Battle # 22

17.2K 614 39
                                    

POV Samantha

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.... hindi ko alam kung matutuwa ako dahil niligtas kami ni Ella o matatakot ako dahil pumatay sya ng tao....

Ang gulo na!! nalilito na ko!! hindi ko na alam kung sino sa kanilang lima ang dapat kong pagkatiwalaan... hindi ko na alam ang gagawin ko... natatakot na ko, araw araw na lang may namamatay samin.... makakaalis pa kaya kaming anim dito

“Oh bitch! Nag iba na ang tingin ko sayo kaya huwag ka ng umasa na isa ka pa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko” Prangkahang sabi ni April kay Ella

“Wala akong pa-ki-e-lam!” maarteng sabi ni Ella, Ibang Ella na sya. Feeling ko ay ngayon nya pa lang inilalabas ang tunay nyang ugali

ang galing noh? Ang isang santa pwede pa lang maging demonyita sa isang iglap lang.... lahat pala ng naranasan ko kasama sila is malaking arte na lang... ang galing talaga!

pero hindi naman nagsisinungaling si Ella dahil may nakuwa kaming Pocket knife sa bulsa ni Jane at meron pang mga sleeping pills... mukhang planado nya ng patayin kaming lahat

“Ella bakit? Pano mo nagawang ahasin si Jane?” naiiyak kong tanong sda kanya

“Bakit? Para sa safety ko! Para narin sa safety nyo. Alam mo Sam mukhang anghel lang ang babaitang yun, pero hindi mo alam… inaahas ka na nya kapag nakatalikod ka” Sabi nya at nakakalokong ngiti ang kanyang ibinato sakin

“She’s acting like the good one here! NO! Let me rephrase it... WE act like  the good one here. Kapag mabait ka, nasa iyo ang tiwala ng iba, kapag bitchesa ka naman ay kamumuhian ka ng lahat. BITCH PLEASE!! Pero sa sitwasyon ni Jane, She just go with the flow… Nagpapatangay lang sya sa agos, pero yun naman talaga ang trabaho ng isang ahas hindi ba? Sumunod sa agos pero patalikod kang sisiraan. Don’t act like a saint here because kayong lahat!... There’s an evil side. Sa ngayon natatago nyo pa yan, pero kapag naipit na kayo sa sitwasyo… kusa ng lalabas yan” binigyan kami ng mapang asar na ngiti ni Ella

“Alagaan nyong mabuti ang mga kaahasan nyo… baka magbalat yan, sige ka… baka bigla na lang lumabas ang totoo mong kulay” dugtong nya pa bago tuluyang umalis

“Nagspeech pa ang gaga! Sya kaya ang balatan ko para naman mamatay na sya!” Galit na sabi ni April

“Kaya pa ba natin? Tatagal pa kaya tayo dito?” nag-aalalang tanong ni Frelle

“Kami kaya pa! Pero ikaw na lampa, goodluck sayo dear. Sa larong ito walang lugar ang mahihina… siguro ngayon ang tamang time na pumunta ka sa may altar at magdasal” Nakakalokong ngiti na naman ang ibinato ni April kay Frelle… napayuko na lang na lang si Frelle dahil sa inis nya kay April

“Tignan mo!! Hindi mo ko masumbatan, bakit? Dahil mahina ka!! Wala kang lakas ng loob na kalabanin ako” Napansin naman ni Anne na nagkakainitan na ang dalawa kaya naman pumagitna na ito at inilayo si Frelle kay April

“Frelle tara na muna sa  garden,magrelax ka na muna”

“Waaah! You’re so mean talaga  April… Your always away Frelle” sabi ni Angel

“Wag mo nga akong kinakausap dyang conyong baluga ka! Pagkatapos mo kong sabunutan under the rain!?! Sabunutan kita dyan eh!” naglakad na palayo si April

“She’s so maldita talaga”

Hindi na lang ako sumagot at tinitigan ko ang walang buhay na katawan ni Jane

Parang lahat ng problema ay ninanamnam ko dahil sa isa isang bumabagsak ang mga luha ko... nasasaktan ako dahil hindi ko lubos akalain na aabot kami sa gantong point

“Tayo na dyan… hindi ang pag-iyak ang makakatulong sayo, Laban… yun ang kailangan mo, kailangan mong lumaban sa mga nangyayari Sam” nagulat ako ng biglang  may nagsalita. Nakalimutan ko na nandito pa pala si Daryl

“Masakit kasi eh! Naiipit tayo sa gantong sitwasyon” Nasabi ko na lang sa kanya

“No Sam, this is the reality! Hindi ka dapat magpa-anod sa lakas ng ragasa ng tubig… ikaw! Ikaw ang kailangan ang makisabay sa agos” Sabi ni Daryl at hinimas ang aking likuran

Wala na… hinang hina na ko, kaya ko pa kaya?

***

[[[ POV Frelle ]]]

Argh nakakabanas! nakakaasar! bakot ba lagi na lang ako ang pinag iinitan nya... ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya.....lagi na lang dumadating sa point na tuwing nakakaaway ko si April tumitiklop ang dila ko.... ba't hindi ko ba kayang ipaglabang ang sarili ko?

“Frelle tahan na… wag ka ng umiyak” sabi sakin ni Anne

“Eto na nga lang ang paraan ko para mabawasan yung sama ng loob ko pagbabawalan mo pa? ano ka diyos?” umiiyak kong sabi sa kanya pero pinipilit kong ngumiti sa kanya

“Psh! Plastic naman yang ngiti mo eh”

“Hindi naman sa lahat ng pagkakataon masama ang makipagplastikan diba? Sometime’s ginagamit to as a white lies…Kailangan mo minsang makipagplastikan para maipakita sa ibang tao na malakas ka” umiiyak kong saad sa kanya

“Sana nga ganun na lang yun eh, sana nga kapag nakipagplastikan ako sa ibang tao mawawala na ang mga problema ko… lilinis na ako sa paningin ng ibang tao” sabi ko sa kanya

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan nyang tanong sakin

“Maniniwala ka ba sakin kung sabihin ko sayong isa akong bayarang babae? Isa akong pokpok! Kaladkarin lang ako ng mga lalaki!”

“Ano bang pinagsasabi mo!?!”

“Kaya ako umaarteng mabait sa school eh, dahil kapag sa gabi isa akong babaeng punong puno ng kasalanan. Palibhasa mayayaman kasi kayo eh! Hindi nyo nararamdaman ang hirap na ginagawa ko”

“Tanggap kit----“

“Tanggap mo ko?!? Hahahah sila ba tanggap ako? Kapag nalaman nila na isa akong bayarang babae ay pandidirian lang nila ako at gagamitin nila iyon bilang alas sakin” umiiyak na sabi ko sa kanya

“Wag mong isipin ang iisipin sayo ng iba. Napilitan ka lang gawin ang bagay na yun dahil nagipit ka lang ng mga panahong iyon, imbis na pandirian kita… tumaas ang tingin ko sayo” binigyan ako ng isang matamis na ngiti ni Anne

Sana nga lahat ng tao ganto na lang... yung iintindihin ka... ba’t ba kasi ginawa ang tao na may mayaman at may maghirap... silang mayayaman nagpapakasarap, kaming mahihirap ibinebenta na namin ang kaluluwa namin mabuhay lang sa araw araw

***

[[[ POV Samantha ]]]

nakaupo kaming dalawa dito bi Daryl sa lobby... ikinakalma ko lang ang sarili ko.... si Daryll naman ay mukhang nalalim ang iniisip... ganyan naman si Daryl eh... kapag magsasalita yan asahan nyo na may meaning... 

Nagulat na lang kaming dalawa nfg biglang bumukas ang TV sa lobby at tumambad samin ang demonyong mga ngiti ni Rena

“Players miss me?”

“Tonight we will play a hide and seek… you will hide for your lives and I will seek for your deaths

naalala ko bigla ying nakakatakot na gumulo sa utak ko... parang ganto rin kasi yung scene eh...

bigla na lang nagsitayuan ang mga balahibo ko

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon