko ng gulay. Tssk! Kumain ka niyan kung gusto mo pinagpipilitan pa sa akin e ayaw ko nga.

"Maya na!" Tumango naman siya. Hay, kailangan ko 'rin kasi ng gulay para healthy si baby. E, paano ba naman kasi masyadong kontrabida 'tong sikmura ko ang chossy. Yung iba nga walang makain tapos ako nag-iinarte pa.

Lumipas ang ilang minuto ng nagsidatingan sina Bryan, Azi at Azu. Wala si Marven dahil sinamahan 'daw sina ate Keisha at baby Vincent sa mansyon. Nagbatian pa muna kami, bago sila umupo at kumain na 'rin.

"Hoy Josh anong problema mo? Kanina ka pa ah, para kang lantang halaman na hindi nadiligan ng isang buwan." Tanong naman ni Bryan sa kapatid.

"Wala!" Tipid namang sagot neto.

"Wala 'daw e para ka ngang nabagsakan ng sampung langit. Bakit? Ano ba 'yang iniisip mo? Babae ba 'yan?" Pinaningkitan naman siya ng kapatid niya dahil mukhang naasar siya sa pagtatanong ng kuya niya.

"Wala nga e, ang kulit mo!"

"Edi wala, just calm down and chill bro!" Sabi ni Bryan habang pinapakalma ang kapatid. Mukhang may matinding problema nga siya dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganito kalungkot at aburido.

Kumain na kaming lahat except lang kay Josh, dahil busog pa 'daw siya. Hindi ako sanay sa inaasta niya ngayon masyadong tahimik, parang mas gusto ko pa 'yung mapang-asar na Josh kompara ngayon.

"Alam niyo ang mga babae parang damit lang 'yan madaling palitan!" Banat ni Azi sa kabila ng pananahimik naming lahat habang kumakain. Ang malanding palaka na kapatid ni Azu, buti nalang hindi sila pareho ng ugali. 

"Weh, paano ba?"

"Ang landi mong puta ka!"

"Eh totoo naman e."

Anong sabi niya para lang kaming mga damit?

"Tssk! At kayo 'ring mga lalaki parang pagkain, pwedeng sabay-sabayin!" Protesta ko kay Azi.

"Kaya pala sinabay-sabay niya kami!" Nagkatinginan naman kaming lahat sa sinabi ni Josh. Bakas parin sa mukha niya ang nakatagong lungkot na kahit kaming lahat pwedeng mahawaan anumang oras.

Ano 'daw? May pinaghuhugutan si kuya niyo!

"Aysus umamin ka 'rin. Hehehe!" Si Bryan.

"Halata namang babae ang problema niyan?" Si Azi naman.

"Akala namin bakla ka, dahil hindi ka mahilig sa babae!" Sabat naman ni Azu.

Ayan pinagtutulungan na naman nila si Josh. May problema na nga 'yung tao pinagtutulungan pa.

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Where stories live. Discover now