Chapter 15

6.4K 140 1
                                    

Xyrene's POV

Sabado ngayon kaya sakto na makipagkita ako kay bakla. Wala si Zayn kaya tama, aalis ako. Kinuha ko 'muna yung phone ko at tinext si bakla.

Time check 3:56 pm

To: Bakla Shin,

Bakla kita tayo, malapit sa SM. Mag-uusap lang tayo! I already miss your kakulitan na kasi.

Sent√

Maya pa ay nagvibrate 'yung phone ko, syempre reply 'yan ni bakla

From: Bakla Shin,

Sige ba miss na 'din kita bruha! Namiss ko na 'yung kulitan natin lalo na 'yung kulitan natin ng isa pang bruha.

Nakaramdam na naman ako ng bigat sa puso. Hindi pa kasi ako nakamove on sa pagkawala ng besty ko, napasimangot nalang ako dahil hindi ko man lang siya nakita.

Kinuha ko muna 'yung sling bag ko. Nakapants lang ako at medyo maluwag-luwag na white T-shirt bumagay 'rin naman sa akin dahil hindi naman ako medyo manang tignan.

Nagtaxi lang ako papunta sa SM kung saan kami magkikita ni bakla.

---------

"Besty, ikaw ba 'yan? Why you look so ugly? Omygee! Girl, sinong malas na lalaki ang nakabuntis sayo?" Grabe talaga ang bunganga ng baklang 'to. Malas talaga!

Kwenento ko na sa kaniya kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng isang buwang pagkawala ko. Nanibago 'rin ako kay bakla noon wala pang-arte masyado pero ngayon may kambal na siyang clown. Ayyy! Ewan para siyang sinampal ng sampung engkanto sa pula ng pisngi niya!

"Bakla matanong ko lang ilang engkanto ang sumampal sa mukha mo at ganyan ka pula?" Tuloy parin kami sa paglalakad habang sinisilip ko ang reaksiyon ng mukha niya.

"Tssk! Grabe ka, girl! Hindi mo man lang na appreciate 'yung efforts ko dito para kitain ka." Sabay sa pisnge niya. Walang pinagbago madrama pa 'din si bakla.

"Tssk! Napansin ko nga e sino ba naman kasi ang hindi makapansin niyan. Akala mo naman may pupuntahang birthday party tayo e magmemeet lang naman." Inirapan lang niya ako. Aba! Feeling may buhok ang gaga!

" Okay! Change topic tayo. Sino nga ba 'yung ama ng dinadala mo?"

"Si Hikarin!" Biro ko sa kaniya kaya agad naman niya akong binatukan. Ang bilis ng kamay ng puta.

"Arayyy! Ang sakit 'nun ahhh!"

"Girl, kung nagdaydream ka sana 'yung tulog ka wag 'yung gising para kang timang!"

Si Hikarin kasi 'yung crush ni bakla. Palagi pa 'yang nag-oonline sa facebook just to visit the Hikarin's Fan Page. Lahat ng page ni Hikarin ay nilike niya at nakajoined 'rin sa lahat ng Hikarinatics Group. Remember ko pa 'nun muntik na sila mag-away ni Jaira dahil lang sa poster ni Hikarin na kita 'yung abs.

"Sino nga ba?"

"Si Hikarin nga!"

(Si Hikarin po 'to nasa baba 'yung pic. Hehehe!)

 Hehehe!)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon