Chapter 6

9K 190 3
                                    

Xyrene's POV

Nagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog ng may tumama na sinag ng araw sa mukha ko.

"Ouchhh! Ugghhh!" Parang may naramdaman akong kakaibang  sakit sa pang-ibaba ko ng tumayo ako.

Doon ko lang naalala na ginahasa pala ako ni manyak kagabi. Bwisit siya! Sana sumakit 'din 'yung sa kaniya!

I will not forgive you asshole for what you've done to me.

Ang isang bagay na iningat-ingatan ko ay ganun lang nawala kagabi. Yun na lang ang natitirang kayamanan ko simula ng kinidnap nila ako. Hindi pa nga nila ako pinatay, pero parang patay na ako.

Naalala ko pa nga ang sabi sa akin ni mommy na palaging kong tinatatak sa puso't isip ko.

Virginity is the best gift that you can give to your husband soon after you're getting married.

Fuck you! ZAYN FORD. Ikaw ang  kumuha ng bagay na hindi naman para sayo. How dare you?

Naiyak nalang ako ng may nakita akong blood stain sa white bed sheets ng kama ko.

"Puri ko. Huhuhu!" Para akong tanga na nakatitig sa bed sheets ng kama ko.

Patuloy parin ang mga luha ko sa pagtulo, kagabi pa 'to. Dapat wala na akong mailuha pero ito nagsilabasan na naman sila.

Pinalitan ko ng bago ang bedsheet ng kama ko pagkatapos kong magdrama.

"Para kay Eunwoo 'yun e!" Sigaw ko. Hindi ko talaga matanggap na hindi na ako birhen. Kainis! Okay lang sana kong sa taong mahal ko naibigay, pero hindi dahil nakuha na ni manyak.

Sa isang tao pa talaga na hindi ko mahal. Sa taong hindi ko gusto at kahit kailan hindi ko magugustuhan. Sa sobrang inis ko hindi ko mapigilang hindi magwala. Nakakainis sila at naiinis 'rin ako sa sarili ko, dahil sa kapabayaan ko.

Wala akong paki kung saan susulpot 'tung mga unan natu. Basta mailabas ko lang ang sama ng loob ko.

"Arayyy! Juskong, bata ka. Anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ng isang babaeng may edad na. Kakapasok lang niya sa kwarto ko, kaya saktong sinalubong niya ang mga unan na lumipad sa mukha niya.

Dali-dali ko namang pinunasan ang mga luha ko, baka mapansin ni manang na umiiyak ako. Kung sa bagay kagabi pa ako umiiyak, kaya hindi malabong mapansin niya dahil mugto na ang mga mata ko.

"Manang, sorry po! Hindi ko po sinasadya." Napayakap nalang ako sa kaniya, ramdam ko 'rin ang kamay niya na hinagod-hagod ang likod ko, upang patahanin.

"Tama na! Wag ka ng umiyak. Okay lang sa akin 'yun." Pagpapatahan niya sa akin. Ngayon nalang ulit ako nakayakap. Namiss ko tuloy si mommy at ang mga kaibigan ko na dinadamayan ako kapag may problema.

"Manang, tulungan niyo po akong makatakas dito." Hagulhol ko habang yakap si manang.

"Anak! Kahit gusto kitang tulungan hindi ko pwedeng gawin 'yun. Ayaw kong masira
ang tiwala ng pamilyang ford sa akin. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon.  Wag kang matakot, mabait naman si Zayn. Hindi ka niya sasaktan." Kaya pala ginahasa niya ako. Ang bait niya nga naman dahil nagawa niya akong gahasain ng walang pag-aalinlangan, hindi man lang siya naawa sa akin. Saan ang mabait 'dun?

"Bakit niyo po alam na mabait siya, matagal na po ba kayo dito?" Tanong ko kay manang, saka siya bumuntong hininga.

"Mula pagkabata nila nasubaybayan ko na siya at ang ate niyang si Keisha hangggang paglaki. Ako ang nag-alaga sa kanila. Kaya wag kang matakot nandito naman kami." Bakit nasaan ba ang mga magulang nila? No wonder kung bakit ang sama ng ugali niya.

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Where stories live. Discover now