Battle # 14

19.1K 680 82
                                    

[[[ POV Samantha ]]]

Nakaupo ako dito sa may kama ko, ang tanga tanga ko kasi hindi ko naisip na si Myra pala ang killer. Nagpadalos dalos ako at agad pinagbintangan si Anne

Sa tingin ko ito ang mali sakin eh, Ang hilig ko kasing mambintang na wala pa naman akong sapat na ebidensya

“Sam! Tara daw sa dagat, Swimming daw tayo, bilis na Sam para makapag unwind din tayo sa mga nangyayari” Sabi sakin ni Frelle at pumasok sa aking kwarto

“Sa tingin mo Frelle, Masama ba tayo dahil sinisi natin si Anne?” Sabi ko sa kanya habang nakayuko, ayokong tumingin sa kanyang mga mata dala na rin ng hiya

“Mabait si Anne, Sam. Maiintindihan nya tayo kung bakit natin sya napagbintangan, pare-parehas lang naman tayong naiipit sa mga nangyayari eh” explain sakin ni Frelle, I find a relief nung narinig ko ang mga sinabi ni Frelle

“Makakaalis pa kaya tayo dito Frelle?” tanong ko sa kanya

“Oo makakaalis pa tayo dito Sam, tiwala lang… Manalig lang tayo sa kanya” Sabi nya sabay turo sa itaas na para bang sinasabi na kumapit lang kami sa panginoon at sya na ang bahalang pumrotekta samin

“Salamat Frelle ah, napagaan mo ang loob ko” sabi ko sa kanya at binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti

“Naku Sam itigil na nga natin tong kadramahan na to! Haha, tara na nga dun sa labas… andun na sila” sabi nya sakin at lumabas ng aking room

Buti na lang dumating si Frelle sa panahon ngayon na down na down ako, thanks sa mga advice nya dahil sobrang napagaan nya ang aking loob”

***

“Kyaaah! Ano ba Jane! Wag mo nga akong basain!” sabi ni Ella habang pinipisik pisik naman sya ng tubig ni Jane

“Gaga! Nagswimming ka pa kung ayaw mo lang din namang mabasa” Sabi ni Jane, grabe para silang mga bata. Ang cute nilang tignan

Nakaupo ako sa may Sand na may silong na malaking umbrella, nagulat ako ng biglang tumabi sakin si Daryl

Ano nga ba ang isang Daryl Mae Delgado? Bakit napakamalihim nya?

“Daryl sino ka ba talaga? Bakit ang galing mong magbigay ng mga babala? Bakit ang galing mong mag imbistiga?” tanong ko sa kanya at lakas loob ko syang tinignan mata sa mata

Pero imbis na sagutin ako ni Daryl ay binigyan nya lamang ako ng matamis na ngiti… sana yung ngiti nyang yan eh nasabi kung sino talaga sya eh noh?

“Isa sa kanila” sabi nya sabay tingin sa mga kasamahan namin na nagswiswimming sa dagat, nacurious ako kaya naman napatingin na rin ako

“Mamamatay” maikling dugtong nya pero nagets ko naman agad iyon, nabigla at kinilabutan ako sa mga sinabi ni Daryl

“GUYS UMAHON NA KAYO!” malakas kong sigaw dahil malayo nga sila sakin, tumatakbo rin ako patungo sa may dagat

Nagbigay na ng babala si Daryl, ngayon ay nasa akin na lang kung kikilos ba ako para matulungan sila o hahayaan lang maganap ang prediction ni Daryl

***

[[[ POV Ayano ]]]

“Grabe ka naman makasigaw Sam!” reklamo ko sa kanya, kasi naman eh! Kakalangoy ko pa lang sa tubig pinaahon agad ako? Nakakaloka!

“Oh my god Sam! Why you shout ba like your baliw their” sarkastikong sabi sa kanya ng conyong baluga na si Angel

“Basta!! Para sa safety nyo tong ginawa ko” sabi ni Sam samin… ang sabihin mo Kill joy ka lang talaga!

“Alam mo Sam, ang sabihin mo O.A. ka lang ta-------“

“Guys asan si Lucy?!?” malakas na sigaw ni Anne samin

“Huh? Eh diba kanina kasama nyo si Lucy?” sabi naman ni April kay Frelle

“Sabi nya pupunta daw sya sa side kung san kayo nagswiswimming ah?” sagot naman sa kanya ni Frelle

“Hey nerdy! Im a bitch but im not a liar, better watch out your words… wag mo kong pinagbibintangan” maarteng sabi ni April na nakapagpatahimik ulit kay Frelle, kahit kailan talaga walang laban si Frelle kay April

“hanapin na lang natin sya keysa magsisihan okay? Kalma lang tayo guys” sabi naman ni Jane

Napagdesisyunan namin na sama samang maghanap.. kung sama sama kami ay masisigurado namin ang kaligtasan ng bawat isa samin

“Booring!” sigaw ko habang naghahanap kami sa loob ng gubat, totoo naman eh! Mas masarap kayang lumangoy keysa mag ikot sa loob ng gubat tch!

why should we find Lucy? hello nasa isang laro kami... this is survival of the fittest. walang lugar dito ang mga taong mahihina at hindi kayang lumaban. Kung lalambot lambot at tatanga tanga ka, mamamatay ka lang sa larong to

“Kyaaa! Like it so eeewwee kaya dito guys! There’s many damo here and my feet start to kati kati now” maarteng sabi ni Angel

“LUUCYYY!” patuloy na sigaw nila Frelle, Sam, Anne, Jane at Ella

Napalingon ako kay Anne at nakaramdam ng guilt, guilt because napagbintangan namin sya na sya yung killer… Pero wala namang lugar ang guilt dito eh

Habang naglalakad kami…

“WAAAAAAH!!” napaupo naman kaming lahat sa gulat dahil sa nakita namin

Biglang bumagsak samin ang walang buhay na katawan at wala na itong suot na saplot

Lahat kami ay nagulat sa nangyari… napakabiglaan at napakatulin.

Tiningnan namin ang walang buhay na katawan ni Lucy… may mga kutsilyong nakasaksak at nakabaon sa kanyang ulo, Nakatape… Malinis naman ang buo nitong katawan at walang kahit anong galos except lang sa mukha nito na puro saksak na halos kita na ang utak. Naliligo sa dugo ang kanyang ulo na halatang halata mo na kakamatay palang ni Lucy

“Anong nangyari?!?” nanginginig na tanong ni Anne Habang inaalalayan ko syang tumayo

“Nakatulog sya” Narinig naming sabi ni Daryl

Masyado naming inenjoy ang araw na ito, nakalimutan na namin na sa larong ito, there’s only one rule… Don’t Fall Asleep

Sana makasurvive pa ko.

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon