Battle # 3

26.5K 871 127
                                    

[[[POV Samantha]]]

Andito lang ako sa loob ng kwarto ko, natatakot na kong lumabas ng bahay namin, hindi na aksidente ang tawag sa nangyayari samin eh! Sadya na yun! Pinaplano talaga patayin kami!

Ngayon ay masasabi ko na isa samin ang gumagawa nito, pero ang tanong, isa kaya ito sa mga transferee o  matagal na naming kasamahan na may matinding galit samin

Bigla kong naalala yung pangyayari kanina

~FLASHBACK~

Pinapunta kaming buong section sa loob ng office, 20 kaming magkakaklase talaga pero dahil nga namatay si Rylie ay 19 na lang kami, nakakapanghina, sa isang iglap lang mawawalan na kami ng kaklase

“Hindi ko na papatagalin, ipinatawag ko kayo dahil I want to remain secret kung ano man ang nangyayari sa loob ng school natin, I want your cooperation na hindi ito makalabas ang mga nangyaring insidente” Sabi nung principal pagkapasok pa lamang naming sa office nya

“What!?! You called it ‘insidente’? Sinasadya ang pagpatay samin ma’am! Meron talagang pumapatay samin!” sigaw ni Lyka, kaya sya ang binoto naming class president eh dahil sa napakapalaban ng babaeng yan

“Ma’am anong isisikreto!?! Paano naming malalaman kung sino ang gumagawa ng pagpatay na to kung wala kayong balak paimbestigahan!” sigaw naman ni April

“Pero masisira ang reputasyon natin kapag nakalabas to ng school, I will hired private investigators para imbistigahan ang case nyo”

“Ma’am! Kahit anong tago ang gawin nyo, lalabas din ang totoo! Makakalabas din sa publiko na sa school na to, may dalawang tao ng namamatay”

“Sorry guys”

Shit! Ganun na lang yun!?! Mas mahalaga pa ang reputasyon ng punyaterong school na to keysa sa mga buhay naming

“Oh sige ma’am ah, mailigtas sana kami ng your so called REPUTASYON, Just go on our burol na lang ah, dala ka foods” sarkastikong sabi ni Angel bago kami lumabas ng room, sumunod naman kaming lahat sa kanya

Habang naglalakad kami ay may kanya kanyang bulungan at kwentuhan at lahat, pare parehas lang kaming galit sa principal ngayon, nakakabwisit lang kasi eh, mas pinili nya ang reputasyon keysa sa mga buhay namin, nagulat naman ako ng biglang dumikit sakin si Daryl, first time kasi to eh

“Nasayo pa ba yung papel na nakuwa natin sa bulsa ni Rylie?” tanong sakin ni Daryl

Oonga pala! Meron kaming papel na nakuwa sa bulsa ni Rylie habang tinitignan namin ang bangkay nito, itinago ko na lang yung papel dahil alam ko naman na hindi samin makikinig ang principal namin

#1 – yan ang nakalagay sa may papel, nakakapagtaka nga eh!

“Eto ba?” pinakita ko kay Daryl yung papel, medyo nalukot na nga sa bulsa ko eh pero readable pa naman… binigyan naman ako ng tango ni Daryl bilang sagot, kahit kelan napakatipid sa salita ng babaeng to!

“Ingat Ka.” Nakangiti nyang sabi sakin, then tumakbo na sya paalis ng school… ang weird! Feeling ko may malalim na kahulugan ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni Daryl

“Weird” napailing na lang ako sa inasal ni Daryl

“Samantha Chua! Uwi na po tayo” tawag sakin ni Ella, napansin ko naman na medyo kumulimlim ang langit, buti na lang prepared na ko! May payong na ko!

“Wait lang! mukhang uulan eh, kunin ko lang yung payong ko sa Locker ko”

“Antayin ka na lang namin sa may Labas ng school ah! Bilisan mo Sam ah! Maluret ka pa naman kumilos” sabi naman sakin ni Joyce

Tumakbo naman ako papuntang locker…. Pero pakiramdam ko merong tao na sumusunod sakin, tinitignan ang bawat kilos ko at minamanmanan ako… mas nakapagpalakas pa sa kabog ng dibdib ko, wala ng ibang tao sa school dahil karamihan ng mga estudyante ay nagsi uwian na dahil tapos na ang kanilang mga klase

“SINO YAN!?!” malakas kong sigaw at narinig kong na-echo sa hall.. pero wala pa ring tao

Mabilis akong tumakbo papunta sa locker para makuwa na ang payong ko at makaalis na sa lugar na ito, hindi pa rin naalis ang mga mata ko sa likod ko dahil nagbabakasakali akong makita kung sino ang nananakot sakin

Paglingon ko sa harap ko

“WAAAAAAAAAAH!”  sigaw ko dahil talagang sobrang kinabahan ako!

“Huy! Ano bang nangyayari sayo, tignan mo yung sarili mo oh, putlang putla ka Sam” sabi ni Anne at hinihimas pa ang aking pisngi dahil sa pag aalala nya

“Pwe-Pwede bang samahan mo ko papuntang locker?” sabi ko at nanginginig talaga ang boses ko

“Sige, mukhang takot na takot ka eh, tsaka mas safe umuwi ngayon ng may kasama, mahirap na ang sitwasyon sa klase natin” Sabi nya then pumunta na kaming locker

Binuksan ko yung locker ko at kukunin ko na sana ang payong ko ng meron papel na nalaglag galing sa locker ko na kumuwa ng atensyon ko

#16

Yan ang nakalagay sa papel

“Meron ka rin palang ganyan?” sabi sakin ni Anne, nagulat pa nga ako dahil hindi ko napansin na nasa likuran ko na sya

“A-anong ibig mong sabihin?” nakakunot ang noo kong tanong sa kanya

“Meron din ako nyan eh! Kaso #11 yung akin” Sagot ni Anne

“Ano naman to?”

“Ano ba Sam! Wag ka ngang pathetic dyan, prank lang yan UY! Malay mo meron lang epal na nagsuksok ng mga number sa locker… keep calm and love naynay” sabi sakin ni Anne… sana tama sya, prank lang to! Hindi dapat ako maniwala sa mga number dito

Paglabas ko ng locker room ay agad akong tumakbo papunta kanila Joyce, then nagstart na kaming maglakad pauwi nila Joyce, Jane, at Ella

~End of Flashback~

Pero naisip ko ngayon na siguro meron kaming lahat nun… meron kaming papel na natanggap, kung si Rylie ang #1 sino ang #2?

Hindi kaya! Yung mga number  ang arrangement ng sunod sunod na pagkakamatay?

Pero kung ganun nga! Safe pa ko dahil malayo pa ang number ko

Naputol ang malalim na pag iisip ko ng nagvibrate ang cellphone ko

From: 093++++++++

Protect #2…. Or else, she will die

Syet sino ba to!! Ayoko na!!! sukong suko na ko sa mga nangyayari sa amin!

Pero kung susundin ko naman itong text message na ito… sino nga ba samin si #2? Syet! Wala talaga akong ideya!

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon