Chapter 11

7.4K 152 1
                                    


Xyrene's POV

Pagkatapos naming pumunta sa hospital para magpacheck up, inaya na ako ni manyak na sa labas na kami kakain total nandito na kami sa harap ng McDo.

Sabi ko kasi sa kaniya na dito na kami kakain kaysa 'dun sa chinese restrant na parang ewan. Pangalan lang naman 'yung sosyal.

Umupo na kami pagkatapos niyang mag-order ng dalawang happy  meal, float at kung anu-ano pang inorder niya.

"Oh! Ibabalik ko na sayo. Ang daming text, besty mo 'daw." Agad kong kinuha ang phone ko sa kaniya, na mag-iisang buwan ng nasa kaniya. Kinuha niya kasi 'nung may tinawagan ako e, bestfreind ko lang naman ang tatawagan ko. Akala niya Police.

Baka 'daw may textmate akong police, mabuti na 'daw 'yung nag-iingat. Baliw lang!

Saktong pag-open ko 68% percent pa kaya binasa ko muna ang mga tambak na text sa phone ko. Grabe! 97 messages and 123 calls, niisa wala man lang akong nareplyan. Tssk! Paano nga naman ako makakareply? E wala sa akin ang phone ko.

Messages from:  Besty Panget

Besty uwi kana 'daw, hindi na 'daw galit sayo si Fafa Mark.

Besty nag-aalala na kami sayo!

Hoy! Sumagot ka naman sa mga tawag ko!

Alam mo ba na nagagalit na sila tita at tito sa akin?

Besty nakakatampo ka na ah.

Besty uwi ka na 'daw!

Besty! Saan ka bang lupalop nagpunta?

Kakarampot lang na text ang binasa ko galing kay besty at kay  bakla naman ang susunod kong babasahin.

Messages from: Baekla Shin

Hoy uwi kana! Tinakasan mo 'daw ang mga bodyguard mo. Ang bad mo!

Besty uwi kana nga! Aagawin ko sayo si Fafa Mark kung hindi ka pa uuwi.

Kaya tinawagan ko agad 'yung number ni Besty Panget. Miss ko  na siya pati si bakla. Mga kaibigan ko sila sa dati kung school. Bakasyon ngayon e!

Dialling Besty Panget...>>)

Ring

Ring

Ring

Nakatatlong ring na ako buti sinagot na niya.

"Hello! Xy. Ikaw ba 'yan?" Bungad ni besty sa tawag ko, wait--- boses ni  bakla 'to ah!

"Bakla ako nga 'to!"

"Waaaaaaa! Xyyyy! Buhay ka pa pala. Saang lupalop ka ba ng pilipinas at ngayon ka lang  tumawag nakakatampo ka? Miss ko na kayo ni mira!" Mukhang naging malungkot ang boses ni bakla pagkabanggit niya sa pangalan ni besty. Anong meron? Saan ba si mira at bakit si bakla ang sumagot ng phone niya?

Kahit naman saan 'yun hindi niya hinihiwalay ang phone niya. Namimiss 'daw niya si mira? Hindi ba sila nagkikita? Grabe parang pareha lang kami ng sitwasyon ah.

"Bakla! Nasaan ba si mira at bakit ikaw ang sumagot ng tawag ko sa kaniya?"

Ilang segundo na ang lumipas ng hindi parin niya sinasagot ang tanong ko. Kinakabahan na tuloy ako.

"Bakla! Buhay ka pa ba diyan?"

"Besty!"

"Oh! Ano na? Nasaan si mira, bakla?"

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Where stories live. Discover now