Chapter 12

7.1K 136 0
                                    

Keisha's POV

Nandito ako ngayon sa mansyon hinihintay ko lang 'yung update ng P.A ko 'dun sa states. Bukod kasi sa pagiging mafia princess ko, ako 'din ang nagmamanage ng kompanya ni daddy sa states.

Wala 'yung mga maid namin dito kasi binigyan ko sila ng two weeks vacation sa probinsya nila.

Ako lang ang tao dito, nababagot na nga ako dahil wala akong magawa. Pupuntahan ko sana si Zayn sa bahay niya pero ayaw niya, wag muna 'daw. Ayaw magpadisturbo ng loko.

Nakahiga lang ako ngayon sa sofa ng biglang tumunog ang tiyan ko. It's a sign na gutom na ako.

Paano na 'to? Hindi ako marunong magluto. Hay! Buhay mayaman walang alam sa bahay ay este ako lang pala. Kahit pagsaing lang ng bigas, hindi ko pa alam.

Naalala ko pa 'yung kagagahan ko with my oppa Marven.

Flashback

"Gutom na ako. Ano ba 'yan? Walang pagkain!"

Pumunta na ako sa kitchen saktong pagbukas ko ng ref may chicken pa. Nagslice lang ako ng apat na legs. Sakto lang yata 'to sa akin.

Kinuha ko muna 'yung crispy fry sa taas ng ref, gagawa ako ng fried chicken.

Pagkatapos kong ilagay ang chicken sa crispy fry, sunod kong binuksan ang gasul kaso wala ng gas.

"Ahhhhh! Wala na pa lang gas, nakakainis naman gutom na ako." Sigaw ko, ako lang naman dito eh. Kaya wala akong maiisturbo.

Minalas nga naman wala ng gas. Bwisit!

"Aha! Alam ko na, ang talino ko talaga." Tssk! pinuri ko pa ang sarili ko.

May naisip na kasi ako na kinatuwa ng sikmura ko, kahit weird gagawin ko parin. Well naisipan ko lang naman na sa rice cooker nalang ako magluluto. Wala na akong choice, gutom na ang prinsesa niyo.

Naglagay muna ako ng mantika sa rice cooker saka hinintay na mainit muna 'yung mantika. Nung mainit na sunod ko ng nilagay 'yung legs ng chicken. Yeah! I'll wait nalang, kakain na ako.

Binalik-baliktad ko pa 'yung chicken para magkapantay 'yung luto niya, malapit na kunting hintay nalang brownies na.

"Hoy? Anong niluto mo? Tanong ng taong pamilyar sa akin ang boses na nasa likuran ko lang. You know na kung sino, edi ang longtime crush ko. Si Papa Marven, hehehe! Ang landi ko masyado.

"Hehehe! Fried Chicken. Hmmm, bango!" Inamoy-amoy ko pa 'yung fried chicken na palutang-lutang sa rice cooker.

"What the---- ?" Gulat na sabi niya ng makita niyang palutang-lutang ang niluto ko sa rice cooker. Problema neto?

Apat lang na legs ng chicken 'to, pero isang galon na ng mantika ang nilagay ko. Hay, tanga parin pala hindi naiisip ang loka-loka.

"Oh, bakit?" Nakapoker face lang ako sa kaniya, wala naman akong magawa dahil gutom na ako. Hay, nakakahiya tuloy ang kabaliwan ko.

"Ahhh! Keisha, kailan ka pa natutong magluto ng fried chicken sa rice cooker. Jusko! Wala ka talagang alam pero pagbaril kabisado mo. Ano ba 'yan nakakaturn off ka naman? Yan ba ang natutunan mo sa states?" Hay, ang ingay naman ng lalaking 'to nakakaturn off 'din.

"Tssk! Paki-alam mo ba. Umalis ka nga dito, baka ikaw ang makain ko. Nakakainis ka gutom na nga 'yung tao nanenermon ka pa. Sige, alis na." Pagtataboy ko sa kaniya habang tinulak-tulak ko siya palabas ng kusina. Maingay masyado mas lalo akong nagugutom, baka iba ang makain ko pagnagkataon.

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon