Chapter 8

8.3K 184 3
                                    


Xyrene's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Gusto ko sanang magpahinga, kaya lang mas inuna ko pang maghanap ng gunting.

Binuksan ko lahat ng mga box na nakikita ko at nagbabakasakaling makakita ako ng gunting. Pati na ang mga cabinet at drawer, pero wala akong nakita. Gusto ko na sanang sumuko ng kuminang sa paningin ko ang isang hindi gaanong malaking box.

Para pa akong tanga na nakangisi dahil pagkabukas ko sa box ay lumantad sa akin ang napakaraming gunting. Hindi ko mapigilang ngumisi ng kunin ko na ang isang gunting. Kakalbuhin ko lang naman ngayon si manyak.

"Kaya humanda kang manyak ka, tingnan ko lang kong makalapit ka pa sa akin matapos kitang kalbuhin. Baka magwala ka sa sobrang inis at baka 'rin hindi ako makapagtimpi maputol ko 'yang ari mo. Mabuti na 'rin 'yun para maranasan mong pumangit, masyado ka kasing gwapo baka mainlove ako. Ohmy--- Can't wait to see you ugly. Sa wakas makakaganti 'rin ako. Hahaha!" Sabi ko na nakaharap sa salamin habang nakangisi ng mala-demonyo.

Inayos ko na lahat ng mga binuksan ko kanina. Ang kalat tuloy ng kwarto ko, dahil sa gunting na 'yun. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga kalat, inihanda ko na ang gunting na pangpakalbo ko kay manyak. Mahirap na baka makalimutan ko kapag nawala sa paningin ko.

Kaya sa tabi ng lampshade ko na lang nilagay para makita ko talaga. Mukhang mamaya pa 'yun uuwi, kaya magpapahinga muna ako.

Mag-aalarm nalang ako para magising ako ng 10:00 PM, 7:00 PM pa naman kaya mahaba ang pahinga ko at sigurado naman akong magigising talaga ako ng ten. Kaya itutulog ko muna ang paghihintay ko sa kaniya, para kunwari hindi ka hina-hinala.

Nakahanda na naman ako para mamaya, pahinga ko nalang ang kulang. Napagod 'rin ako sa kaka-iikot sa loob ng mall.

Pinikit ko na ang mga mata ko, hanggang sa dalawin na ako ng antok ko.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko kaya pinatay ko muna. Napasapo ako sa ulo ko ng lumagpas ako ng isang oras. Kainis! Pero okay lang dahil baka mahimbing na siyang natutulog ngayon. Patay ka sa akin!

Dumiretso muna ako sa banyo at naghilamos para mawala ang antok ko. Pagkatapos kinuha ko na ang hinanda kong gunting at lumabas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kwarto niya para hindi ako makagawa ng anumang ingay. Mahirap na malakas pa naman ang pakiramdam 'nun.

Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob ng kwarto niya at buti naman hindi siya naglalock, dahil mahihirapan talaga ako pagnagkataon.

Pagkabukas ko ng pinto, humakbang na ako palapit sa kaniya. Syempre hindi ako nagsuot ng tsinelas ipapahamak lang ako 'nun. Matalino kaya 'to.

Pumwesto na ako malapit sa tabi niya. Ang himbing pa ng tulog ni manyak. Kawawang manyak, papangit na bukas.

Nakangisi pa ako pero nanigas 'rin ako saglit ng gumalaw siya. Kaya naghintay muna ako ng tamang timing.

Nang mapansin kong hindi na siya gumalaw ay naging kampante na ako. Ginupit-gupit ko na ang buhok niya, tama lang naman na gupitin ko ang buhok niya dahil masyado ng mahaba.

Marami na akong nagupit na buhok niya, pero imbes matawa ako natutula lang ako sa mukha niya. Hay! Sayang ang gwapo niya pa naman. Well 'yun ay kung sa mukha ka titingin pero kong  titingnan mo ang buhok niya matatawa ka talaga dahil nagmukha siyang unggoy na may sayad.

Walang kamalay-malay si manyak na naisahan ko siya. Nakaganti na ako. Tatawa pa sana ako pero sa kwarto ko na lang dahil baka magising siya.

Alam kong hindi lang kalbo ang aabutin ko kaya behave now, party later. Niligpit ko na ang kalat ko sa kwarto niya, siniguro ko talagang walang kahit na konting buhok siyang makikita.

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Where stories live. Discover now